Chapter 7

2 0 0
                                    

Chapter 7

Zoren's POV

"Laura's pregnant!"

Saglit akong natulala sa narinig. Maging si Uncle Van ay natigilan din pero hindi katulad ko ay agad siyang natuwa sa balita.

"Kahapon ko lang din nalaman. I..." napahinga nang malalim si dad habang nakangiti. "I actually still can't believe it We're getting old at hindi na kami umaasang magkakaanak pa, but," nilingon niya ang asawang may napakaganda ring ngiti.

"I am so happy. We are so happy,"

Sa mga nakaraang taon, ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito kasaya.

"I am happy for the both of you," may himig ng sayang sabi ni uncle.

"Thank you, Van.."

Naramdaman ko ang tingin nila sa akin. Lalo na ni Dad pero ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Hindi nakaligtas sa akin ang palihim na buntong-hininga ni uncle, gayunpaman ay nagpatuloy sila sa pag-uusap.

Bumalik din sila sa pagkain pagkaraan. Nanatili naman akong nakatuon sa may plato kahit halos hindi ko na nagagalaw ang mga pagkain doon.

"Kailangan kong mas tutukan si Laura ngayon dahil maselan ang pagbubuntis niya," pagpapatuloy ni Dad kasabay ng pagkain. "The doctor said that I should put my focus on her because one wrong move, maari silang mapahamak ng bata. I am the busiest, you know that, Van. Sa totoo lang ay nahihirapan ako. Hindi ko alam kung mapagkakasya ko ang lahat ng oras ko para bantayan ang mag-ina ko. I'm afraid of failing as a husband and a father because of that,"

"Bastian, don't think like that. I know you can handle it. I'm on your back," seryosong tugon ni Uncle Van.

Saglit na natahimik ang hapag bago nagsalita si dad na mas lalong nagpasama sa pakiramdam ko.

"I am thinking about..." ibinaba ni Dad ang mga hawak na kubyertos. "...sending Zoey in Avallonne High for the meantime,"

Napahigpit ang hawak ko sa kubyertos. Bumagal naman ang nguya ni uncle habang nagtatanong ang mga mata kay dad. Saglit namang napatingin sa amin si Zoey bago bumalik sa kinakain niyang matamis.

"Avallonne is becoming more and more dangerous. I hate it but I can't focus on Zoey right now. Hindi ko siya mapaglalaanan ng oras ngayon, Van. Idagdag pa na kailangan ko ring bantayan si Laura,"

Damn! How is that even possible? Puwede ba namang mawalan siya ng oras sa kapatid ko? Anak niya iyon! Anak niya kami!

"Marami na ang napapahamak sa lugar natin. Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari kay Zoey. I know, Zoey is safer inside your school. I only want my daughter's safety. I only want what's best for her. Kukuhanin ko rin siya oras na maging maayos na ang lahat,"

Walang pag-aalinlangan na tumango si Uncle.

Fuck. Hindi ko mapigilang magalit.

Naroroon kami ni Zoey kay Uncle habang siya ay tututukan niya ang asawa? I know, that is a fucking valid reason pero ano ang kasunod? Doon na lang siya sa asawa at magiging bagong anak?

Tumayo ako na ikinalingon nilang lahat sa akin. Nagpunas ako ng bibig.

"Excuse me."

Tumalikod na ako at naglakad papaalis. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni dad at uncle pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad na para bang walang narinig.

I walked upstairs and went to my room. I picked up the telephone and called Ms. Bobellon to send me a car when I arrived at the station in Avallonne High. Sinabi kong mauuna na ako kay Uncle at hintayin ako sa pagbaba ng train.

Saving AvallonneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon