"Good morning, Sir Congressman." Bati ng isang matanda sa akin habang naglalakad sa labas.
"Manong, magandang umaga din ho sa inyo! Ano ho ba yang tinitinda ninyo?" tanong ko.
"Pandesal po sir." Sabi nito.
"Magkano ho ba yang pandesal niyo, pabili nga kako ako nyan? Tatlongpong piraso, kasya pa ba?" Sabi ko.
Dali dali namang kumuha ng paper bag si manong para lalagyan ng pandesal at binilang ito.
"Isa nalang natira pala natira." Anya niya. Binigay naman niya ito sa batang maliit na nakatingin lang sa kanya at nakangisi na pagkahawak ng pandesal.
"Ang cute naman ng batang ere, napaka kapal ng buhok." Sabi nito.
Kumakain lang naman yung bata ng pandesal. Inabot ko naman ang bayad kay manaong at nagpasalamat sa kanya.
"Anak, dahan-dahan, di kita aagawan ng kinakain mo." Sabi ko kay little Imelda.
Nasa labas lang naman kami ng bahay naglalakad para sa aming morning walk at iniwan muna namin ang mommy niya sa bahay kasi tulog pa. Dalawang buwan narin nakalipas nung nagbakasyon kami sa Baguio. Malikot na si Imee ngayon at matakaw. I always gave her healthy options para sa pagkain, sinasanay ko rin siya sa mga gulay at pasalamat nalang ako at kinakain naman niya.
Nakapasok na kami sa loob ng bahay at nilagay ko yung pandesal sa lamesa naming sa kusina.
"May pandesal akong dala Inday, baka gusto mo ipares sa kape?" sabi ko.
Si Imee naman bigla naglilikot at nagpapababa ng pagkalapag ko ng pandesal sa lamesa.
"Oh, sosolohin mo na naman yung pandesal Imee?" sabi ko sa bata at umiyak nan ga kasi ayaw ko pa ibaba.
"Aaay nako sweetheart, let's bring some para ibigay kay mommy mo, gigisingin pa natin yun sa taas." Tugon ko sa kanya pero ayaw talaga sumama at umiyak pa nga ng malakas.
"Anak ka nga ni Mr. Congressman, ayaw patinag sa kung ano gusto." Bulyaw ni Inday. Binaba ko na si Imee sa kanyang maliit na upuan sa mesa at binigyan ng pandesal.
"Okay darling, fine. Iwan kita dito sa baba, pag ako hinanapan ng mommy mo sayo, sabihin ko kinain kana ng pandesal." Sabi ko, di naman ako pinansin at patuloy na sa pag kain ng pandesal.
"Inday, si Imee ha, wa mo turuan nang kung ano ano." Bilin ko sa kanya.
"Imee behave, I'll wake up your mom sa taas ayaw mo sumama." paalam ko sa kanya.
"Papakainin ko lang pandesal." Mahina kong sabi. Tinabunan nama ni Inday ang tenga ni Imee.
"Nako, Mr. Congressman, wag ka magsalita ng ganyan sa harap ng bata." Alalang sabi ni Inday.
"Ano ba sinabi ko?" Kumuha naman ako ng pandesal at kape para dalhin kay Imelda.
"Ayyy, pandesal pala talaga at kape." Sabi ni Inday. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagtungo na sa taas.
Dahan-dahan naman ako pumasok sa kwarto, nilagay ko muna ang kape sa mesa namin at nagtungo sa banyo muna para magbihis at maghugas saka ako tumabi kay Imelda.
(Mami Meldy's POV)
Nagising nalang ako ng may naramdaman akong nakayakap sa akin sa tabi.
"Mahala ko, gising kana..." sabi nito sa aking habang sinisik sik niya ako sa kanyang dibdib at tinandayan.
He hugged me so tight na parang di na ako maka hinga sa higpit.
BINABASA MO ANG
I Fell In love With A Romualdez (Unedited)
FanficThe whirlwind love story of Ferdinand and Imelda Marcos before they became the First Family of the Philippines in the year 1965.