Chapter 10

927 33 5
                                        


Was that a progress?

I giggled and put my hands on my face. Ano kayang pwede naming gawin? Hmm...

I spent almost 2 hours to come up with a plan, I want him to experience the world freely pero mahirap 'yon kung biglaan...mas okay kung unti-unti.

I smiled as I imagined his face earlier. Ano kayang mga tumatakbo sa isip niya? I'm really curious. . .if only I am a Psychology major.

Natawa naman ako. It's just a stereotype nga pala, Psychology majors or even psychologists can't read people's minds.

It's actually people's behavior and thoughts process that they observe.

Well, that was according to Tam.

Natulog ako ng nakangiti. I can't believe that simple words and conversation from him can make me this happy.

Maaga akong gumising kinabukasan para kalkalin ang aparador sa kwarto ko, I need a cute outfit tomorrow. Konti lang ang damit ko at karamihan ay plaid skirts at crop tops. Mahilig kasi ako sa Korean look eme.

Bandang alas dos naman ng hapon no'ng nagkita kami ni Nicole sa mall. Gaya nga ng sabi niya ay may bagong products 'yong Face Republic, at buti nalang ay nakapag-ipon ako kaya nagawa kong bumili.

Isa lang naman, 'yong blush on dahil expire na 'yong nasa make-up bag ko. Nag-expire nalang na hindi ko man lang nasulit ang paggamit.

Nagwindow shopping din kami at no'ng mapadaan kami sa arts and crafts section ay may naisip ako.

Bumili ako ng beads at string.

"Ano gagawin mo d'yan?" nagtatakang tanong ni Nicole.

"Ah, wala! May naisip lang akong gawin," nakangiti kong sagot.

"Ah ganon," tumango-tango siya. "Ay oo nga pala! Gusto mo sumama sa akin bukas? Nakakuha ako ng ticket doon sa meet and greet ng poging vlogger slash rapper!"

Gulat akong napatingin sa kanya. "Sino?"

"Si CYD!"

Nanlaki ang mata ko.

"Hala! Seryoso ba?" Tumango naman siya at kinalkal pa ang wallet niya para ipakita sa akin 'yong tickets.

But then...

"Ay, may lakad pala ako bukas at importante 'yon." nakangiti kong sabi, without any hint of disappointment, dahil wala naman talaga akong nararamdamang gano'n.

"Next time nalang! Ako na bibili ng ticket!"

"Ay sayang naman. Sige, pipilitin ko nalang si Armin!" nanghihinayang niyang sabi.

Babawi nalang ako sa kanya. Tomorrow is just more important than any fan meetings.

Pagkauwi ay agad akong nagsimula sa gustong gawin. I assembled the beads and made sure that I'm doing it right, marunong naman akong gumawa dahil ginawa ko 'tong negosyo no'ng highschool.

But I want to make it more special. I tried harder design kaya natagalan ako, dalawa pa naman ang ginawa ko.

Bandang alas onse no'ng makatulog ako. Medyo eksayted kaya kahit pagod ay nakatulog din agad.

I woke up early, thanks to the alarm.

Nagsimula na akong maghanda. I took a bath, ate breakfast, fixed my hair into a cute braid, put some make-up on my face...brow gel, concealer, face powder, blush on, at nagtry din akong mag-apply ng mascara, hindi kasi masyadong visible 'yong eyelashes ko dahil maninipis.

At syempre...dress up!

I wore a Korean autumn dress, medyo malamig naman kasi 'yong simoy ng hangin dahil January. I paired it with a rubber shoes and white sling bag.

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon