Chapter 8

779 34 2
                                    


FRIEND.

A friend is someone you can count to, someone you can trust, someone you can be with when you need a escape, someone that you're comfortable with, someone you can share your worries with, someone who may taught you things about life, and...

"Hoy! Ngiti-ngiti ka d'yan? Crush mo si Sir, 'no?" nakataas kilay na tanong ni Armin. Agad naman akong umiling.

"Hindi ah!"

"Kanina ka pa nakatitig eh, tapos pangiti-ngiti ka pa at nagbablush."

Huh?

"What? Hindi ah!" Depensa ko.

Pero shocks! Sa harap nga pala ako nakatingin, pero hindi naman ako nakangiti dahil kay Sir. Ni wala sa isip ko na magkacrush sa prof. Honestly, medyo bata pa nga si Sir, parang fresh grad...pero no! Hindi ako fan ng student-teacher relationship, si Armin nga yata ang g na g.

"Baka ikaw uy!" mapanukso kong dagdag. Namula naman siya kaya kinurot ko siya.

"Ehh. Wag ka nga!" Inirapan niya ako, pagkatapos ay saka ako hinarap ulit. "Huwag mo ngang binabago ang usapan gaga!"

"Hindi ko crush si Sir! May iba akong iniisip!"

Nginisian naman niya ako ng nakakaloko.

"Ano 'yon ha?" Intriga niya.

"Wala, basta!" Humarap ako sa kabila dahil pakiramdam ko ay mangingiti nanaman ako. Honestly, hindi ko rin naman alam kung bakit ba ako tuwang-tuwa.

Apat na araw na simula no'ng sinabi ko na friends na kami at ngayon ay balikan na ng klase namin. Parang gusto ko siyang bisitahin mamaya kaso sa tuwing naiisip ko si Nisha ay nag-aalangan ako. I am sure that she doesn't like my presence, and maybe she also thought that I am crossing the line, gano'n naman talaga yata ang magiging tingin ng kahit sinong tao sa ginagawa ko.

But...I know that it's not my intention.

I just want to be his friend. Ayaw kong may nakikitang malungkot dahil alam ko ang pakiramdam non, at alam ko rin ang magagawa ng pakikipagkaibigan para malampasan 'yon.

I sighed. Bibisitahin ko siya mamaya, maybe a minute or two will do.

Pagkadismiss sa amin ay agad akong nagmadali palabas ng gate. Buti nalang ay hindi napansin ng tatlo dahil kausap pa nila si Rozz.

Binilisan ko ang lakad ko papunta sa kanila, sa ilang beses na pagpunta ko doon ay namemorize ko na yata ang pasikot-sikot papunta sa kanila. Hindi naman kasi kalayuan sa school, ilang block lang naman.

Nakaramdam naman ako ng kaba no'ng matanaw na ang apartment niya.

I am hoping na nakauwi na siya, late na kasi 'yong dismissal ko tuwing hapon sa bagong sched ko ngayong sem, parang katulad ng oras ng dismissal niya, 'yon ay kung hindi nabago ang sched niya. Ay oo nga pala, tatlong semester yata ang school nila kaso wala akong masyadong alam sa patakaran.

Huminga akong malalim bago kumatok.

Matagal...pero sa huling subok ko ay binuksan na rin. Bumungad sa akin si Nisha na nakasuot ng apron sa ibabaw ng FEU green institute polo niya. Naka-messy bun ang buhok at parang pinagpapawisan. Nagluluto yata siya.

She looked at me again with the usual head to foot manner. Hindi ko alam kung gano'n ba siya sa lahat o sa akin lang talaga dahil akala niya inaagaw ko ang boyfriend niya o whatever.

Hindi ko naman siya masisisi pero paano ko ba maipapaliwanag na wala akong balak na agawin si Satoshi.

"You're here again," she stated and raised a brow. "Hindi pa siya nakakauwi, ako lang ang nandito." Bigla naman akong ginapangan uli ng kaba.

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon