Chapter 9

5 0 0
                                    


Chapter 9


Maaga akong nagising para sa araw na ito. Naisip ko kasi na maagang dalhin ang kambal sa cafeteria para walang gulo habang nag-aalmusal kami. Dumiretso na ako ng banyo para makaligo at makapaghanda. Nang matapos ay saka ko ginising ang kambal upang makapag-ayos na rin sila. Habang naghahanda ang dalawa ay inayos ko ang mga gamit ko. Ngayon ko lang naalala na may butas nga pala ang bag ko.

Pinanatili ka na lang na ganoon ang ayos noon. May coat sa loob upang matakpan ang butas na gawa ni Zoren. Lima naman ang coat na ipinadala sa akin. Nang matapos sa paghahanda ang dalawa ay lumabas na kami ng dorm. 

Kaunti pa lang ang mga estudyante. Nang makapasok kami ng main castle ay napahinto ang dalawa nang malapit na kaming lumampas sa hallway papuntang headmaster's office.

Tinignan ko sila habang napatigil din.

"Uhm, Mimi..." nagtaka ako ng nahihiyang hawakan ni Celine ang bangs niya. "Kasi..."

Hinintay ko siyang magsalita pero nakaiwas lang siya ng tignin. Tinignan ko na lang si Caspian at ito na rin ang nagsalita.

"The headmaster said that we can take our breakfast every morning in the office. In that way we can join Zoey. Well, she's kind of alone so we agreed,"

Tumango si Celine na medyo nahihiya sa akin. Pati si Caspian ay napakamot ng pisngi niya.

"Sorry, Mimi. We can't join you for breakfast," bahagya akong natigilan sa idinagdag ni Caspian. "You won't get mad, right? It's only for breakfast. We'll still eat together every dinner,"

Napangiti ako ng palihim.

Tumango na lang ako sa kanila bago iminuwestra ang daan patungong office. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nang makarating kami ng office ay nagpaalam din agad ako sa ang kambal. Nahagip ng mata ko ang lamesa nina Zoey, Caspian, at Celine. Naroroon na ang agahan nilang tatlo.

Nang makalabas ako ng office ay nag-uumpisa nang dumami ang mga estudyante. Mukhang mabuti na rin pala na sa office na mag-agahan ang dalawa tuwing umaga. Mas tahimik doon.

Malapit na ako sa cafeteria nang may maingay na tumawag sa palayaw ko.

"Mimi!" Napakunot ako ng noo bago ko ito nilingon. "Mimi!" Napapikit ako ng mariin sa tawag ni Charlotte sa akin.

"Anong mimi?" lumiwanag ang mukha nito sa tanong ko.

"Mimi. Alam mo na. Nickname mo, 'di ba? So goodmorning, Mimi!" masigla niyang bati.

Napabuntong-hininga ako.

"Lucy na lang," nakita ko ang pagsimangot niya. "Lucy lang."

Napalabi pa siya bago tumango. Tumalikod na ako upang dumiretso na sa cafeteria. Sumunod naman siya sa akin.

"Anong kakainin mo?" tanong niya nang makapasok na kami sa loob.

May mga kumakain na roon pero hindi pa sobrang dami. Marami pang bakanteng lamesa. Hindi na ako sumagot sa tanong ni Charlotte. Pumila na kami sa may counter. Siya ang nauuna sa akin at siya na rin ang bahalang um-order ng kakainin ko. Medyo mahaba-haba pa ang pila kaya naman naghintay pa muna kami roon.

Muling umusad ang linya. Si Charlotte na ang o-order.

Nagulat ako nang may biglang bumangga sa kaniya mula sa gilid. Tumalsik si Charlotte pero agad kong nahawakan ang coat niya kaya hindi siya tuluyang sumalampak sa may sahig. Inayos ko muna ang pagkakatayo niya bago ko nilingon ang bumangga sa kaniya.

Saving AvallonneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon