Why does it hurt so much?
Pakiramdam ko ay may nakadagan na mabigat na bagay sa dibdib ko na kahit naglalakad ako ay parang gusto kong maiyak.
Konting panahon lang na nagkasama kami pero pakiramdam ko ay mahigit kalahati ng buhay ko ang nawala dahil lang sa mga salitang binitawan niya. It was just a brief time with him, just a little moment...but the impact was just too much to handle.
He became so dear to me, so it hurts.
Sobrang sakit na ipagtabuyan ka ng taong tinuring mo na talagang kaibigan...ang taong gustong-gusto mong pasayahin...ang taong mahal mo.
I love him...but what he's feeling is the opposite.
Tell me, what should I do with that? It's my first time to feel this, it's my first time to love someone this intense...and it was also the first time that my heart was shattered into pieces this way.
Pero...kasalanan ko rin naman.
I have been warned. But I still chose to make my moves, and this is the consequence. Pero kung hindi naman nakakadulot ng mabuti sa kanya ang presensiya ko ay hindi ko na ipagpapapilitan pa, even if that means not seeing him again.
Basta okay siya.
"Siz, okay ka lang?" concern na tanong ni Nicole at tumabi sa akin.
Kararating ko lang ng school ngayon, medyo na-late dahil late na akong nagising, buti na nga lang ay mabait ang first period prof namin at wala pang ganap ngayon. I know that my eyes are puffy kaya naglagay ako ng eye make-up. Pero siguro nga kahit anong tago ko ay mahahalata pa rin nila, I can't fool them lalo na ngayong pati sarili ko ay hindi ko na rin kayang lokohin.
"Masama lang ang pakiramdam ko," simple kong sabi bago itinuon ang pansin sa harap.
Wala akong energy para dumaldal ngayon, hindi ko kaya. Pakiramdam ko ay sobra-sobra ang nararamdaman ko.
"Ang bilis magshift ng awra mo beb, parang kahapon inlove na inlove, blooming ganern. Pero ngayon mukha kang haggard na kagagaling lang sa heartbreak." Aya added. Hindi ko naman alam ang isasagot ko.
"Ano? Ghosted ka ba? Nagbreak ba kayo?"
Umiling ako. Wala naman do'n.
"Masama lang talaga ang pakiramdam ko. Excuse me." Inub-ob ko ang mukha ko sa desk para matulog o magkunwaring tulog. Ayaw ko munang makarinig ng kung ano.
No'ng mga sumunod na araw ay sinubukan ko nalang na ituon ang pansin ko sa pag-aaral, mga ginagawa sa orgs, at pati na rin sa mga raket namin ni mama. Kapag naaalala ko ay hindi ko pa rin maiwasang umiyak dahil masakit pa rin, pero sinusubukan ko...sinusubukan kong maging okay at tanggapin nalang ang nangyari kahit ang hirap...kahit pakiramdam ko na lumipas man ang panahon ay siya pa rin.
Ganito ba talaga ang first love? Nakakaleche.
Halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas ay gano'n pa rin, nakakalungkot pa rin at wala naman akong ibang choice kundi ang subukang maging okay at maging positive pa rin kahit na sobrang hirap.
"Ayos ka lang ba talaga? Nangangayayat ka na oh." nag-aalalang tanong ni Rozz. Kumakain kasi kami sa canteen at tumabi siya sa table namin.
Tumango ako. "Ayos lang ako."
"Kumain ka nga ng marami! Para kang may sakit." Tinulak ni Aya 'yong ulam na baon niya, masarap 'yon pero hindi ko kayang kumain ng marami. Kahit na dati ay hobby ko ang kumain.
"Salamat." Ngumiti ako at kumuha nalang din.
Mas marami ng pinapagawa sa school kaya mas naging busy na rin kami, halos magkakasunod ang quizzes kaya minsan ay nawawalan na rin ako ng oras na alalahanin ang mga nangyari at...siya.
BINABASA MO ANG
One Fateful Night
RomanceUniversity Belt Encounter Series #2 Despite the hardships and challenges she had been through, Erika Allison was still able to keep her bubbly personality and positive view of life. She's tough, family-centered, responsible, and patient. In being an...
