Page 12

17 2 0
                                    

Athena's Sentiment

______________________________________________



Ang bilis ng araw. Kamakailan lang, pasukan, tapos birthday ni Tori. Ngayon, 3 days nalang before the foundation day. Ang busy ng mga students and professors sa paghahanda ng mga gagawin sa events and sa mga kanya kanya nilang pakulo. May nakikita na rin akong mga booths na nakatayo sa school grounds. Tapos, salitan na ginagamit yung gymnasium for practice, lalo na sa arts club. Naituro na rin sa akin ng ibang professors yung sasayawin namin at yung Sway pa! Ako pa naman ang nasa pinakaharap.




Nakangiti ako habang papalapit sa gates ng Stevensons. But, my smile faded nang makitang walang naghihintay na Kairo roon! First time ngayon ah? He was very consistent sa panliligaw sa akin, makakabuo na ako ng maraming bouquet ng sunflower dahil araw araw talaga siyang nagbibigay. Napanguso ako habang nagmamaneho papunta sa parking lot ng university. My forehead wrinkled when I saw his familiar back.




He is walking papunta sa architecture building! With a girl, and si Laura 'yon. Nagmamadali pa silang makapunta and he is even holding a freaking sunflower!



My chest suddenly feels heavy. Padabog kong isinara yung pintuan ng kotse ko pagkalabas. How dare him?! Siguro nagising na siya sa sobrang pagpapatagal ko ng panliligaw but buti nalang and I knew his true ugali na! Gosh, buti nalang at hind ko siya sinagot agad.



Because of that, badtrip ako sa mga classes ko. I am faking a smile kapag nagbibiruan kami ng mga students. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung imahe nilang naglalakad doon while I expected na maghihintay siya sa akin sa labas?! I am starting to hate him now!



As a result of my anger, I blocked him. I blocked his facebook account, instagram, and lahat ng social media accounts niya. Pati twitter and TikTok dahil gumawa na rin siya non. Binigay pa nga sa akin yung passwords e. May mga messages pa siya sa akin pero hindi ko na pinagkaablahang basahin. Binabati ko nalang pabalik yung mga professors na pumapasok para magpahinga o kung may kukunin. Hindi na nila ako chinichika dahil halata yata na wala ako sa mood.



Inis akong napatingin sa laptop ko na nasa harapan nang tumunog ito. It was an email. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko 'yon.



From: kairoanthonysilvereas@gmail.com

Athena, galit ka ba? Why did you blocked me sa mga social media accounts mo? May nagawa ba ako? I'm sorry. Tapusin ko lang 'tong class ko ngayon. Lunch na and deretsyo practice na ako. Puntahan kita. Nasa faculty ka ba? Sorry kung ano man ang nagawa ko na ikinagalit mo ngayon.




Nagsalubong ang kilay ko habang binabasa 'yon. Bakit nakarating siya sa email? Kahit galit ay hindi ko mapigilang mapangiti, is this the definition of he will, he would?! At saka, nasa class siya ngayon. Dapat mag focus siya.




Agad akong nag tipa ng reply.




To: kairoanthonysilvereas@gmail.com

Hindi ako galit. Focus on your class.





I sent it immediately. Naghintay ako ng reply niya but ilang minuto ay wala pa ito! Kaya bumalik ulit yung inis ko. Kawawa tuloy 'tong mga binabasa kong sagot mg students ko dahil sakanila ko naibubuhos yung inis ko. Siguro, kaharutan niya na ngayon si Laura!




Hindi ko na napansin na Lunch na. Hindi ko na inabalang tignan pa yung ingay na naririnig sa labad ng faculty dahil mga students lang naman 'yon na naguunahan makapunta sa canteen o di kaya makalabas. Kinuha ko nalang yung phone ko para mag order since I am planning to eat alone, from now on.





Love, Poison of Wisdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon