Chapter 18
Zoren's POV
Mahina akong pumalakpak nang manalo ang kaibigan ni Lucy. Marami ang hindi makapaniwalang nakapasok ito samantalang ang ibang umaapi sa kaniya ay hindi. Napangiwi ako nang sumipol pa si Ian sa tabi ko kaya napatingin sa banda namin ang ibang estudyante. Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Solan nang masaksihan iyon.
"Tara na, lunch na tayo. Huwag na nating tapusin ito dahil mamaya ay marami na ang students sa cafeteria," si Ian.
Nag-unat na ito at tumayo na sa upuan niya. I was about to stand too when Pauline and Solan both stopped us.
Nakahalukipkip lang si Solan habang si Pauline ang nagsalita.
"Can we finish this round? Malapit na rin namang matapos and I still want to watch," saad niya.
Nagkatinginan kami ni Ian. Halata sa patay-gutom kong kaibigan na gusto na niyang kumain. Napahinga naman ako ng malalim bago bumalik sa pagkakaupo. Napakamot na lang si Ian sa ulo niya bago padabog na tumabi sa akin. Lalo pa itong sumimangot nang lapitan ito ni Solan at naupo sa tabi niya.
Walang gana kong ibinaling ang tingin sa platform ng Eros. Nakita ko roon ang isang lalaki na may kalakihan ang katawan. He looks too bulky for an Eros student. Hapit na hapit sa katawan niya ang suit kaya mas lalong na-depina ang kaniyang katawan. Para itong iyong tipo na palaging nasa training room upang magpalaki ng katawan at mag-ensayo. Katatapos niya lang sipain ang kalaban niya at damn! Tumalsik ito sa kabilang dulo ng stadium!
What's his ability? Imposibleng superstrength dahil iyon ang ability ni Lucy.
Dahil nanalo ito ay naglabas na ng panibagong pangalan ang screen - natigilan ako sa pangalang nabasa roon. Napaawang ang bibig ko dahil siya ang pinaka hindi ko inaasahang sasali. B-Bakit, paanong... akala ko ba ay hindi siya lalaban?
Minuto na ang lumipas at nanatiling wala ang estudyanteng may ari ng pangalang ipinakita ng screen. Nag-umpisa nang magbulungan ang karamihan dahil hindi pa ito nagpapakita. Sinubukan kong ilibot ang tingin ko para hanapin siya pero nang mahagip ng mata ko ang pwesto niya kanina ay wala na siya roon.
Nagtataka kong ibinalik ang atensyon sa may platform. Umatras ba siya? Pero sa umpisa pa lang ay wala na siyang balak sumali. Dapat ay wala akong pakialam pero hindi ko mapigilang magtaka. Natingin ako kay Pauline nang mahina itong mapatawa.
"That's right, You don't belong here, anyway. Let them see how weak and a coward you are,"
Mahina niyang sambit na ikinakunot ng noo ko.
Nawala lang ang atensyon ko sa kaniya nang makita ang isang babaeng papunta na sa platform ng Eros. Katangi-tangi ito sa lahat ng kalahok sapagkat imbis na combat suit ay ang uniporme namin sa klase ang suot niya. Ramdam ko rin ang pagkatigil ni Pauline. Ang kanina'y nakangiti niyang mukha ay unti-unting napalitan ng nagpipigil na inis. Sinubukan ko iyong hindi pansinin kahit na iba ang pakiramdam ko. Damn, simpleng ekspresyon niya ay pinagdududahan ko na ngayon. What the heck, Zoren.
Ibinalik ko na lang ang tingin kay Lucy na ngayon ay nakarating na sa may platform. Pinagtatawanan siya ng karamihan dahil sa suot niyang uniporme.
Bakit kasi ganiyan ang suot niya? Wala siyang pinagbago, napakagulo pa rin. Ang sabi ay may iba siyang gustong protektahan tapos makikita ko bigla ang pangalan niya sa may screen. Sumali nga siya pero hindi naman sumunod sa instructions sa tournament.
Kita kong kinausap siya ng tagapamagitan. Mukhang pinuna nito ang mali niyang suot. Dahil hindi naman ito ganoon kalaking paglabag ay mukhang pinagbigyan na siya. Agad ding nagsimula ang laban matapos noon.
BINABASA MO ANG
Saving Avallonne
FantasyNang malaman ko ang pakiramdam ng maiwan at ang pakiramdam ng mawalan ay saka ko lamang naintindihan ang tunay na kahulugan ng masaktan. Lalo na kapag iyong mga umalis ay hindi na pwede pang bumalik. Lalo na kapag yung mga nawala ay hindi na pwedeng...