Hindi ako umuwi buong araw. I also turned my phone off dahil masyado pang magulo ang isip ko para kausapin silang lahat.Ayaw ko ring makausap si mama. Dahil kung malaman niya ay babalik nanaman sa kanya ang lahat...ang lahat ng sakit na ginawa ni papa at ng kabit niya.
Halos hatinggabi na ako umuwi, akala ko ay tulog na silang lahat pero mali ako.
Malayo palang ay natanaw ko na si mama na nakatayo sa labas ng gate namin. Gustong umurong ng paa ko pero nakita na niya ako.
"Ma..."
Nagulat ako no'ng agad niya akong niyakap pagkalapit ko sa kanya, ramdam ko rin ang pag-iyak niya.
"Ma...bakit? Okay lang po ba kayo?" nag-aalala kong tanong.
Hindi naman niya alam, diba? Please, no! Ayokong masaktan nanaman siya katulad ng dati!
"Okay ka lang ba, anak?"
Tumango ako.
"Okay lang ako, ma." Pinilit kong panatilihin ang boses ko.
"Nandito siya kanina, nagpakita siya sa akin."
Tangina! I clenched my fist and hugged her tightly.
Hindi. Hindi ko na siya hahayaan pang masaktan katulad noon. Hindi ko kaya. Nakita ko na siyang wasak dati, ayaw ko na ulit na makita 'yon.
"Ma...nandito lang po ako. Kami nila Gaile, Aikka, at Ken. Sapat na po 'yon para magpatuloy tayo. Mahal na mahal ka namin."
I want to cry too dahil sobra rin akong nasasaktan pero ito 'yong panahon na kailangan ako ng pamilya ko kaya kailangan kong magiging matatag. Para sa mga kapatid ko...para kay mama.
Pumasok na ako sa loob, naligo, at nagbihis. I was crying on my bed when Gaile knocked on the door.
I fixed myself and wore my glasses para hindi niya mahalata ang namamaga kong mata.
"Ate...nasa labas si Kuya Shin, hinahanap ka."
Napatulala ako dahil sa sinabi niya.
Nandito siya?
Kaya ko ba siyang harapin ngayon?
Napaupo ako sa kama. Gaile worriedly looked at me pero tumango lang ako para ipakitang okay lang ako.
"Sandali lang, Gaile. Susunod ako." I weakly said.
Paano ko siya haharapin? Anong sasabihin ko? I wonder if he already know everything...ano irereact ko? Galit kaya siya sa akin?
Napailing ako no'ng maisip ang iilang posibilidad. Nag-aalala rin ako na baka kung ano ang maging epekto non sa kanya...given what his mother did to him.
"No," agad akong tumayo.
Kung kakausapin ko siya ay maaaring maging magulo 'yon pero kung hindi ko siya kakausapin ay baka isipin niyang ayaw ko na...na suko na ako...na gano'n lang ka babaw ang pagmamahal ko sa kanya.
Kaya hindi. Hindi ko siya hahayaang umalis na walang pinanghahawakan mula sa akin.
Patakbo akong lumabas ng kwarto at bumaba.
"Nasaan siya?" natataranta kong tanong kay Gaile. Nagtataka naman siyang itinuro 'yong labas.
Agad ako lumabas ng gate at naabutan ko siya roon na kausap si mama.
"Ma!" Hinila ko si mama at sinensyasan na pumasok muna. She just gave me a small smile before going inside.
"Erika," he coldly mentioned my name. Kinabahan ako sa boses niyang 'yon.
BINABASA MO ANG
One Fateful Night
RomantikUniversity Belt Encounter Series #2 Despite the hardships and challenges she had been through, Erika Allison was still able to keep her bubbly personality and positive view of life. She's tough, family-centered, responsible, and patient. In being an...