Chapter 14
Lucy's POV
Malayo pa lang pero natatanaw ko na ang katayan. At hindi ko naiwasang gunitain ang mga alaalang dito ko nakuha. Magmula noong umalis kami noon kina Pauline ay hindi na ulit ako bumalik dito. Ni sumilip o makibalita ay hindi ko na ginawa. Sino bang mag-aakala na dito rin pala ang balik ko ngayon?
"Do you think nand'yan na ang mga kapatid natin? What if they came here first? Ilang oras din tayong naglakad," tanong ni Zoren na katabi ko.
Nakatanaw na rin ito sa may katayan habang papalapit kami.
"We'll see."
Nang tuluyan kaming makalapit sa bukas nitong gate ay nagdire-diretso kaming pumasok sa loob. Nakita ko ang seryoso nitong paglilibot ng tingin sa paligid. Habang ako naman ay hindi alam ang mararamdaman habang napasasadahan ng tingin ang bawat sulok ng nadaraanan namin.
May ilan nang nabago sa istruktura at disenyo nito pero ganoon pa rin ang pakiramdam na naibibigay sa akin. Ito pa rin ang katayang kinalakihan ko.
Parehas kaming napabalik ng lingon ni Zoren sa may gate nang marinig ang paparating na ugong ng isang truck. Tumigil ito malapit sa amin at dali-dali ring bumukas ang magkabilang pinto.
"Lucy!"
Tuluyan akong napaharap sa sasakyan nang bumaba roon sina Kuya Tom at Jerry. Sabay pa nilang natawag ang pangalan ko. Nagmamadali ang lakad nila papunta sa amin at pareho akong hinigit upang yakapin nang makalapit sa harapan ko.
"Kumusta ka na?" si Kuya Tom na hinawakan ako sa mga balikat. Bakas ang gulat sa mga mukha nila.
"Ang binalita ni Mang Rudy kanina ay nag-aaral ka na raw sa Avallonne High! Noong nakaraang araw pa kami nag-aalala sa inyo nina Caspian at Celine. Eh kanina lang, pagdating na pagdating ni tanda ay ikinwento agad niya na nakita ka nga raw niya sa malaking paaralang iyon!" Bulalas ni Kuya Jerry na bakas ang mangha at saya sa mukha.
"Oo nga! Parang noong nakaraan lang ay hinahanap ka pa namin sa bookstore! Akalain mo nga namang makikita ka ni Mang Rudy sa pinagde-deliver-an namin!"
Palihim akong natuwa. Talagang nag-alala sila sa aming tatlo.
"Eh, teka," napakamot ng ulo si Kuya Tom. "Akala ko ba ay nag-aaral ka na sa Avallonne High? Ano palang ginagawa mo rito?"
Tinapik ni Kuya Jerry ang braso niya bago isinenyas ng tingin ang kasama kong tahimik lang na nakikinig subalit bakas ang pagtataka sa mga mata. Nang mapansin ito ni Kuya Tom ay sabay silang napatingin sa akin ni Kuya Jerry nang may pagtatanong sa mga mukha.
"Anong meron?" si Kuya Tom.
Ibinalik niya ang tingin kay Zoren. Matagal bago siya bumaling sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
"Kasintahan mo ba 'to?"
Kumunot ang noo ko. Rinig kong napaubo si Zoren.
"What—"
"Kaya ba nasa labas ka ng paaralang iyon ngayon ay dahil hindi ka pumasok para sa araw na ito? Para ano? Makipag-date?" hindi makapaniwalang sabi ni Kuya Tom nang matahin ako. "Aba Lucy, hindi kita pinalaking ganiyan! Uunahin mo pa ba ang lalaki kesa pag-aaral? Anong—"
"Sabado ngayon, tanga," pagputol ni Kuya Tom. "Wala silang pasok,"
"Excuse me. I'm sorry for butting in but you're both making a huge mistake here. Any of that isn't the reason why we ended up here,"
Parehong napatigil ang dalawa nang tuluyan nang magsalita si Zoren.
Bago pa ulit sila may masabing hindi tama ay inunahan ko na sila.
BINABASA MO ANG
Saving Avallonne
FantasyNang malaman ko ang pakiramdam ng maiwan at ang pakiramdam ng mawalan ay saka ko lamang naintindihan ang tunay na kahulugan ng masaktan. Lalo na kapag iyong mga umalis ay hindi na pwede pang bumalik. Lalo na kapag yung mga nawala ay hindi na pwedeng...