Chapter 6

910 35 3
                                    


Napangiti ako habang nakasakay sa jeep pauwi.

Hmm. Satoshi pala ang pangalan niya. Japanese kaya siya?

I giggled when I recalled how he acted after I said 'No', napatigil siya habang nakaharap sa akin kaya yumuko ako para sana silipin ang mukha kaso bago ko pa magawa ng maayos 'yon ay tumakbo na siya palayo.

Naisip ko naman, baka may tinatago siya sa mukha niya. Ano kaya 'yon...bakit kaya?

"Sto. Domingo!" anunsyo ng driver.

Nanlaki naman ang mata ko, sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na bababa na pala ako.

Naging busy ako no'ng sumunod na araw dahil namili kami ng mga gagamitin sa pasko pati na rin mga regalo.

Binilhan ko ng regalo 'yong mga kapatid ko, si mama, at mga malalapit na kaibigan. Ugali ko na talaga ang mamigay ng regalo kapag Christmas kaya buwan palang ng Oktubre ay nag-iipon na ako.

Sapatos ang napili kong iregalo kay Gaile, libro kay Aikka, headphone kay Ken, relo kay mama, dress kay Aya, eyeshadow palette kay Nicole, heels kay Armin, pullover kay Rozz, at oversized polo para kay Julia.

Nabalot ko na halos ang lahat pero may isa pang hindi. Napasabunot ako sa buhok habang tinitingnan ang black cap na binili ko.

"Kaloka! Bakit ba kita binili?"

Hindi ko naman siya pamila at mas lalong hindi kami close.

Kakaalam ko nga lang ng pangalan niya. It's just that the cap reminded me of the way he covered his face whenever I saw him.

Napailing ako. Loka ka na, Ekay! Mapagalitan ka pa! Baka mamaya girlfriend pala talaga niya 'yong babaeng maganda na lagi niyang kasama!

Pinikit ko ang mata ko at pilit na kinumbinsi ang sarili na huwag ng gumawa ng bagay na ikapapahamak ko.

But on the 23rd day of December, I found myself in front of his apartment. Mukha pa ngang uulan at medyo naaasar din ako sa sarili ko dahil sa mga desisyon ko sa buhay.

"Gosh! I must be really crazy!" frustrated kong bulong sa sarili ko.

Agad naman akong nagtago sa poste no'ng may mahagip ang paningin ko...'yong babae! Nakita ko siyang lumabas sa unit niya. Nakasuot ito ng itim na v-neck long sleeves at fitted jeans, simple lang pero sapat na para mapalingon ang mga makakasalubong niya.

Nakahinga ako ng malalim no'ng makalampas na siya sa pwesto ko. May naisip naman ako...live in siguro sila?

I just shrugged my shoulders and continued walking. Huminga ako ng malalim no'ng nasa tapat na ako ng unit niya. Inayos ko 'yong white ruffled headband ko at ang floral sleeveless dress na suot ko...hindi naman sa nagpapaganda ako dahil gusto ko siya, pero diba mas okay na 'yong presentable?

"Okay, Ekay. Babawi ka lang dahil niligtas ka nanaman niya. 'Yon lang, okay?" I mumbled.

But damn, tangible pa rin ang dala ko pero bahala na! Christmas naman...baka nga hindi pa tanggapin pero dahil nandito na ako ay susubukan ko nalang din.

Gulat naman akong napaayos ng tayo no'ng biglang bumukas ang pinto at bumungad siya sa akin.

Napakurap naman ako ng mata no'ng mapansing hindi siya nakahoodie but then. . .his bangs is still covering almost half of his face. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at dark blue na shorts.

"U-Uh...Hi..." I looked away when I realized that he's staring at me behind his bangs. Medyo nahiya ako.

"Ano...sorry for coming here. I just want to give you this...you may call it a christmas gift or just a plain token of gratitude...I'm just very thankful. Sorry."

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon