Page 8

24 3 0
                                    

Athena's Sentiment






______________________________________________







"Start na ng practice for your performances sa foundation day diba?" tanong ko sakaniya nang makalabas kami sa bahay nila Selena.







Bumaling siya sa akin. "Oo. Si Reyven nga, aligaga na e. Kailangan pa namin asikasuhin yung booth namin." natatawa niyang sabi.







"Jolly yung personality ni Rey 'no? May girlfriend na ba siya?" curious kong tanong.








Napatigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. Nakatayo lang ako roon habang tinititigan niya ako, he even raised his brow at me.






"I'm just curious!" depensa ko. He smiled sarcastically at umiwas ng tingin.







Dahil tahimik lang siya ay pinalo ko siya sa braso. "Wag mo na ngang sagutin! Seloso!" asar ko sakaniya at nauna nang maglakad.






Hindi na ako nagulat nang maabutan niya ako at siya na rin ang nagbukas ng gate para makapunta sa garahe. Napaatras pa ako dahil hinarang niya yung kamay niya sa dadaanan ko. He leaned forward and smirked. I'm sure kahit na simpleng galaw 'yon, I am as red as a tomato right now.







"Buti nalang at sa akin ka bumagsak." ngumisi ito bago nagpamulsa. Umirap nalang ako at dumeretsyo na sa sasakyan niya.






July 3, Monday. Start na ng practice nila for the music club sa Stevensons. Nasali rin sa meeting namin na may performance rin na ihahanda ang mga professors, gosh. Akala ko naman ay makakaligtas ako ngayong graduate na ako pero hindi rin pala! Abala lahat ng students sa pagaasikaso ng kanya kanya nilang intermission number at mga booths. Yung mga officers naman, nagaasikaso lahat ng mga priorities para sa program. May iba ngang nakakaalam na close ko si Dracarus, sumisipsip sa akin para lang maapprove yung idea nila. Mga straw nga naman.






Napatigil ako sa pagpasok sa sasakyan niya nang mag ring yung phone ko. Tumingin muna ako sakaniya na nasa tabi ko dahil pinagbukas niya ako ng pintuan. The call was from unknown number. Hindi naman siya nagsalita kaya I answered the call.






"Hello?" I said.






"Hello! Gosh, Athena! You made it hard for me to find your number!" napakunot ang noo ko dahil sa aussie accent nito. "Hello?!" she exclaimed.






Nagtataka akong tumingin kay Kairo na nanonood lang sa akin. "I'm sorry, sino 'to?"







"Wow! Just wow! You forgot about your most beautiful cousin already?!" puno ng drama ang boses nito. "It's me! Victoria, duh!" maarteng sabi nito.







Lumaki ang mata ko. Shocks, paano ko siya nakalimutan? Occupied lang ang utak ko these past few years. Tumingin ako kay Kairo na ngayon ay malalim ang pagkakakunot ng noo. He even mouthed kung sino daw kausap ko.






"Nandito ka sa Pinas?! Manila?" I asked her.







Maarte itong tumawa. "Yes. Ilang weeks na but I wanted to surprise you but I don't know your number na pala, good thing I messaged Selena on instagram kaya I have it na. I just arrived here in Cauayan. Wala palang uber dito. Can you pick me up here at the airport?"






Nakagat ko ang labi ko. "Okay okay. Sunduin kita dyan. Hintayin mo ako." she just said 'fine' and ended the call.






Humarap ako kay Kairo. "Mauna ka na sa university. Susunduin ko pa pinsan ko sa airport." paalam ko.






Love, Poison of Wisdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon