Chapter 10

4 0 0
                                    

Chapters 10

Zoren's POV

"Ang saya mo yata, dude?" lalong lumaki ang ngisi ko habang naghuhubad ng sapatos. "Ay, may ginawa 'tong kalokohan, panigurado..."

"You can say that,"

"Hulaan ko. May ginawa kang kalokohan kay Lucy,"

Napalingon ako sa kaniya.

"Mm! Sabi na nga ba!" napailing ito habang inilalapag ang bag niya sa kama. "'Tol, hindi sa pinangungunahan kita pero, talaga bang natutuwa ka sa ginagawa mo? Kagabi lang ay halos sunugin mo siya sa may cafeteria. Kung hindi lang malakas ang pakiramdaman noon ay malamang sa malamang, laman siya ng infirmary ngayon. At ikaw naman, laman ng headmaster's office,"

Sumeryoso ang mukha ko. Napansin ko ang paglunok ni Ian nang makita niya ang pagkawala ng ngisi ko. Gayunpaman, pinagpatuloy niya ang gustong sabihin.

"Pwede mo rin naman siyang i-report na lang kay Headmaster Van,"

"I am thinking of that kung hindi pa rin siya titigil. At saka, I am not doing this for no reason. You know me. I may be hotheaded but I know when to take actions. Marunong naman akong magtimpi pero hindi ngayong involved si Pauline,"

Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Believe me or not, I let her passed once. It's her choice to ruin her second chance kaya panindigan niya iyon. Kung ano man ang nararanasan niya ngayon, ginusto niya iyon kaya iyon ang ibinibigay ko sa kaniya,"

Natahimik siya habang ako ay bumalik na sa ginagawa.

"Sure ka bang gusto niya iyon?"

Saglit na napatigil ako sa paglapag sa gilid ng sapatos.

"O-Of course. Kung hindi niya pala gusto, edi sana noong binalaan ko siya ay nakinig siya."

"Pero 'tol sa totoo lang nagtataka ako. Bakit naman niya gagawin iyon? Bakit niya... itutulak sa hagdan si Pauline?"

"Exactly. And here's the catch, noong kinausap ko siya kahapon sa ginawa niyang pagsaboy ng sabaw kay Pauline kahit marami na ang nakakita, she denied about doing it,"

Napaayos siya ng upo.

"You mean, sinabi niyang hindi niya ginawa iyon? What did she say then? Na nagsisinungaling si Pauline?" nagdududa niyang pahayag.

I immediately shook my head.

"No, not like that."

"Anong not like that?" I sighed.

"Sinabi niya lang na hindi raw siya ang gumawa noon dahil wala rin siyang dahilan para gawin iyon."

Sa totoo lang ay naguguluhan ako sa kaniya. She said she didn't do it, but she's also implying that Pauline can't be lying. Hindi ko alam kung paano ako nakatagal kahapon na kausap siya dahil hindi siya direkta, pakiramdam ko ay ang daming paligoy-ligoy ng mga sinasabi niya.

"Naniwala ka naman agad?"

"Of course not! I let her explain her side. To prove what she claimed. I am not bias, Ian. Yes, Pauline told me she did it. At first, I only want the reason behind Lucy's action. Akala ko ay hindi niya na itatanggi kasi marami naman ang nakakita. But her guts to deny it? She should have a good explanation, iyong kapani-paniwala,"

Tumango-tango siya, naintindihan ang paliwanag ko. Maya-maya pa ay nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

"Then what did she explained? Ang sabi mo ay nagawa mong palampasin ang una niyang ginawa. Does that mean naniwala ka? Then ibig sabihin din ay para sa iyo, hindi totoo ang sinabi ni Pauline?"

Saving AvallonneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon