Chapter 18

929 27 1
                                        


Nagising ako dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Umaga na pala? Kahit na antok na antok pa ay agad akong umambang bumangon ngunit agad din akong napatigil no'ng naramdaman ang pagkirot ng parteng 'yon ng katawan ko.

Gosh! Oo nga pala. Napatakip ako ng mukha no'ng marealize ang nangyari kagabi.

I did it with him. Pero hinding-hindi ko pagsisisihan 'yon.

I'm just kind of embarrassed with myself because of...uh, nevermind.

And damn. Napapikit nalang ako no'ng may maalala pa...

I was trying hard not to sleep and he suddenly made me face him. I stared at him as he cupped my face and kissed me.

I feel so high at the moment but a thought crossed my mind and I felt like it's the perfect moment to ask him so I breathed deeply and gave him my question.

"Boyfriend na ba kita?"

He was stunned but a smirk escaped his lips which made me blush so hard. I thought he's going to immediately answer me but I was wrong.

He sealed my lips with a kiss and whispered.

"I'm your boyfriend and your future husband."

Aaaaah! It made me so flustered! Napatalukbong uli ako ng kumot at inabot pa yata ng ilang minuto bago ako nakatayo.

Tahimik akong lumabas ng kwarto niya, I wonder what time is it at kung nakaalis na ba si Shin. O should it be...tuloy ba NSTP nila ngayon? Hmm, the rain poured hard last night, baka baha pa sa labas.

I looked around and when my eyes landed to the clock ay agad akong nagpanic.

"Hala! Nasobrahan tulog ko!"

It's freaking 9 am already! Wala kaming klase pero baka kanina pa ako hinihintay sa bahay! Duty pa naman ni mama ngayon.

Pero...si Shin? Nasaan na ba siya?

Sumilip ako sa kitchen pero wala namang tao, instead, I saw a tray of food na may nakadikit pa na note sa gilid.

I immediately smiled and read it.

Good morning, the NSTP will push through.

Eat this before you leave.

He's really sweet and caring, hindi man gano'n kahalata.

And I can't believe he even prepared breakfast for me. Napatingin naman ako sa niluto niya, I know he's still practicing but I am now already so happy and proud of him.

Nakangiti akong kumain. It felt ecstatic just by the thought of him preparing this meal for me, kahit na wala siya ngayon sa harap ko ay feeling ko nandito siya.

Ahhh, maybe I'm crazy now.

Pagkatapos kumain ay nagligpit na ako, chineck ko rin 'yong damit na suot ko kahapon at buti nalang ay okay na kaya nagbihis na ako. It still hurts tuwing naglalakad ako but the pain is bearable, 'yon nga lang ay paika-ika ang lakad ko.

My phone rang and I immediately answered it.

Kasi it was Shin!

"Hello." I immediately greeted.

"Oh, you're awake already."

Sumimangot ako. "Hindi mo ako ginising, but thanks for the meal! Ang sarap!"

I heard him cleared his throat. Hala naulanan nga pala kami kagabi baka magkasipon siya.

"Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong.

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon