Chapter 64.1: Happy Birthday Mami Meldy!

1.3K 80 240
                                    



I got home so late, kasi matagal natapos ang session namin sa senate, marami kaming pinag debatehan, as I looked at my watch, it's already 7pm. Maraming pang formalities before the session end and paglabas ko ng 10pm, wala ng open na stores.

"Pedro, tulog na ba maam mop ag alis mo?" tanong ko kay Pedro.

"Nagpapiano pa siya sir eh, yung mga bata yung tulog na." sagot naman niya.

"Oh, thank God! Malalagot na naman ako nito, pero bahala na." sabi ko kay Pedro.

"Kaya mo yan sir!" support ani Pedro sa akin.

"Salamat sa moral support Pedro." Sagot ko nalang. Pero nagaalala pa rin ako onti.

As we got to my house, wala naman akong nakita sa sala, so umakyat na ako sa kwarto. I first checked on my kids. Mahimbing naman tulog nila, so I just kissed them on their forehead at dumiretso na sa kwarto.

I'm afraid that my wife will wake up, so dahan dahan ko binuksan pintuan sa kwarto and there I see my wife sleeping soundly. I put my things aside then washed-up cause I smell like cigarettes.

After I wash up dumiretso naman ako sa kama namin then I hugged my wife from the back.

"uuuuuuhhhmmmmm..." she said in a deep sleepy voice.

"I'm sorry I came home late mahal..." I apologized while hugging her tight.

"Ewan ko sayo, birthday ko, di ka umuwi ng maaga." Tampororot ng asawa ko.

"Tapos ginising mo pa ako sa tulog ko..." dagdag niya.

"Ayaw mo ba na yakapin kita?" tanong ko.

"Gusto." Sabi naman niya.

"Na miss ng akita eh, tagal mo umuwi." Sabi naman niya, kumalas naman siya sa pagkayakap ko to face me.

She buried her face on my chest then hugged me tight. So tinandayan ko na siya at niyakap ng mahigpit rin.

"I'm sorry mahal, babawi nalang ako sayo next time, please wag ka muna maglayas." Pakiusap ko naman sa kanya.

"Pinagsasabi mo diyan? Baka mapunta ka pa sa iba, swerte nila!" bulyaw nito.

"Mahal naman, paano ba naman ako mapupunta sa iba eh kinasal na ako sa pinakamaganda at mabait na babae sa balat ng lupa." I told her sincerely.

"Asus, binibola mo lang naman ako." She said while punching me in the chest.

"Pasalamat nalang talaga ako mahilig ako mag exercise at di ako natatablan ng mga suntok mo." Biro ko.

Tumawa lang kaming dalawa.

"Wag ka maingay, baka magising mga tao sa bahay." She whispered.

"Oh, sorry, akala ko tayo lang tao."

"Siyan ga pala, himala at hindi tumabi mga bubwit sa atin?" nagtataka kong tanong.

"Ewan ko nga din eh, bakit ayaw nila tumabi sa akin kanina." Sabi niya, tumahimik naman kami saglit then kumalas siya sa pagkayakap then looked at me.

"Hoy Ferdinand! Ano na naman pinagsasabi sa anak mo kanina umaga at kung ano ano binubulyaw. Pag yan umabot sa mga kapitbahay, jusko, andyan pa naman si Marites." Alala niyang sabi.

"What did she say to you ba?" nagtataka kong tanong.

"Sabi niya, magjogging daw tayo mamaya." Sabi niya.

I Fell In love With A Romualdez (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon