Chapter 13

6 0 0
                                    


Chapter 13

Zoren's POV


Naramdaman ko na ang pag-andar ng truck. Nanatili akong nakapikit habang ramdam ko pa rin ang tingin sa akin ni Lucy. Halatang hindi niya inaasahan na makita ako rito. Subukan ko ba namang pigilan tapos sasama rin naman pala ako.

I guess, I realized that she's right. Ito lang ang nakahain sa aming paraan para masundan ang truck na sinasakyan ng mga kapatid namin.

Napadiin ang pagkakapikit ko.

Bakit ba nangyayari ito? Napakalikot talaga ng batang iyon. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni dad noong mawala si Zoey habang kasama niya ito. Masakit sa dibdib ang pag-aalala at parang gusto kong magalit sa sarili ko dahil pakiramdam ko, hindi ko siya nabantayan nang maayos. Yes, she has her own yaya to look for her but still, I am the brother. I'm supposed to be keeping her safe all time but here I am, sitting in this cold storage of meat because she's in possible danger.

Wala ngayon si Uncle sa Avallonne High. He's at Whistleland right now, visiting lolo. Ang sabi niya ay lumala raw ang panghihina nito. I have decided to not tell Uncle about this. I promise to bring Zoey back safe in his school. Kapag nalaman niya ito ay paniguradong malalaman din ito ni Dad dahil hindi niya naman ito ililihim sa kaniya. Ayokong marungisan ang tiwala ni Dad kay Uncle dahil sa nangyaring ito lalo pa't ipinagkatiwala niya si Zoey rito.

Bahagyang nanginig ang pang-ibabang labi ko nang manuot sa akin ang lamig dito sa loob.

I cursed inside my head.

This is the downside of me from having pyrokinesis. Hindi kaya ng katawan ko ang malamigan sa matagal na panahon. Hindi ako pwedeng mapunta sa isang malamig na lugar na wala man lang kahit na anong bakas ng init. I don't know what will gonna happen to me since I'm always preventing that to happen. Kung mangyari man, nakararamdaman lang ako noon ng panghihina at pangangatog. Kung magtatagal pa ako rito ng sobra, hindi ko na alam kung anong pwedeng mangyari sa akin.

I opened my eyes and gazed at Lucy. She has her head hanging low so I can't see her face.

"What's your plan?"

Slowly, she raised her head. I stopped myself from staring at her eyes. Tumingkad ang kulay nito sa paggamit ng abilidad ng isang bampira. Kailangan namin iyon ngayon dahil madilim dito sa loob.

I came back to my senses when she shook her head.

"Wala kang plano?" paasik kong tanong.

Tinignan ko siya ng masama nang muli siyang umiling.

"What do I expect? Padalos-dalos ka kanina,"

Gusto ko siyang hangaan kanina nang manatili siyang kalmado kahit na hindi namin mahanap ang mga kapatid namin. There's worry in her eyes, yes, but she's more composed and calm than I am. Hindi nagbago ang malamig at tahimik na Lucy samantalang ako ay halos sigawan na ang lahat. Pero sino bang mag-aakala na sa likod ng kalmado niya mukha, ay nag-iisip na siyang pasukin ang likuran ng truck na ito nang walang man lang kahit na anong plano?

She heaved a sigh.

"Sa ngayon ay wala pa akong plano dahil wala akong ideya kung saan patungo ang delivery truck na ito. Kung sa mismong katayan ba nila, o sa ibang lugar na pagdedeliver-an pa nila. Umasa na lang tayo na parehas lang ang tinatahak na daan ng truck na sinasakyan natin at ng mga bata," paliwanag niya.

"Paano kung hindi?" I asked with cold smoke escaping my mouth.

"Edi aalamin natin kung saan tumungo ang sinasakyan nila. Wala akong ibang plano kundi ang makita at maibalik sila sa eskwelahan ng ligtas. Iyon lang at wala nang iba,"

Saving AvallonneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon