Chapter 11

744 33 0
                                    


"May kakaiba talaga ngayon, diba Aya?" Si Armin habang nalilitong nakatingin sa akin.

"Ano ba kayo? Puro malisya," nangingitu kong sabi.

"Nag-ayos ka ngayon ah? Whoa," puna ni Nicole. "Bagay talaga sayo 'yong blush on, siz!"

"Feeling ko may pinapagandahan na 'to. Share mo naman, baka makatulong kami."

Natawa naman ako sa kanila.

"Seryoso ba kayo?"

"Para kang nakascore eh! Kanina ka pa ngiti ng ngiti, I mean lagi ka namang ngumingiti pero may kakaiba lang talaga ngayon." maintrigang sabi ni Armin.

"Parang blooming, diba?" Si Aya at lumapit pa nga sa akin. "Oh, tingnan mo. Namumula na!"

"Ano ba kayo, ang advance niyo namang mag-isip. Rejuv lang 'tong dahilan ng pamumula ng mukha ko, try niyo maganda! Reseller ako!" Nakangiti ngunit natatawa kong sabi.

"Ay, nagsalestalk pa nga."

"Nga pala, anong importante na meron kahapon? Mag-isa tuloy ako sa fanmeet, sad! Pero buti nalang gwapo si Cyd bebe!" biglang tanong ni Nicole kaya namutla yata ako bigla.

"Ah...family thing lang."

Buti nalang ay dumating na 'yong prof namin kaya tinigilan na rin nila ako.

Parepareho kaming pagod pagdating ng hapon, paano kasi sinagad-sagad ng prof namin 'yong lessons, ang sakit tuloy sa ulo.

"Nakakainis!" reklamo ni Aya. "Mas malala pa yata kay Maranjo!"

"Kaya natin 'yan siya!" nakangiti kong sabi.

"Edi ikaw ng inspired!"

Tumawa nalang ako at sumama sa kanila na magtusok-tusok sa kanto, pambawas raw ng stress.

Humiwalay naman ako sa kanila pagkatapos dahil dadaan pa pala ako kay Shin. Wala, gusto ko lang siyang kumustahin.

Dumaan akong 7/11 para bumili ng chocolate drink, pakiramdam ko kasi bumaba 'yong energy dahil sa lessons kanina.

Pagdating ko sa kanila ay binati ko 'yong matandang binati ko rin no'ng nakaraan.

"Hello po."

Ngumiti rin siya. "Bibisitahin mo ba 'yong boyfriend mo?"

Eh?

"Ah! Ano...kaibigan ko lang po."

Napakamot nalang ako ng ulo. Bakit kaya naiisip nila 'yon? Parang kinarma ako sa mga inisip ko kay Nisha dati ah. Speaking of Nisha, kumusta na kaya siya, siguro galit pa rin 'yon sa akin.

Masaya akong kumatok sa pinto at mas lalong naging masaya no'ng agad bumukas 'yon.

"Hi!" Nakangiti kong bati.

"Sorry, gusto ko lang na kamustahin ka." Bumaling ako sa kabila at binuhat si Clover. "Namiss kita Clover kahit kahapon lang tayo nagkita."

"Kanina ka pa nakauwi?" curious kong tanong, hindi ko kasi alam ang schedule niya.

"Yeah."

"Anong ginagawa mo?" Napasilip ako sa loob at nagulat no'ng makitang may papers sa sala niya at nakabukas ang kanyang laptop.

"Busy ka pala."

"I'm not."

Gusto ko siyang tanungin kung sure ba siya pero nagdecide ako na huwag nalang. Baka hindi na ako kausapin eh.

"Pasok ka."

Tuluyan na akong napangiti dahil doon. Another improvement. Sana tuloy-tuloy na.

"Thanks."

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon