I giggled when I remembered what happened that day, it's too good be true.I saw his smile! Ahh, I want to scream!
To divert my attention, kinuha ko 'yong liptint sa make-up bag ko at nakangiting inapply 'yon sa lips. Ayan, pinkish na. Ngumiti pa ako sa maliit mirror na hawak ko.
"Bruha, nagbablush siya."
Napatingin ako sa harap dahil narinig ko ang bulong ni Armin. Siniko naman siya ni Aya at parang nag-uusap sila sa mata.
"Baka may jowa na," mahina ngunit rinig ko pa rin na sambit ni Aya kaya napatingin ako sa kanya.
"Sino?" I asked.
Nagkatinginan naman uli siya at umiling lang si Aya, pero si Armin naman ay biglang inilapit ang mukha sa akin.
"Be honest, bruha." bigla niyang sabi kaya napaatras ako. "May jowa ka na?"
Eh? Agad naman akong umiling.
"Wala ah!" Jowa pa? Wala pa kaya akong balak, I don't even have a cru—.
Oh my, bakit ba biglang sumagi sa isip ko...nevermind! I know it's not! I just think he's sweet and caring in his own weird way. And overall, he's so cute. Pinigilan ko ang ngisi ko.
"See? That's what I am telling you. She's really strange, it's like she's dating secretly."
"Huh? Hindi ah! Wala kaya!" diretso kong sagot kahit na halos magkandabuhol-buhol na ang dila ko.
Kaloka naman, hindi naman ako guilty pero bakit parang feeling ko...ewan ko na nga!
"Baka manliligaw palang tapos crush niya naman?"
Ay, wow. Hanep sa assumptions! Hindi lang talaga ako ang advance thinker sa amin!
Tumawa ako pero ngumisi.
"Ano ba naman kayo...hindi nga, wala nga...promise pa!"
Tinaasan lang nila ako ng kilay, no'ng lumingon ako sa kabila ay nahagip ng mata ko si Nicole na nagpipigil ng tawa.
She's a keen observer, pero kung ano man ang naoobserve niya ay paniguradong nalagyan na niya 'yon ng malisya. But at least she's not teasing me.
"Feeling ko talaga may lovelife 'to, tinatago lang." Tumango pa silang dalawa sa isa't isa.
Wow naman!
Dumating na 'yong prof namin kaya hindi na ako nagkaroon ng chance na idefend ang sarili ko. Mahaba 'yong klase namin dahil may laboratory kami kaya pagdating ng lunch break ay parepareho kaming parang mga lantang gulay na nagkakalat sa labas ng gate. Plano naming kumain sa malapit lang na Jollibee dahil manlilibre raw si Rozz, birthday kasi niya at napilit nilang tatlo no'ng wala ako. At ngayon ay hinihintay namin siya para makaalis na kami, hindi kasi namin 'yon kaklase ngayon kaya ang hirap mahagilap.
Napasandal ako sa poste. Tumunog naman bigla 'yong phone ko kaya agad kong tiningnan, baka kasi mga kapatid ko eh wala ngayon si mama sa bahay.
Napakunot naman ako ng noo no'ng makitang unregistered number 'yon.
Pero napangisi naman agad ako no'ng maalala ang ginawa ko bago kami nagkahiwalay no'ng araw na 'yon.
I asked if I can borrow his phone dahil naubusan ako ng load non at kailangan kong replyan si Aikka, pero nakaisip naman ako ng kalokohan bago ko ibinalik sa kanya 'yon.
Sinave ko 'yong number ko.
Ekay na Cute
I smiled.
BINABASA MO ANG
One Fateful Night
RomantikUniversity Belt Encounter Series #2 Despite the hardships and challenges she had been through, Erika Allison was still able to keep her bubbly personality and positive view of life. She's tough, family-centered, responsible, and patient. In being an...