Nagising ako dahil sa naramdamang parang may umaapak sa mukha ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at napasigaw ako't napaupo no'ng bumungad sa akin ang mukha ng isang pusang itim.Napahawak ako sa dibdib habang hinahabol ang hininga ko dahil sa kaba.
Agad naman akong napatakip ng bibig no'ng may napagtanto.
Nasaan ako?
Iginala ko 'yong tingin ko sa paligid. Nasa madilim at tila maliit akong silid, itim ang kurtina at ang konting liwanag lang mula sa siwang nito ang nagbibigay ng ilaw sa kabuoan ng silid.
Nakidnap ba ako?
Hala, na-rape?
Agad kong tiningnan ang katawan ko at kumpleto naman ang suot ko. Gumalaw din ako para i-check kung masakit ang bandang 'yon pero hindi naman. Nakahinga ako ng maluwag pero kinakabahan pa rin.
Hindi ko alam kung nasaan ako. I tried recalling what happened and what I could just remember is...
Oh my gosh!
Fear immediately crept inside me kaya napahigpit ang hawak ko sa kumot na nakapatong sa akin.
May lalaking binaril kaninang umaga and I am a witness. I didn't see the face of the gunman but I can clearly remember his voice and the way he pulled the trigger to shoot the man in corporate uniform.
Nanginig ang kamay ko. He chased me, right? And someone in the dark suddenly pulled me. Nagtago kami sa may basurahan, at narinig ko ang mga yabag at boses na papalapit...
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nahimatay na yata ako pagkatapos no'n.
Nakakatakot. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat. Pero...panaginip nga lang ba?
I immediately searched for my bag, pinindot ko rin ang nakita kong switch at no'ng naging maliwanag ay saka ko lang napagtanto na nasa isang panlalaking kwarto ako, mula sa kulay asul nitong pintura hanggang sa mga display at posters na nakita ko.
Agad kong kinuha ang bag ko no'ng makitang nasa paanan ito ng kama. Hinanap ko ang phone pero napasampal nalang ako sa noo no'ng makitang lowbat 'yon.
Anong oras na ba?
Tumingin ako sa bintana at no'ng makitang mataas na ang sikat ng araw ay agad akong nagpanic.
May pasok pa pala ako! Pero base sa sikat ng araw ay mukhang tanghali na at late na ako.
Tatayo na sana ako para subukang lumabas ng kwarto pero napaupo ako dahil sa panghihina ng tuhod. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa takot o sa kung anong nararamdaman ko na hindi ko matukoy dahil sa kaba.
Magulo ang isipan ko. Did the owner of this room save me or he's an accomplice? Napahawak ako sa sentido ko nang maramdaman ang pag-ikot ng ulo ko. Kumukulo rin ang sikmura.
"Hindi pa pala ako kumakain," bulong ko sa sarili.
"Meow."
Napatalon ako no'ng biglang kumandong 'yong pusa sa akin.
Pusa ng may-ari?
Natakot naman ako no'ng bigla itong tumingin sa akin kaya tumayo ako, dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto at bumungad naman sa akin ang isang maliit na sala na medyo magulo dahil sa nagkakalat na mga papers na may sketches na kung ano at mga action figures na tila dinaanan ng bagyo.
May bata bang nakatira rito?
"Meow."
Napahawak ako sa dibdib dahil nagulat nanaman ako.

BINABASA MO ANG
One Fateful Night
RomanceUniversity Belt Encounter Series #2 Despite the hardships and challenges she had been through, Erika Allison was still able to keep her bubbly personality and positive view of life. She's tough, family-centered, responsible, and patient. In being an...