Chapter 2

1K 36 2
                                    


Nakabusangot akong umuwi sa bahay. May nagawa ba akong mali para umakto siyang gano'n?

Pangit ba pagkakasabi ko o may nasabi akong hindi tamang salita? Pero parang wala naman ah.

Hindi ko naman masasabing nakakatakot ang itsura ko dahil ni hindi nga niya ako tinapunan ng tingin.

Hindi kaya naoffend ko siya dahil may dala akong pagkain? Ayaw ba niya ng pizza?

Hala, baka ayaw nga niya. So stupid of me.

Mga kapatid ko tuloy ang umubos ng pizza. Hayy!

Wala ako sa sariling pumasok kinaumagahan.

"Hoy! Absent ka kahapon tapos hindi ka pa nagreply no'ng nagtanong ako kung nakauwi ka na!" bungad ni Armin sa akin.

"Nalowbat ako at nakatulog na rin," pagpapalusot ko.

"Gagi, alalang-alala ako. Hindi ka namin makontak tapos absent ka pa sa klase. Kung hindi ko lang alam na businessman ang binaril ay inisip ko ng ikaw 'yon, alam ko pa naman na doon ka dadaan." Dagdag ni Aya.

"Pasok pa sa time frame, jusko. Siz naman, sa susunod magdala ka na ng powerbank, ha?" Tumango ako sa kanilang tatlo at nagtaas ng kamay bilang pagsuko.

"Nandito na nga ako. Huwag na kayong mag-alala, buong-buo pa ako, oh?" natatawa kong sabi kahit na hindi talaga ako kumportable, bakit kasi hindi ako sanay na may tinatago sa ibang tao?

Mas okay na 'to, mas okay na wala silang alam. Secrets can sometimes cause burden to people.

"Gigil mo ko, ulitin mo pa! Kakalbuhin ko 'yang bagong hairstyle mo! At isa pa, bakit ka hindi pumasok kahapon?"

"I overslept!"

Buti nalang ay dumating na 'yong prof namin kaya sa klase na ulit 'yong atensyon nila. Napaisip naman ako, gusto ko siyang pasalamatan ng maayos pero feeling ko hindi ko nagawa 'yon ng tama.

Tama, kailangan kong bumawi.

Dadaan ulit ako sa apartment niya mamaya na wala ng dalang pagkain o kung anong thanksgiving gift. I'll make sure to express my feelings through words only!

I immediately became fired up after thinking that, biglang nawala sa isip ko na muntik na akong mamatay kahapon.

"Gagi! May nakakita pala sa pamamaril at kung hindi dahil sa nakakita na 'yon ay baka tuluyan na raw na pinatay si Mr. V." I dropped my fork dahil sa narinig ko kay Nicole. Kumakain kami ngayon sa canteen at bigla siyang nagsalita.

"Gising na siya?" gulat kong tanong.

"Oo, initerview nga. Siya rin ang nagsabi na may nakakita kasi mawawalan palang siya ng malay non." Pinakita pa niya sa akin 'yong phone niya kung saan siya nanunuod ng balita.

Hindi ako nakapagsalita agad.

"Mukha mo, Ekay. Parang ikaw 'yong bumaril ah?"

"Gagi!" Hinampas ko siya.

"Salamat nalang at buhay siya diba? Balita ko kasi ang dami ng tama niya." Pasimple kong sabi.

Pero totoo na nagpapasalamat ako. Akala ko nga ay patay na siya kasi ang dami ng tama niya, pero buti nalang hindi.

"Tatlo raw pero wala namang nadamage na vital organs, buti nalang daw ay may dumating na mga tanod at nadala agad siya sa ospital."

Tumango-tango ako. So that's what happened...

Gustuhin ko mang makatulong para mahuli ang bumaril sa kanya ay alam ko ring wala akong masyadong magagawa dahil hindi ko naman nakita ang mukha. Pero kung sakali mang kailanganin nila ang tulong ko ay tutulong naman ako at sasabihin ang lahat ng nakita at narinig ko.

Itinuon ko ang sarili ko sa sumunod na klase. Pagdating ng dismissal ay mabilis akong lumabas ng room.

"Uy saan ka pupunta, Ekay? Fishball muna tayo!"

"May kailangan pa akong asikasuhin, next time nalang! Bye, ingat kayo!" nakangiti kong paalam saka tumawid ng kalsada.

Dahil pamilyar na rin sa akin ang daan ay nakarating din ako sa apartment niya pagkatapos ng ilang minuto.

Medyo nakakapagod dahil tumakbo ako kaya uminom muna ako ng tubig at huminga ng malalim bago kumatok.

Pero kagaya ng nakaraan ay parang wala nanamang tao.

"Baka sa school pa?"

Sumandal ulit ako sa dingding at inayos ang bangs kong nagulo no'ng umihip ang hangin kanina.

Hindi na rin kaya ako pagsasarhan ng taong 'yon ngayon? Hayy.

Napaupo ako sa hallway, anong oras kaya 'yong tapos ng klase niya? Tsaka saan kaya siya nag-aaral? Siguro dito lang din sa U-Belt.

Dahil rin siguro sa antok at pagod ay nakaidlip ako, nagising lang ako no'ng may narinig na yabag.

Agad naman akong napatayo no'ng makitang may naglalakad na babae sa hallway.

Matangkad ito, mahaba ang medyo kulot na buhok sa dulo, morena, magandang-maganda at maamo ang mukha. Sa katunayan ay aakalain mong isa siyang sikat na model dahil sa dating niya. Pwede ring artista o 'di kaya ay beauty queen.

Napatuwid ako ng tayo no'ng huminto siya sa harap ko. Ngayon ko lang din napagtanto na nakasuot siya ng FEU institute polo. So FEU student pala siya? Dito rin ba sa floor na 'to ang unit niya?

Saglit niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa kaya nahiya ako.

Bakit kaya?

"Are you waiting for someone?" malamig na tanong niya sa akin.

"Ah! Hinihintay ko 'yong nakatira sa unit na 'to." nakangiti kong sabi saka tinuro pa 'yong pinto sa tapat namin.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay napataas siya ng kilay at nanlaki naman ang mata ko no'ng diretso ang pagtipa niya ng passcode sa pinto ng room 208.

Dito rin ba siya nakatira?

She glanced at me again bago tuluyang pumasok. Walang sinabing kahit anong salita pero parang may gustong ipahiwatig na hindi ko naman nagets.

Whoa! Napahawak ako sa dibdib ko no'ng makapasok na siya. Nakakatakot naman siya tumingin, I mean maamo ang mukha niya pero nakakaintimidate ang aura niya. Para bang nagsasabi na 'don't mess with me', gano'n!

Pero sino ba siya?

Natigil naman ako sa pag-iisip no'ng may huminto ulit sa tabi ko.

Masyado pa akong gulat kaya hindi ako nakareact agad at sa halip ay pinagmasdan lang siyang nagtitipa.

It was the hoodie guy that I'm waiting for.

I was about to say a word but he immediately shut the door.

Teka...

I tried knocking pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring bumubukas.

Okay, I think I lost the chance again.

Napatakip naman ako ng bibig no'ng may napagtanto.

"Hala!"

Hindi kaya girlfriend niya 'yong babae? Tapos alam mo na...baka magde-date sila sa loob ng unit niya o 'di kaya ay gagawin nila 'yong ginagawa ng magjowa tapos isa akong malaking isturbo?

Gosh!

Agad akong naglakad palayo. At sure akong namumula ang mukha ko ngayon, hindi pa ako nagboboyfriend pero hindi ako gano'n ka clueless sa bagay na 'yon. I already read a lot of romance novels at 'yong mga kaibigan ko ay nagkaboyfriend na kaya alam ko ang mga bagay na ginagawa ng mga magjowa.

Napatakip ako ng mukha dahil sa naalala ko.

Nakakahiya ka Erika Allison! What did you do?

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon