Chapter 20

1.1K 34 1
                                        


Trigger Warning: abuse, violence

"Nasaan ka? Nandito ako sa apartment mo pero wala ka nanaman." mariing tanong ni Nisha sa kabilang linya.

I sighed.

"Naglalakad." I truthfully answered dahil 'yon naman talaga ang ginagawa ko.

"Don't tell me...sinusundan mo nanaman 'yong babaeng 'yon?"

Tss.

Pinatay ko na 'yong tawag pagkatapos niyang sabihin 'yon.

She's right and I don't freaking know why I am doing this. Dapat ay hindi ko na pinapakialaman 'yong mga tao sa paligid ko pero sa tuwing naiisip ko na baka pumalpak nanaman siya sa kalsada ay natatagpuan ko nalang ang sarili kong sinusundan siya ng palihim.

Nahuli niya ako ng isang beses doon sa may nagtitinda ng fishball, kung hindi lang sana ako nawili sa panunuod sa mga taong kumakain ay hindi sana niya ako nahuli.

And fuck, I don't know why she's so persistent to know my name when she saw me.

"Fuck!" I silently cursed.

Hinila ko siya dahil hindi niya napansin 'yong motorsiklong mabilis ang takbo na dadaan sa kinatatayuan niya kanina.

I hate this. I hate that I am so worried.

She looked surprised to see me. Well, I am surprised with myself, too. Didn't know na mabilis pala ako, at mas lalong hindi ko alam kung bakit ko ba ginawa ko 'yon.

Umiiwas nga ako sa tao, ayaw ko ng atensyon, ayaw kong tinitingnan ako, ayaw kong kinakausap ako...pero bakit.

I sometimes think that maybe it's her fault. She started it, she started talking to me, she started pestering my life.

Ang kulit-kulit at ang daldal niya...katulad nalang ngayon, nakasunod pa sa akin, hindi ba niya napapansin na ayaw kong makipag-usap sa mga tao?

"May I know your name?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko gets, ano bang meron sa pangalan ko na gustong-gusto niyang malaman?

"I mean, if you tell me your name...okay na 'yon!" Pakiramdam ko pa ay nakangiti nanaman siya habang sinasabi 'yon.

Seryoso kaya siya na kapag sasabihin ko ang pangalan ko ay titigil na siya? Hmm, gusto ko ng mangyari 'yon para hindi na niya ako guluhin dahil naguguluhan na rin ako sa sarili ko. Ayaw kong mapalapit sa kanya, ayaw kong may iisturbo sa tahimik kong mundo dahil matagal ko 'yong pinangarap...pero sa tuwing nagpapakita siya ay ang gulo at naiinis ako na nagugustuhan ko ang magulong paligid na 'yon.

And I'm scared that I will be left behind again, at maulit nanaman ang mga nangyari sa nakaraan.

"Satoshi, that's my name. Now, will you stop?" Because of I hope she would. Habang maaga pa, habang hindi pa ako tuluyang nahihibang sa mga pinanggagawa niya.

But seconds later, she shook her head and said...

"No."

Now, what a bullshit?

At hindi nga siya tumigil. Binigyan pa ako ng regalo no'ng dumating ang pasko at naabutan pa nga ng ulan. Ayaw ko namang maging masyadong masama dahil totoo namang mababasa siya kung hindi ko siya papapasukin sa loob ng unit ko. But damn, it was so hard to tell her to come inside. Good thing I have Clover!

"Bring that girl in, too." I commanded. Sana naman ay magets na niya dahil hindi ko kakayaning sabihin 'yon sa kanya ng harapan. As if.

But she's really dense. So freaking dense, ang tagal niyang makagets.

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon