Chapter 15

878 38 12
                                        


I ran away while crying so hard, alam ko rin na nakasunod sa akin si Nisha dahil kanina pa siya tawag ng tawag sa akin.

Pagkarating namin sa apartment ni Shin ay agad akong kumatok ng malakas sa pinto niya.

"He won't open that damn door. Kahit ano pang gawin mo." Nisha said while panting because we both ran.

"Hindi Nisha! Kailangan niyang buksan 'to. Kailangan ko siyang kausapin." Kumatok pa uli ako at halos isigaw na ang pangalan niya.

"Mahigit isang linggo na siyang ganyan," dagdag niya.

"Hindi pumapasok, hindi makausap ng matino, I don't know what's happening to him...I don't want to see him that way, that's why I came to see you."

"Ano bang magagawa ko? Gusto kong tumulong, Nisha!"

Hindi ko kayang tanggapin kung may mangyari sa kanyang masama. I feel so bad that I almost hate him inside my mind. I feel so bad na nagtampo ako dahil sa ginawa niya.

Hindi ko alam ang nangyari. Hindi ko alam na gano'n pala kalala.

"I have a key. I'll open it, so calm yourself first, okay?"

Tumango naman ako at inabot 'yong flask ko para makainom ng tubig.

When the door clicked ay agad akong umambang papasok pero pinigilan ako ni Nisha.

"Huwag mong gugulatin. Kahit na walang emosyon na pinapakita ay alam kong maraming tumatakbo sa isip niya. Just be calm and talk to him, please. Dito lang ako sa labas," aniya. Tumango naman agad ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay.

She's so strong.

"Salamat, Nisha."

She just gave me a nod.

"Please help me help Shin, Erika."

Determindo akong tumango.

I took a deep breathe as I step inside his unit. I am nervous...and somehow excited to see him again. Kinakabahan dahil hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko, I just hope he's not skipping his meals, I hope he's not torturing himself.

Nasagot naman ang tanong ko no'ng makita ko siyang nakaupo sa sofa, nakapikit, at may hawak na lata ng softdrinks sa kaliwang kamay.

Nanginig ang kamay ko. I missed him so much, gusto ko siyang yakapin pero gusto ko ring sundin ang sinabi ni Nisha.

I need to be calm.

"S-Shin..." My voice broke.

His eyes flew open at napansin ko agad ang kanyang eyebags at malalalim na mata. His face also look pale.

Hindi ba siya natutulog? Bakit ganito...why does he look like a sick person?

"What are you doing here?" diretso niyang tanong saka binitawan ang hawak na can.

My mind went blank when I heard his voice. 'Yong mahina niyang boses na hindi nagpapalyang patibukin ng malakas at mabilis ang puso ko...'yong boses niyang gustong-gusto kong pakinggan.

I missed him so much that I couldn't control myself anymore. Tumakbo ako palapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko at pagkatapos ko siyang makita ngayon ay hindi ko na kayang magkaroon pa ako ng distansya mula sa kanya.

I don't want him to feel alone and sad...I want to be always with him, anuman ang mangyari. Kahit ipagtabuyan pa niya ako, hinding-hindi ko siya iiwan.

I tried to hide my sobs pero hindi ko na magawa. I am sad to hear everything but I am also happy to see him again. Hindi ko na alam, mababaliw na yata ako.

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon