_____________________________________________
"Tay, hahanap lang ako ng pwedeng maiguhit." paalam ko kay tatay habang nakahiga siya at nagpapahinga. Dapit hapon na at tapos na kami sa trabaho.
Mukhang nakatulog na siya kaagad at hindi na siya nakasagot. Inayos ko nalang ang mga tools sa may gilid bago kinuha yung sketch pad ko at isang lapis. Sinuklay ko ang basa kong buhok gamit ang mga daliri ko, kaliligo ko lang, e. Nakasuot ako ng isang maluwang na itim na sando at itim na shorts, nakakapresko.
Naglalakad ako papunta sa may gilid ng bahay papunta sa hardin nang may marinig akong tawanan ng mga babae. Kumunot ang noo ko at sumilip. Nakilala ko kaagad ang likuran ni Selena. Dahan dahang lumipat ang mga mata ko sa babaeng nasa harapan niya.
Napakaganda. 'Yon lamang ang pumasok sa isip ko habang nakatingin ako sakaniya. Nakalugay ang buhok nito at hinahangin pa ng kaunti. Malalambot ang mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Tumatawa siya at napakaganda niya, 'yon lamang ang tumatakbo sa aking isipan. Ngunit habang tumatagal ang tingin ko sa mga mata niya ay para ba akong hinihila papasok doon at nakita ko ang kalungkutan sa likod ng natutuwa niyang mga mata. Hmm, magagandang pares ng mga mata ngunit malungkot naman.
Mabuti nalang ay nakabawi ako at agad na tumalikod bago siya tumingin sa gawi ko. Sumandal ako sa pader at nagpakawala ng malalim na hininga. Ano 'yon, Kairo? Hindi pwede. Kaibigan siya ni Selena at mukhang mayaman pa. Hindi mo dapat siya tinitigan ng ganon. Hindi mo dapat sinabi lahat ng 'yon. Hindi dapat tumitibok yung puso mo ng ganito kabilis. Pero, tangina... Anong nangyayari?
Pinilig ko ang ulo at tumingin sa paligid at naghanap ng pwedeng maiguhit. Nakailang buklat na ako at simula pero para bang may mali sa lahat ng iginuguhit ko. Hindi ko namalayan na idinala ako ng mga paa ko patungo sa gilid ulit at tinatanaw ang kaibigan ni Selena. Wala na, talo nanaman ako.
Hindi ako bobo. Pero, bakit parang gusto kong sumugal sakaniya? Bahala na. Gago, gusto ko na yata siya. Mali. Gusto ko na nga siya. Nakakatawa lang, hindi ko pa nga alam pangalan niya e.
Napatingin ako sa sketch ko bago umangat ang ulo para tignan siya. Napakaganda talaga at masayahin pang kasama, palatawa at higit sa lahat, mabuting kaibigan. Gusto kong murahin si Kupido kung bakit ngayon niya pa ako nakuhang tirahin ng pana pero at the same time, gusto ko yung timing niya. Hehe.
Pinirmahan ko yung sketch, kasama ng date ngayon. Sa ngayon, gusto ko siyang makilala at kilalanin at kapag nagkaroon ako ng lakas ng loob para umamin sakaniya, ibibigay ko 'to. Sa huling beses bago pumasok ay tinignan ko siya. She's laughing, she's so beautiful. That exceptional beauty of hers. Ah, his husband will be so lucky.
"Kairo Anthony Silvereas." pagpapakilala ko sakaniya.
Mabuti nalang at palagi akong sumasali sa mga play kaya magaling naman akong umarte. Napigilan ko ang panginginig ng kamay kong nakalahad at ang pagbilis ng tibok ng puso nang ngumiti siya. Pucha, bakit kasi ang ganda mo?
"Athena Isabella Asuncion." pagpapakilala niya at tinanggap ang kamay ko.
Kung hindi lang ako naghanda para sa pagkakataon na 'to ay mahihimatay na ako. Gago pare, may spark. Naramdaman ko ang milyong boltahe ng kuryente na dumaloy sa mga ugat ko sa buong katawan nang hawakan niya ang nakalahad kong kamay. Habang nakatingin ako sakaniya ay pumasok sa isipan ko ang mga plano ko sa buhay ngunit may bagong karakter na pumasok doon at siya 'yon, si Athena. Athena Isabella.
BINABASA MO ANG
Love, Poison of Wisdom
Romance#3: "She was really a goddess. A goddess that made me realize what can I do in the name of love, for her. She caught me, and I can't escape. Even if I can, I won't."