Ferdinand, Imee and Bongbong went with Ferdinand nag golf since ayaw magpaiwan ni Imee. Hope she's fine after mabilad sa araw. Ako nalang at si Irene naiwan, naglalaba naman kami ngayon, inaabot naman niya sa akin ang mga damit niya isa isa.
"Ayan, mabuti to, para mapagod ka anak." Sabi ko. She's just quiet at naka focus lang sa pagaabot ng mga damit. Yung isang shorts na natupi na sa paa nito, yung isa naman above the knee lang.
"Pag nakita ka nang daddy mo, baka sabihin child labor ito." Natatawa kong sabi.
"Wotore?" maarteng sabi naman ng anak ko.
"That's too heavy for you to care anak." Sabi ko.
"Open?" sabi naman niya.
"Ay, oo, open mo lang.
"snake?" turo niya, natawa nalang ako.
"Mukha nga namang snake yung hose anak, but that's not a snake. That's a hose." Correct ko.
"Snake!" sabi pa niya.
"Hose Irene."
"Snake!!!" galit na pilit niya.
"Sige na nga snake na nga, tell that to your dad, kayo na mag argue niyan." Sabi ko naman sa anak ko. She then handed me the hose. After that she move to the next basin na puno ng tubig, pumasok sa loob, carerfully at lumubog na.
"Bath, mama. Hihihihihih" she giggled.
"Don't splash mama with water ha, darling?" sabi ko.
"Noh!" sabi naman niya.
"Okay." Nilagay ko na lahat ng damit niya sa washing machine at hinayaan ko ang aking anak na maligo sa palanggana with her rubber ducky. After half an hour natapos na yung washing kaya kinuha ko na mga damit niya at binanlawan, si Inday naman ang magsasampay. Di ko naman napansin ang aking anak na nakaupo na sa isang gilid at di na gumagalaw.
"Maam, si Irene, bihisan mo na po at giniginaw na sa sulok." Sabi lang ni Inday, chaka ko lang napansin.
"Mahal naman, magsabi ka naman kay mommy kung ayaw muna." Sabi ko sa kanya habang binalot siya ng tuwalya.
"daaa, mi." sabi naman nito habang nanginginig yung lips.
"Mahal ko naman." Pumasok na kami sa loob at binanlawan ko na at binihisan. After naman niya magbihis ay humingi siya ng pagkain sa akin at maya maya nakatulog na kaming dalawa.
1pm naman na ng nagising ako, nakita ko naman ang aking anak sa tabi ko na nakanganga pa at yung kamay niya nasa mata niya naka cover, natawa nalang ako dahil kuhang kuha yung higa sa ama niya.
"Anak ni Ferdinand ko na tabachoy, sarap mong kurutin." Pigil kong sabi sa anak ko.
Tumayo na ako at hinarangan ko naman siya ng mga unan sa gilid niya baka mahulog siya. Tinawag ko si Inday at nagpahatid nalang ako ng pagkain sa taas dahil di ko maiwan si Irene baka magising at umiyak ng walang kasama.
I was busy eating my late lunch ng gumalaw bigla yung anak ko. Tinaas naman niya ang ulo niya at papikitpikit pa sabay tingin sa paligid. Her hair was so messy at nakasimangot .
"Maaaaaaa?" tawag niya, paiyak na sana siya pero natigil nung makita niya ako, then she smiled at me.
"Pa smile smile naman ang baby ko, iiyak na sana kanina eh?" biro ko sa kanya. she rubbed her face, kitang kita naman yung double chin ng baby namin at nakanguso pa, pinagmamasdan ko lang siya dahil di pa siya bumababa sa bed namin. Nang magising na siya, she sit up at nakashock face naman ang anak ko.
"Anana?" sabi nito.
"Halika kay mommy dali, kain tayo ng Banana." Tawag ko sa kanya.
"Anana, anana." Paulit ulit na sabi nito at gumapang na pababa ng kama.
BINABASA MO ANG
I Fell In love With A Romualdez (Unedited)
FanfictionThe whirlwind love story of Ferdinand and Imelda Marcos before they became the First Family of the Philippines in the year 1965.