Athena's Sentiment
______________________________________________
"Nakauwi na ba kuya mo?" tanong ko kay Kaiden na nakahiga sa may mahabang upuan sa kama.
Sasagot na sana siya nang may sumigaw galing sa banyo.
"Baby! Nakauwi na ako. Nagn-number 2 lang!" he shouted from the cr followed by his laugh.
Isang week na kami rito, October na. Wala namang nagbago at nangyaring masama. We just became more comfortable with each other, hindi na nga ako nahihiyang sabihin sakaniya na tatae ako, e.
Kagigising ko lang dahil nag-siesta ako. Wala siya buong araw kasi pumunta siya sa Wesleyan Univeristy. Sa Cabanatuan, Nueva Ecija sila nakatira and mabuti nalang same lugar lang din yung dating college university niya.
"Punyeta, napakabobo." bumaling ako kay Kaiden na umayos ng upo at mas lalong nag focus sa nilalaro niya. He's probably referring to his teammates.
Pumunta ako sa kusina habang tinatali yung buhok ko. I smiled when I saw banana cues na nasa plato, inuwi siguro ni Kairo. He said na natanggap din siya na construction worker sa may kapitbahay, extra income raw para sa bahay at kay Kaiden mapunta lahat ng pinapadala ni Mang Kanor.
Kumuha ako ng isang stick ng banana cue at lumabas ng bahay, uupo muna ako sa duyan kasi mahangin don. Kung alam ko lang na ganito kasarap ang buhay dito, matagal ko ng hiniling na ilayo niya ako.
Wala pa rin kaming nararamdaman na mga bagay na maaaring kagagawan ni mommy at daddy. Hindi ko pa rin sila kayang kausapin at harapin ngayon. Mommy hates me, and I want my daddy to ask for forgiveness dahil sa ginawa niya kay mommy. Hindi ko pa alam kung gusto ko ng apology nila sa akin o ayaw ko na talaga silang makita.
I am still working sa firm ni Selena, through online nga lang. Tumutulong lang ako and she would still pay for my salary kahit na alam kong hindi naman sapat yung ginagawa ko para sa sweldo niya sa akin. What can I say, though? Mabait ang bestfriend ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang mga jersey na nakasabit sa may sampayan, bagong laba ang mga 'yon. Walong panlalaking jersey ang nakasabit, merong isa na iba ang itsura, para sa muse ata 'yon. Dark red and black ang combination, may iba't ibang patterns na nakatatak. Napatawa ako nang makita kung anong nakatatak para sa pangalan ng team nila.
Cauayenõ Sharp Shooters
Napailing nalang ako, napakadumi. Hindi ko tuloy matukoy sakanila kung sino ang nag isip, for sure it's not Eros and Colt, mga seryoso sa buhay ang mga 'yon.
I smiled when a pair of arms hugged me from behind, kumagat pa sa banana cue na hawak ko. Tumingin ako sakaniya at nakatingin rin sa akin ang magaganda niyang mga mata, bahagyang gumagalaw ang bibig dahil nginunguya niya yung banana cue. Nakapambahay na siya at amoy na amoy yung pabango. Super pogi.
Siya ang unang umupo sa duyan, nag laan siya ng space sa pagitan ng hita niya at automatic na don ako umupo. Sobrang sarap sa balat ng ihip ng hangin, mas pinasarap pa ng pagyakap niya sa akin sa likod.
Nagpaalam si Kaiden sa amin na may inuman sila, pinayagan naman siya ni Kairo. Hindi kami nag uusap, dinadama lang namin ang hangin at ang magkadikit naming katawan.
BINABASA MO ANG
Love, Poison of Wisdom
Romance#3: "She was really a goddess. A goddess that made me realize what can I do in the name of love, for her. She caught me, and I can't escape. Even if I can, I won't."