Page 20

17 2 0
                                    

Athena's Sentiment




______________________________________________





Nagising ako dahil sa munting halik na paulit ulit niyang binibigay sa akin. I heard him chuckle nang kumunot ang noo ko dahil sa mga halik niya. Naramdaman ko ang paghaplos ng palad niya sa pisngi ko.





"Love, wake up." he whispered.





Because of the huskiness in his voice, agad kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad ang gwapo niyang mukha sa akin, ang tanging liwanag lang ay ang naggagaling sa lampshade sa may bedside table. Tumingin ako sa bintana at madilim pa naman. It's been three days since our first month together.




"Happy birthday, baby." he softly said.





Lumaki ang mata ko at tumingin sa may orasan sa may table. It's exactly 12 am! Did he wake me up to greet me dahil birthday ko? Gosh, eksaktong eksakto pa.





I looked at him. He smiled and leaned to give me a soft kiss.





"Mahal na mahal kita." he said between our kisses.





Nanatili akong nakatitig sakaniya. We stared at each other, thinking about things. I am thinking about my love for him, and by just looking at him, I can also tell that he is also thinking the same things. His love for me.





"Did you sleep?" I asked.





He chuckled and shook his head. "Bakit hindi?"





"Baka makatulog ako ng deretsyo at hindi ka mabati." he answered.





Kumunot ang noo ko. "Pwede mo naman ako batiin mamaya."






He kissed the tip of my nose. "I want to be the first and the last person to greet you."





Lumambot ang mga mata ko habang nakatingin sakaniya. Hindi siya natulog hanggang ngayon para siya ang unang makabati sa akin? Bakit naman ganito? Kailan siya mawawalan ng paraan para batiin ako. Nakakakilig naman, bagong gising palang ako e.






Kumunot ang noo ko nang makita kong naka itim siyang hoodie at black na shorts. Hindi naman ganito ang mga pangbahay niya. Kahit hindi pa siya nakatulog, ang pogi pogi pa rin niya.





"Saan ka pupunta?" tanong ko.





Umayos ito ng upo sa gilid ng kama. "I have a gift for you."





Excited akong umupo at tumingin sa kaniya, inilahad pa yung mga kamay ko. "Nasaan? Give me!"





He smiled. "Not here, darling."





Kunot ang noo kong pinanood siyang pumunta sa closet, paglabas niya ay may dala na siyang white na hoodie, saakin 'yon. Iniabot niya 'yon sa akin at tinignan ko 'yon ng nagtataka. He leaned to give me a kiss on my forehead. Tumayo siya sa may paanan ng kama.






"I'll wait for you. Tara sa plantation. Nandoon yung regalo ko." he said.






Ngumuso nalang ako at tumango. Dali dali akong pumunta sa banyo. I washed my face at nag brush na rin. Sinuot ko na rin yung white na hoodie, kulay pink naman yung pajama ko kaya okay lang. And duh, 12 am, walang makakakita sa amin. I tied my hair into a bun nalang.





Paglabas ko ay nakaupo siya sa may couch at naghihintay. He immediately walked towards me nang makitang lumabas ako. I blushed when he stared at me, yung mga titig niya kasi parang ako yung pinakamagandang art na nakita niya.





Love, Poison of Wisdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon