Chapter 6

3 0 0
                                    


Chapter 6

Lucy's POV


"Mimi, wake up! It's your first day of school! Oh my! I'm so excited for you! Get up! Get up!"

Agad akong nagising sa boses ni Celine. Hinagilap ko ang orasan at bumangon na sa kama nang maalalang dadaan pa ako sa headmaster's office. Dumiretso ako sa banyo at agad na naligo. Matapos ay agad akong nagsuot ng uniporme. Hindi ko alam ang mararamdaman habang kumikilos, hindi pa rin lubusang natatanggap ng isip ko na papasok ako ngayon para mag-aral. Ang kambal naman ay nakatingin lang sa akin habang naghihintay sa may couch.

Napapalatak ako nang maalalang hindi ko pa pala naaayos ang mga gamit kong nasa study table. Agad akong tumayo nang matapos sa pagsuot ng sapatos pero natigilan ako nang makitang wala na ang mga gamit doon.

"Mimi, what are you looking for?" napalingon ako kay Caspian.

Napahinga ako ng malalim nang makitang bitbit niya ang bag ko. Nakatayo na silang dalawa ni Celine sa may pinto at ako na lang ang hinihintay.

"I already fixed your things while you're still sleeping. Come on, let's eat, I'm hungry,"

Napangisi na lang ako. Ngayon ko lang din napansin na nauna na silang maligo at mag-ayos kesa sa akin. Ibang klase, sila talaga dapat ang mag-aral at hindi ako.

Nang makalabas kami ng kuwarto ay tahimik lang ang dalawa. Halata ang paglilibot nila ng tingin sa paligid. Nauuna silang maglakad at nasa likuran ako. Mukhang tanda pa naman nila ang paliko-liko sa mga hallways dahil nanatili silang nasa unahan nang makalabas na kami sa gusali ng dormitoryo.

Pagtapak namin sa may labas ay hindi pa ganoon karami ang mga estudyante sa labas. Pansin kong may mga napapatingin sa gawi namin. O mas tamang sabihing sa dalawang batang nasa harapan ko. Sino ba naman hindi? Sina Caspian at Celine lang ang mga bata na makikita mo sa paligid. May ilang mga estudyante ang napapakunot ng noo, halatang nagtataka kung bakit parang may naliligaw na mga bata rito.

Habang naglalakad kami, may napansin ako sa mga uniporme ng mga estudyante. Iba't iba ang kulay ng necktie ng mga lalaki. Sa aming mga babae naman ay bukod sa necktie, iba't iba rin ang kulay ng mga paldang suot. Kung hindi blue na tulad ng sa akin, ay yellow, green, maroon, at black. Ang limang mga kulay na iyon ang nakikita ko mula pa kanina.

Nang makarating sa cafeteria ay hindi na ako nagtaka nang mapakong muli ang mata ng mga estudyante sa amin. Mukhang wala lang naman iyon sa kambal. Si Celine ay minsan pang ngumingiti at talagang bumapati pa ng sa mga nakakasalubong niya! Hindi pa ganoon karami ang narito dahil masyado pang maaga.

Nang maka-order kami ng pagkain ay mabilis lang din kaming nakahanap ng bakanteng lamesa. Matapos kumain ay dumiretso na kami sa may office. Higit isang oras din akong nagsagot ng exam at itutuloy ko pa ulit mamayang after class. Iniwan ko na roon ang kambal at nagpaalam lang sa kanila para pumasok na.

Agad naman akong dumiretso sa paghahanap ng room ko. Ilang minuto na lang ay maaari nang mag-umpisa ang klase. May ilang mga estudyanteng naghahanap din sa classroom nila katulad ko.

Sa paglalakad ay napatigil ako nang makakita ng senaryong hindi nalalayo sa nasaksihan ko kahapon. Nasa may gilid sila ng daan. May mga students na nakakakita rin sa kanila pero hindi nangingialam at sa tingin ko ang iba'y natatakot makisali.

Ganito ba talaga rito? Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan ang mga ganito sa isang eskwelahan. Bakit ba nila ito ginagawa? Anong napapala nila?

"Charlotte kulot!"

Umani ng tawanan ang sinabi ng isang lalaking estudyante.

Pati ang mga lalaki ay nakikisali?

"My gosh! Eros year mo na ganyan pa rin ang itsura mo!"

Saving AvallonneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon