Chapter 4

932 31 4
                                    


"Hoy bruha! Ngiti-ngiti ka d'yan!" Nagulat ako no'ng biglang pumitik sa harap ko si Armin.

"Huh? May sinasabi ka?"

He raised a brow and smirked. "Tinatanong kita kung ano ba ang pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang araw! Hindi ka nakikinig, siguro iniisip mo crush mo, nuh?"

"Whoa! Wala akong crush! I mean...si Taehyung lang ang crush ko!" Napangiti naman ulit ako no'ng maalala ang BTS, at syempre si Taehyung!

"Weh? Hindi mo na nga ako sinasamahan mag tusok-tusok sa labas kapag dismissal eh! Kung naghahanap ka naman ng boylet sana sinama mo ako!" nagtatampo niyang sabi.

"Hindi naman ako naghahanap, ikaw talaga." Inakbayan ko siya. "Pakilala kita agad kapag may makilala ako." Nginitian ko siya at pabiro naman niya akong sinampal.

"Tiwalang makakabingwit ang bruha, ah!"

Pareho nalang kaming tumawa. Kahit na sa totoo lang ay hindi ko pa naiisip kung may kakayahan nga ba akong makabingwit. Masubukan nga minsan, pero gosh, nahihiya ako.

At dahil kung anu-ano na nga ang iniisip nila tungkol sa akin ay inaya ko silang magtusok-tusok muna sa labas no'ng dismissal.

"Hindi ko libre pero kain tayo!" nakangisi kong sabi saka ko sila inakbayan.

Napagastos naman ako ng aabot 50 pesos dahil sa katakawan ko.

"Whoa! Namiss ko 'to." nakangiti kong sabi habang kumakain kami sa gilid ng kalsada.

"Erika!" Lumingon ako dahil may tumawag sa akin. Kumaway sa akin si Julia.

"Uuwi na ba kayo?"

Nagkatinginan kaming apat at sabay na umiling. Alam naming birthday ni Julia ngayon at kung may libre ba namang pakain ay hindi kami tatanggi.

"Good! Tara sa apartment namin, may konti kaming handa." nakangiti niyang anyaya at agad naman kaming tumayo.

"Hindi ka pa busog, Ekay? Iba talaga ang tiyan mo!" nakangising tanong nila.

"Huh? Syempre hindi, may pakain pa nga."

Isa sa mga pinagmamalaki ko ay ang tiyan kong matagal mabusog, pero kahit gano'n ay hindi naman ako tumataba.

Habang naglalakad kami ay naalala ko naman na malapit pala ang apartment nina Julia sa apartment ni Hoodie. Hindi ko lang alam kung saan doon.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin kami. Napagtanto ko naman na halos tapat lang pala 'yon ng apartment nina Hoodie.

Hindi muna kami pumasok dahil hindi pa tapos maghanda, tsaka nagyoyosi pa kasi si Armin at 'yong ibang kaklase namin na inimbitahan din.

"Oy!" Lumingon ako sa tumapik sa akin at agad ding ngumiti no'ng mapagtanto na si Rozz 'yon.

Kaklase ko si Rozz no'ng senior high at first year college.

"Ikaw pala!"

"Oy Rozz, ano 'yan? Pumuporma nanaman? Basted ka na, diba?" Natatawang kantyaw ng mga kaklase namin.

Medyo nahiya naman ako. It's true, Rozz courted me pero dahil isip bata pa nga ako at kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya ay binasted ko siya.

Ang sabi pa ng iba ay ang kapal ko raw, paano kasi kilala si Rozz sa campus at marami ring nagkakagusto sa kanya tapos binasted ko? Ako na hindi sikat at mayaman, ako na cute lang daw at hindi maganda, at ako na hindi naman katangkaran...

Ewan ko sa kanila kaya hindi ko nalang pinansin. Halos isang taon na rin kaya parang nakamove on na rin ang lahat kaso hindi pa rin maiwasan ang pang-aasar minsan...katulad ngayon.

"Oo nga eh, basted ako. Saklap!" natatawa niyang sabi at pabirong tinitigan ako.

One thing that people like about him is that marunong siyang sumakay sa mga gano'ng pang-aasar. He's easy going.

"Loko ka talaga." bulong ko sa kanya.

"May jowa na 'yang si Ekay, kaya huwag ka na!" Pang-aasar pa nila at natawa naman ako.

"Jowa pa? Jusko," natatawa kong komento. "Si Taehyung lang ang crush ko!" dagdag ko pa. Pinangsingkitan nila ako ng mata at tinapik naman ako ng isa sa balikat.

"Magkacrush ka naman ng reachable, Ekay! Tingnan mo 'tong si Aya at Julia, parehas na may jowa! Si Nicole may manliligaw, at si Armin naman may landi life din! Eh ikaw? Kpop delusion life?"

Umiling ako at natawa nalang ulit. May mga crush naman ako dati pero sa hindi ko matukoy na dahilan ay nawala sila no'ng nagcollege na ako. Siguro ay dahil mas naging busy na ako sa studies...and all.

Nanlaki naman ang mata ko at napatigil no'ng may matanaw ako.

Isang lalaking nakahoodie na naglalakad at isang babae na kahit hindi rumarampa ay para pa ring modelo ang dating.

Obviously, it's the hoodie boy and the FEU girl I saw last time.

Magkasabay silang naglalakad pero tumigil 'yong babae at parang may sinabi kay hoodie boy bago siya tumungo sa fishball vendor na nasa gilid lang halos namin. Dumiretso naman ng lakad si hoodie.

Tama nga kaya ang iniisip kong magjowa sila? I mean kasi...feeling ko sila nga. O baka mutual understanding, gano'n? Crush crush o ligawan something.

"Chicks, pre!" bulong ng mga kaklase naming lalaki.

"Tamaraw," dagdag pa ng isa.

"Ang ganda at sexy. Hmm. Kung ako may jowa n'yan..." bulong pa ng isa at napangiwi naman ako. Sana lang ay huwag silang magkomento ng bastos dahil makikipag-away talaga ako.

But it's true, she's really sexy and gorgeous!

Eh ngayon nga na P.E uniform lang ang suot niya ay ang lakas lakas na ng dating niya, paano na kaya kapag dress o gown? Edi bonggang-bongga!

Siniko ako ni Aya at binulungan. "Kilala mo girl?" Umiling naman ako.

Tumuwid ako ng tayo no'ng napansing nakatingin siya sa akin.

Nanliliit ang mata niya habang tinitingnan niya ako, nakaramdam ako bigla ng hiya pero hindi ko na mabawi ang tingin ko.

"Hi, Miss." I was surprised that she actually talked to me. Nakatingin siya sa akin kaya malamang ako ang kinakausap niya, diba?

"Hello," I tried hard to smile pero hilaw na ngisi lang yata ang naibigay ko.

Ang hirap naman kasing ngumisi kung intimidating ang nakikipag-usap sayo at hindi pa nakangiti. It's even more like she's annoyed or something like that. I am not good in reading people's facial expression pero 'yon ang tingin ko.

"We saw each other again." dagdag ko pa at sinikap na hindi maging awkward ang dating ng non.

"Uh yeah, I saw you last time, too." She raised a brow. "Sa labas ng unit ng kasama ko kanina." I was surprised when she suddenly let out a dangerous smirk...or more like a warning smile.

"What are you up to?" she added.

Napakurap naman ako. "Ha?"

"Are you following him? Hmm," pinasadahan uli niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Leave him alone. If you're just planning to play with him, huwag siya please." Kalmado ang boses niya ngunit mariin at maawtoridad ang pagkakasabi.

Umalis na siya pero nakatunganga parin ako at hindi magets ang sinabi niya.

Ano raw?

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon