Chapter 7

882 32 5
                                        


Breaks.

Ang lagi kong hinihintay dahil para sa akin ay panahon 'yon para makanuod ng Anime series, K-Drama, makapagfangirl ng husto, makapaglakwatsa at matulog.

At gusto kong umpugin ang sarili ko dahil kakaiba yata ang ginagawa ko ngayon.

Why the heck am I studying? At hindi pa konektado sa course ko.

I'm a Pharmacy student but I am studying psychological disorders, theories of personalities, and such...

"Naloloka na talaga ako."

I even called Tam, 'yong anak ng kaibigan ni mama, hindi kami close pero nakakapag-usap naman kami kapag may gatherings. Nag-aaral din kasi siya ng psychology kahit na medtech ang course niya at sa kanya ako nagtanong-tanong. Kaso medyo busy siya kahit break kaya nagsuggest nalang siya ng mga librong pwedeng basahin.

And now...I am reading the DSM-V.

"Ahhh! Ayoko na!" Inexit ko 'yong binabasa ko sa tablet at nagtalukbong nalang ng kumot.

My Christmas break went that way, buti nalang ay maraming pagkain sa bahay kaya hindi ako tuluyang nawala sa katinuan. Lalo na sa tuwing naiisipan kong pumunta ng U-Belt, sa pagkain ko nalang talaga binabaling ang lahat. It's really a good thing na mabilis ang metabolism ko kaya hindi ako lumulobo sa dami ng kinakain ko.

January 3 no'ng napadpad na talaga ako sa U-Belt dahil nagpasama si Gaile, may kailangan kasi siyang isubmit na documents para makapag-exam doon sa university na gusto niyang pasukan.

Habang naghihintay ako sa kanya ay pumasok muna ako sa 7/11 na nakita ko at bumili ng pagkain. Natukso naman akong maglakad-lakad pagkalabas ko kaya pinagbigyan ko na ang sarili ko.

"Just don't go there..." I reminded myself.

And I guess I succeeded, sa may Peace Arch ako napadpad at natuwa naman ako no'ng mapansing hindi crowded doon ngayon.

I took my phone to take a selfie pero nagulat ako no'ng biglang may humablot nito sa akin.

"Hoy kuya! Ibalik mo!" Agad kong hinabol 'yong lalaki, hindi na naisip kung ano ang maaaring mangyari sa akin.

Pinag-ipunan ko ng isang taon ang phone na 'yon, ang hirap naman na hayaan nalang ng basta-basta.

Hindi man ako mabilis tumakbo ay sinubukan ko pa rin na bilisan 'yon para maabot ang snatcher.

Please, God.

Laking gulat ko naman no'ng may humarang sa lalaki at sinipa 'to sa bandang tiyan, sinuntok din niya 'to sa mukha at pinilipit ang kaliwang braso kung kaya't nabitawan nito ang phone ko.

Wah!

Lumapit ako sa kanila at pinulot ang phone ko. Basag 'yong tempered glass pero okay lang...madali lang naman 'yong palitan.

Nakatakbo ang snatcher pero okay na 'yon, gusto ko mang ireport sa pulis ay mahihirapan na ako dahil malayo pa ang station, napatingin naman ako sa tumulong at agad na lumakas ang tibok ng puso ko.

"S-Satoshi!" gulat kong sabi.

Alam kong siya 'yon kahit na nakatalikod na kaya hinabol ko siya.

"Sandali!"

Huminto naman siya pero hindi lumingon.

Wow, I don't know what to say. I'm at loss for words.

Pakiramdam ko ay superhero talaga siya dahil bigla-bigla nalang siyang sumusulpot sa tuwing may nangyayaring kung ano sa akin...sa tuwing pumapalpak ako sa buhay.

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon