Warning: SPG!
"Uuwi na ako!" nakangisi kong sabi sa tatlo.
"Sus! May date lang kayo eh!" they teased.
I just laughed and waved at them.
It's been a month since that day pero parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil kapag naiisip ko 'yon ay todo pa rin ang kilig ko.
"Hey," napangisi ako no'ng makita siya sa harapan ko.
"Hi, tara na?"
Tumango siya at inakbayan ako.
I am happy to see changes with him this past few weeks. Whenever he's with me, I can say that he's getting more comfortable especially in talking. And even around people, too, sabi niya ay nagsisimula na rin siyang maging kumportable. And aside from that, ngayon ay nakakapagcommute na siya ng medyo maayos, naghohoodie jacket pa rin pero hindi na masyadong nakayuko katulad nong isang character sa Death Note.
Small changes and I'm so proud of him. I know that he's trying so much, minsan ay nag-aalala ako but he wants this, he wanted to move on so bad from that cruel past of him, and all I can do is to be with him and support him along the way.
Even though we don't have a label yet, kuntento na ako at masayang-masaya sa kung anong mayroon kami ngayon. As long as have each other.
Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad sa Loyola St., I felt his hands shaking and I think I know the reason already. Pupunta kasi kami sa bahay ngayon dahil birthday ni Aikka, and I will be introducing him to mom. Alam naman nila kung anong mayroon sa amin at naeexcite si mama na makilala siya, pati rin 'yong mga kapatid ko kahit na feeling ko ay aasarin lang nila ako.
Pagdating namin sa España ay as usual, marami nanamang nag-aabang ng jeep dahil rush hour na kaya kailangan naming makipagsiksikan at makipag-unahan. No'ng una ay nahihirapan siyang gawin 'yon pero ngayon ay nasasanay na rin siya because he's always so persistent to take me home lalo na kung ginagabi ako, though hanggang kanto lang namin siya dahil nahihiya raw siya kay mama at sa mga kapatid ko. Pero ngayong araw ay wala na siyang kawala dahil si mama na mismo ang nagrequest.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at nakipagsiksikan na kami sa mga tao, after few attempts ay nakasakay na rin kami.
I saw him sweating kaya kinuha ko 'yong panyo ko sa bag at pinunasan 'yon.
"Kinakabahan ka pa?" natatawa kong tanong.
Tumango naman siya.
"Sus, huwag kang kabahan."
"Do you think they will...like me?"
Natawa naman ako. Okay, 'yong negative attitude niya ay hindi pa rin nababago but it's manageable. When he knows that someone believes in him ay lumalakas din ang loob niya.
"Of course, bakit naman hindi? Ang choosy naman nila kung gano'n." I gave him a smile. "Kaya chill lang tayo, huh?"
He nodded and smiled. Ang cute talaga. Kainis!
Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat niya, nagising lang ako no'ng maramdamang may tumutusok sa mukha ko.
Eh?
"Malapit na tayo," bulong niya.
Agad naman akong umayos ng upo at tumingin sa paligid.
Oo nga pala, Banawe na. Traffic kasi kanina kaya ang bagal at nakatulog ako.
Pagkababa namin ay saka ko lang napansin na makulimlim pala ang langit kaya mas lalong dumilim ang paligid kahit na mag-aalas sais palang naman.
Ilang block lang naman 'yong bahay namin mula Sto. Domingo at no'ng makarating kami sa tapat ng bahay namin ay pansin ko naman ang panginginig muli ng kamay niya.
BINABASA MO ANG
One Fateful Night
RomansaUniversity Belt Encounter Series #2 Despite the hardships and challenges she had been through, Erika Allison was still able to keep her bubbly personality and positive view of life. She's tough, family-centered, responsible, and patient. In being an...
