Natapos na ang exam at malapit na ang christmas vacation pero nasa isip ko pa rin ang lahat ng sinabi ng babaeng 'yon.Ano bang ibig sabihin niya?
Do I look like someone who wanted to play with boys like her hoodie? Hindi naman ako galit but I just think it's not fair to immediately judge me. Pero siguro naman ay hindi naman niya intensyon na maoffend ako, nag-aalala lang siguro siya kay hoodie...o 'di kaya ay sa relasyon nila.
Hay, napag-isipan pa tuloy ako na may masamang balak. Pero kasalanan ko naman dahil lapit ako ng lapit kaya hindi ko siya masisisi.
I think it's time to stop. Tapos na rin naman ako, I already thanked him, medyo curious ako sa kanya kasi ang weird niya pero ititigil ko na. Ayaw ko ng isipin pa ng iba na gano'n akong babae...na may masamang balak at maninira. Dahil ako mismo ay ayaw ko sa gano'n.
"Ekay!" Lumingon ako at nakita ang kaklase kong si Chico na nakaupo sa gilid ko.
"Oy." Ngumiti ako.
"Kilala mo ba 'yong maganda do'n malapit sa apartment ni Julia?" Napaawang naman ng saglit ang bibig ko.
Pati rin siya ay type 'yon? Sabagay wala namang kapintas-pintas do'n, totoong maganda. At kung ako ang tatanungin ay bagay nga sa kanya ang mga katulad ni Chico na matangkad, makisig, gwapo, mayaman, at sikat sa campus. Dagdag mo pa na bagay na bagay sa kanya ang ash blonde niyang kulay ng buhok na minsa'y aakalain mong hindi natural.
"Ah, hindi. Naencounter lang niya ako ng ilang beses kaya nagkabatian." Sinubukan kong ngumiti.
Kahit kanino ay hindi ko pa nasasabi ang naging usapan namin. Kinukulit ako ng tatlo pero katulad din ng sinabi ko kanina ang sagot ko.
"Ah, gano'n ba. Same same!" Bumalik na siya sa upuan niya pagkatapos no'n.
Weird. Anong same same? Anyway, hindi na nga dapat ako nakikialam kaya hinayaan ko na.
Napabuntong-hininga ako pagkadismiss sa amin.
Usually sa tapat ako ng FEU Tech dumadaan nitong nakaraang linggo. Malapit kasi kung doon ako dadaan, pero ngayon ay parang ayaw ko na.
Baka kapag makita pa niya ako ay sabihin na ang kulit ko naman at baka isipin pa na sinasadya kong dumaan doon dahil inaabangan ko siya kahit hindi naman. Baka mamaya makita pa ako ng babae at pagsabihan ulit.
Nakakahiya na masyado.
Umayos ako ng lakad at sa Loyola nalang dumaan, pagkatapos ay lumiko sa may P. Noval para doon mag-abang ng masasakyan pauwi.
Ilang araw na gano'n ang ginawa ko. Iniiwasan kong mapunta sa mga lugar kung saan ko siya nakita dati. Slightly curious man ako sa kanya at sa pagiging mukhang takot niya sa tao ay pilit kong isinisiksik sa isip ko na hindi pwede, hindi ako pwedeng manghimasok sa buhay niya.
He's still a stranger after all, I don't even know his name.
I'm curious...but I shouldn't get myself involved with him.
The following days were unusually sad, parang may kulang na hindi ko matukoy, malapit na ang pasko at pinilit ko nalang ang sarili na maexcite. May iilang project sa org na sinalihan ko na gagawin ngayong Christmas kaya 'yon nalang ang nilolook forward ko.
"Aww, mamimiss ko kayo. Uuwi ako sa probinsya eh!" paalam ni Armin, taga Pampanga kasi siya at tuwing break ay umuuwi talaga.
"Kami naman sa Ilocos napiling magpalipas ng holidays ni papa," excited na dagdag ni Nicole.
Napa 'sana all' nalang kami ni Aya dahil pareho kaming stay at home lang.
"Nagtitipid. Kung makalabas man ay baka hanggang Luneta o mall lang." natatawang sabi ko. "Mamimiss ko kayo, ingat sa holidays!" Niyakap ko sila bago ako nagpahiwalay sa may overpass.

BINABASA MO ANG
One Fateful Night
RomansaUniversity Belt Encounter Series #2 Despite the hardships and challenges she had been through, Erika Allison was still able to keep her bubbly personality and positive view of life. She's tough, family-centered, responsible, and patient. In being an...