Page 2

25 4 0
                                    

Athena's Sentiment




______________________________________________





"What?! Come again, Athena?!" I moved my phone away and shook my head. Nakakabingi yung boses ni Selena. Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay while talking to her.







I bit my lower lip before speaking. "Kairo told his classmates that he's my boyfriend." halos bulong 'yon.







He insisted na ihatid ako but when we saw our driver's car sa labas ng univeristy gate, he sighed defeatedly. Pinanood niya pa akong makaalis muna before going to the lines of tricycles and went inside one.






Hanggang ngayon ay pinipigilan ko yung ngiti ko. I shouldn't be feeling this way. I've known Kairo for a year now and we come along together, no malices or special feelings. I can't and I shouldn't fall for him. Hindi ko na kayang lumunok ng ano mang pangungutya galing sa magulang ko, at madadamay pa siya.







"Shuta. Mas mabilis yata si Kairo kay Blagden kung ganon?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.







"What?"







Tumawa ito. "Nothing. Our son is awake. I'll call you again later." hindi na ako nagsalita. I was about to end the call when she spoke. "Everything will be alright, Athena..." mahina ang boses niya.







I tried to build a facade by faking a laugh. "Ano ka ba? I'm fine, Selena."







Hindi siya nagsalita kaya nagpaalam na ako. "I'm home." hindi ko alam kung bakit sumasakit ang loob ko everytime I say that. "I'll call you later." she just did the same thing and ended the call.







Tumitig ako sa pinto. I sighed heavily bago tinulak pabukas 'yon. Bumungad sa akin ang tatlong taong nakatalikod, my mom, my dad and an unknown man. Sabay sabay silang humarap sa akin. Ngumiti ako when my parents put on a smile, full of pressure and authority. Dumapo ang tingin ko sa lalaki, maputi and halatang may dugong banyaga. He's handsome, no doubt, but someone is...







"Athena Isabella! You're home." naglakad papalapit sa akin si mommy. Pinanlakihan niya ako ng mata ngunit nang tumabi at humarap sa bisita ay umamo.







Iginiya ni daddy ang bisita namin na maglakad palapit. "Mr. Feugo, this is our unica hija, Athena Isabella." dad introduced me.







The man extended his hand, napatingin ako roon. "I'm Victor. Please to meet you." dahil siniko ako ni mommy, agad agad kong tinanggap ang kamay niya.







"Me too." tumikhim ako.






I immediately pulled my hand from his grip na ipinagtaka niya. Hindi nakatakas sa akin ang talim ng mata ni daddy na nasa tabi niya. Yumuko nalang ako. Victor seemed to notice that kaya sinubukan niyang pababain ang tensyon. Hmm, mukhang mabait.







"I heard you are a lawyer?" he asked me. Napaangat ako at magsasalita na sana when mom spoke.








"Why don't we talk about that over dinner? Paniguradong gutom na ang anak namin because she is a workaholic." peke pang hinaplos ni mommy yung buhok ko.







Tumingin si Victor sa akin. "You are? Then, let's go." tumabi ito sa daraanan. "After you, ladies."







Kinuha ni mommy yung bag ko at nilapag sa may mesa sa gilid. She held my elbow at kunwari ay hindi galit akong hinihila.







Love, Poison of Wisdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon