Chapter 8

4 0 0
                                    


Chapter 8

Lucy's POV


Mabilis na natapos ang mga klase para sa hapon. Sa buong magdamag ay hindi man lang humupa ang nakapapasong tingin ni Zoren na ramdam ko mula sa likuran. Nang matapos ang huling klase ay agad ding nagsipagtayuan ang lahat. Pagkatunog pa lang ng bell ay halos sabay-sabay pa ang mga itong nag-ayos ng gamit. Tumayo na rin ako upang ayusin ang sa akin.

"Uhm, Lucy, una na ako," paalam ni Charlotte.

Tumango ako sa kaniya. Kumakaway pa itong naglakad papalabas ng classroom.

Binuhat ko na ang bag para isabit ito sa aking balikat. Napatigil ako nang mahulog mula rito ang ilang kuwaderno at panulat na inayos ko na kanina. Nang silipin ko ang ilalim ng bag ko ay may butas na ito! At ang matindi ay halatang sinunog ang ilalim ng bag ko dahilan para magkaroon ito ng butas!

Tinignan ko ang bampirang papalabas na nitong silid kasama ang kaibigan niya. Kasabay ng madilim niyang tingin ay ang pagngisi niya sa akin bago sumarado ang pinto.

Napabuntong-hininga na lang ako sa ginawa niya. Napapailing kong tinignan ang mga natirang gamit ko pa sa bag. Baka mayroong nadamay sa sinunog niya. At ang nakakainis ay mayroon nga! Nadamay iyong dalawang kuwaderno ko! May kaunting nasunog sa ibaba ng mga ito!

Rinig ko ang bungisngisan ng mga estudyanteng nakakita sa akin. Nang makalabas sila ay muli kong tinignan ang butas. Inipon ko ang lahat ng mga gamit ko, mula sa mga nahulog hanggang sa mga natira sa loob ng bag. Hinubad ko ang suot kong coat. Ibinalot ko ang mga gamit ko rito bago ipinasok sa may bag. Tinignan ko kung mahuhulog pa ito sa may butas. Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat nang makitang ayos na ito.

Nilisan ko na ang classroom. Ako na lang ang natira roon at naabutan pa ako ng tagapaglinis.

Dumiretso ako sa cafeteria para kumuha ng miryenda ng kambal. Hindi pa ako nakakailang hakbang mula sa pintuan ay napatigil na ako sa lalaking sinalubong ako ng malamig na inumin. Hindi ko iyon naiwasan dahil bigla siyang tumayo sa upuan niya at ibinuhos na lang bigla ang hawak niya.

Hindi ko ito kilala. Kalbo ang lalaking iyon at isang Eros student din.

"Natamaan din kita," nakangisi niya sabi bago muling umupo at nakipagtawanan sa mga kasama niya.

Akala ko ay sina Solan at Pauline lang ang pasimuno rito ng gulo. Tiim ang labi akong dumiretso sa may counter at um-order pa rin kahit basa ako.

Inihatid ko na muna ang mga inorder ko sa may dorm para makapaglinis ako ng katawan. Nang makapagbihis ay agad din akong lumabas para sunduin na ang kambal sa headmaster's office.

Pababa na ako sa malaking hagdan nang may makasalubong ako. O mas tamang sabihing, may humarang na naman sa daraanan ko.

"Long time no see, Lucy,"

Bumungad sa akin ang mukha ni Pauline. Iyong mukha niyang taliwas sa ipinapakita niya rito sa mga estudyante.

"Ang tagal na nating hindi nagkita, ah. It's been what? Three years?"

Saglit kong inilibot ang tingin sa paligid at nakitang siya lang ang nandito. Walang ibang estudyante na pagala-gala. Wala rin si Solan.

"Oh, wait. Nagkita na nga pala tayo kahapon," naiinis siyang tumawa. "Kahit kailan ay hindi ko naisip na pwede kitang makita rito balang araw,"

Lumapit ito sa akin. Isang tingin ay alam ko nang hindi niya nagustuhan ang ideyang nandito rin ako sa Avallonne High. Pakiramdam ko ay nakita ko pang umusok ang ilong niya.

Saving AvallonneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon