Chapter 9

810 29 2
                                    


Napasabunot ako sa sarili no'ng maalala ang kahihiyan ko.

Hindi niya girlfriend si Nisha, kundi pinsan niya!

At kung anu-ano pa nga ang sinabi ko sa harapan niya, tama nga siya, mukha akong bata kung mag-isip!

Nakakahiya! Parang sure na sure pa naman ako sa mga pinangsasabi ko...siguro gustong-gusto na niya akong pagtawanan no'ng nagsasalita ako.

May karapatan nga siyang i-judge ako, kasi kung ano rin pinang-iisip ko sa kanya.

Grabe! Bakit ba girlfriend agad ang naisip ko? Ang advance masyado! Hindi naman ako malisyoso dati...pero ngayon.

"Ayaw ko na! Wala na akong mukhang maihaharap!" Sinubsob ko ang mukha ko sa arm chair.

"Pinagsasabe mo d'yan? Kahapon ka pa ganyan...nababaliw ka na ba?" nagtatakang tanong ni Armin.

"Nababaliw na nga." Wala sa sarili kong sagot.

"Awit...wala to siz! Down na!" Ewan ko kung anong nangyayari, tingin ko ay nag-uusap silang tatlo nina Aya pero nawalan na ako ng pakialam.

Kasi nga naaalala ko ang kahihiyan ko!

Naisip ko lang...baka sinabi na niya 'yon kay Shin kaya nakakahiya na talaga!

Parang gusto ko na nga talagang lumayo. Hayy.

Para mawala sa isip ko 'yon ay itinuon ko muna ang pansin ko sa klase buong araw pati sa sumunod na mga araw. Pahirap na pahirap 'yong lessons namin kaya mas naging abala rin talaga ako.

"Oy! Aral na aral ah, wala pa ngang exam!" Natatawang sabi ni Chico no'ng makita niya akong nagbabasa sa hallway.

"Hindi ko gets eh!" Tinuro ko pa 'yong hawak kong worksheet.

"Madali lang yan, ah!" aniya kaya napatingin ako sa kanya. "Pero joke lang! Malay ko ba d'yan!"

Bigla ko namang naalala na interesado siya no'ng nakaraan kay Nisha at nagtanong pa nga ng pangalan kaso wala akong naisagot kasi hindi ko pa alam.

"Nisha," bigla kong sabi.

Kunot noo naman siyang bumaling sa akin. "Huh?"

"Her name."

Ngumiti naman siya na tila napagtanto na ang ibig kong sabihin.

"Oh, nice one. Salamat Ekz!" Tinapik niya ako sa balikat bago nilagpasan.

May quizzes na kami no'ng mga sumunod na araw at dahil bago pa sa amin 'yong subjects at profs ay nangapa kami.

"Argh! Ang hirap magpaquiz ni Sir Romulo! Ano 'to? Board exam?" inis na reklamo ni Armin.

Gusto ko ring magreklamo kaso naubusan na yata ako ng energy.

"Kain tayo!" aya ko sa kanila. "Miss ko na 'yong streetfoods!"

"Libre mo?" tanong nila at agad naman akong umiling.

"KKB 'to!"

At kanya-kanyang bili nga kami.

Natatawa pang nakipagpalit ng kwek-kwek sa akin si Armin habang kumakain kami sa sidewalk.

"Siz! Mall tayo sa Saturday! May bagong release 'yong face republic!" eksayted na sabi ni Nicole.

"Sure!" sagot ko agad.

"Sama sana ako kaso may date pala ako!" tila nagmamalaking sabi ni Aya.

Binatukan naman siya ni Armin kaya nagtawanan kami.

"Sana all, diba!"

Susubo na sana uli ako ng kwek-kwek no'ng may mahagip ako sa peripheral vision kaya agad akong napatingin sa kabilang kanto at napatayo.

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon