Chapter 5

3 0 0
                                    

Chapter 5

Zoren's POV

"Zoren, dude!"

I was sitting at the bench peacefully when my friend teleported in front of me. I have been waiting here for 30 minutes, sipping on my cup of blood when he came.

"Sinong hinihintay mo?" hindi ako sumagot. "May date na naman kayo?"

Umangat ang isang kilay ko at tinignan siya.

"Oh, 'wag ka nang magmaang-mangan! Hindi mo ako mapaglilihiman!"

Sasagot na sana ako nang makita ang kanina ko pa hinihintay. Inilapag ko sa upuan ang hawak na cup at pinanood siya.

"Aga-aga ang landi," I heard him murmuring.

"Mag-be-breakfast lang kami." I shortly explained.

He scoffed and sat beside me.

"Ang bata bata niyo pa date agad," I sighed and ignored him. "Ay 'wag mo ako i-snob-in, baka kasama ako sa date niyo,"

I frowned but didn't mind him.

I watched her smiling to the students who's waving their hands at her. She has this bright smile that somehow lifts up my mood. Her almond brown eyes, they are always full of sunny emotions. I watched how the winds blew her hair but instead of it getting messy, they look good on her. What a sunshine.

Lumapit ako sa kaniya at inabot ang hawak niyang mga libro. Maliit akong napangiti nang magkaharap kami.

"Goodmorning! Oh, Ian, you're eating with us, right?" she said in her honey voice.

Naramdaman ko ang akbay ng kaibigan sa balikat.

"Sabi sa iyo, eh. Kasama ako sa date," he whispered chuckling.

"By the way, nauna na si Solan sa may cafeteria. Sumama na rin siya since kasama ka, Ian," napangisi ako.

"Puta." Biglang bulong ni Ian.

"Tara na." Anyaya ko sa kaniya.

Ngumiti siya ng pilit bago nagtanggal ng akbay sa akin.

Pagdating namin ng cafeteria ay agad na may lumapit sa aming babae. The girl instantly snaked her hands at my friend's arm.

"Solan," nakangiwing wika ni Ian.

Si Solanna Stone. She really like Ian. Paano, parehas silang demonyo. I mean, they are both demons. Neos year pa lang ay sinusundan na ng babae ang kaibigan ko.

We headed to the table that's seems Solan already reserved for us. There were already foods there waiting to be eaten. While having our breakfast, tahimik lang si Ian. His face was turning sour every second as Solan is taking care of him like a baby. Ang babae na ang nagpupumilit na subuan siya. I was suppressing my smirk all through out breakfast.

Nang matapos kumain ay inihatid na rin namin sila sa mga dorm ng babae.

"Lintek, dude! Kung alam ko lang na kasama si Solan, eh 'di sana hinayaan ko na lang kayo kanina!" Maasim ang mukhang niyang sabi habang naglalakad na kami pabalik sa grass field.

"Kunwari ka pa."

"'Tol, walang kunwa-kunwari sa akin. Wala akong gusto roon! Ayoko sa bully!"

Alam ko namang wala siyang gusto roon. I just want to tease him. Sa aming dalawa, ako ang palaging pikon. Minsan ko lang siyang maasar kaya nilulubos ko na. In three years of having Solan around him, I can prove that he don't like her. Ilang mura na rin minsan ang natatanggap ko kapag inaasar ko siya ng sobra.

Saving AvallonneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon