Page 32

12 1 0
                                    

Athena's Sentiment




______________________________________________





"Maaga kang out today 'no? Bakit?" tanong ni Selena na kapapasok lang dito sa opisina namin.





She's wearing a black pencil skirt with a slit and a white silk sleevesless top, with a black coat blazer. Naka-high ponytail ang kanyang buhok with curls sa dulo. She's holding a black folder while walking towards my table. Isinara ko yung case na binabasa ko saka tumingin sakaniya.






"Pupunta ako sa University, may kukunin ako don." pagdadahilan ko kahit uuwi lang naman talaga ako para uuwi.






She laughed and rolled her eyes. "Gaga! Nakakalimutan mo yatang mister ko ang may ari ng University na tinutukoy mo."






Umirap din ako. Oo nga pala. Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako.





"Hindi ba mawala sa utak mo si Papi Kairo? Aww." pangaasar niya.






Tumayo ako para abutin yung tagiliran niya upang makurot ngunit nakaatras siya kaagad, tumatawa. Tama naman siya, since last night, hindi na nawala sa utak ko ang lalaking 'yon. And lalong lalo na mga sinabi niya, hindi raw nag-move on pero may asawa? at mga anak pa and what's with the ring?






Don't tell me he bought another ring identical as ours para sa asawa niya. The disrespect!







"Oh!" bumalik ako sa current happenings nang tumatawang kinalabit ni Selena yung braso ko. "You're spacing out nanaman."







I made a face. "Tumigil ka nga." I said and looked at what she's holding. "Ano 'yan?"








She followed my gaze and grinned. "For you 'to. Corporate lawyer ka na walang kompanyang pinagt-trabahuan. Ayan, offer ko sayo."







I accepted the folder nang iabot niya ito. Kunot noo kong binuklat yung black na folder and documents welcomed me.







AONVA Architectural Firm






"AONVA?" I whispered.







"Sounds familiar?" mapangasar na tanong ni Selena.








Dali dali kong ibinaba ang mga tingin ko sa baba ng dokumento at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang pangalan na nasa baba ng napakagandang pirma.








Architect Kairo Anthony C. Silvereas
Owner / Head Architect / Senior Partner / Chief Executive Officer







Wow. He, he owns these titles? And he owns an architectural firm? If I'm not mistaken, this is the architectural firm who built many states building and establishments abroad and from what I've heard, lahat ng gawa nila ay kulang pa ang 100 percent as ratings. And he owns the architectural firm behind those successful establishments. Just wow.







Look, he's now successful, and successful is really an understatement for what he is right now and I am, I am very proud of him.








"Hoy, ano na? Kung balak mong makipatitigan dyan sa pangalan ng ex boyfriend mo at hindi magdecide, pasabi sa akin ha." sambit ni Selena sabay tawa.





Umiling ako at agad na sinara yung folder. Humarap ako sakaniya at agad na inabot 'yon.







"Ayoko." I strongly shook my head.







Love, Poison of Wisdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon