Athena's Sentiment
______________________________________________
"Athena!"
Napalingon ako dahil sa tawag ni Kairo. Magkasalubong ang kilay nito at nakapameywang na para bang may ginawa akong kasalanan, may hawak siyang jacket.
I think, I did something.
Oh, meron pala. Nauna kasi akong nagising sakaniya kasi pagod siyang umuuwi galing sa construction na pinagt-trabahuan niya. Last day ng fiesta ngayon. Sila pala ang champion sa liga dito, syempre ako ang nanalong muse. Deserve nila at deserve ko.
So, back to the reason bakit sinusundo niya ako. Kanina kasing nagising ako, napagdesisyonan ko na magwalis sa bakuran habang hinihintay siyang magising, kaso inaya ako nila Malou na mamasyal sa may parke, syempre sumama kaagad ako. Nakalimutan kong magpaalam sakaniya o magsabi man lang kay Kaiden. 'Yon kasi ang bilin niya sa akin para alam niya kung saan ako hahanapin kaso nga, hindi ko ginawa kanina.
Ngayon, nandito kami sa bahay nila Malou, gumagawa kami ng bracelet na gawa sa beads. I made one for me and one for Kairo. Black lang yung beads na ginamit ko and nilagyan ko ng isang pendant. Sa akin ay yung scale of justice since I am a lawyer and kay Kairo ay small na bahay since he is an architect, a future architect.
Napanguso ako at kinuha yung mga bracelet, binulsa ko 'yon para hindi niya makita. Nagpaalam ako kina Malou bago nagmamadaling pumunta kay Kairo na nakapameywang at nakatingin sa akin. Kagigising palang niya, halata naman sa gulo gulong buhok pero ang gwapo pa rin. Nakatopless kasi siya at nakashorts lang, halatang hinanap kaagad ako pagkagising, tinitignan tuloy siya ng mga babaeng dumadaan.
"Good morning." I said, nakayuko. Baka pagalitan niya ako.
Napatigil ako nang ibalot niya yung jacket sa bewang ko. Napakunot ang noo ko at tinignan yung black kong pajama. Pinigilan kong ngumiti nang pinatakan niya ako ng halik sa noo.
"Magandang umaga, mahal." he greeted me.
"Bakit 'to?" I asked, pointing at the jacket.
"Day of the month." he reminded me.
My eyes immediately widened at tinignan yung likod ko, tumingin pa ako kung nasaan nakaupo sila Malou, pero hindi naman sila nakatingin sa pajama ko, sa amin lang ni Kairo. Napanguso ako, is it because my pajamas are black?
"Hindi halata, mahal." he said, siguro nakita niya yung panic sa mukha ko.
"Talaga?" I asked.
Tumango siya. "Halika na. May pasok ako ngayon sa trabaho. Gawan muna kita ng hot compress para sa puson mo." hinawakan nito ang kamay ko at hinila. I let him pull me.
Hindi niya ba ako papagalitan? Maybe, I'll ask later.
Pagpasok namin sa bahay ay nakasalubong namin si Kaiden na papalabas, may hawak itong tasa ng kape. He gestured 'hala ka.' sign nang makita ako kaya mas lalo akong kinabahan. Gosh, baka papagalitan talaga ako! Kairo was so silent pa habang hinihila ako papasok.
He guided me to sit sa chair, ayoko pang umupo kasi baka magka-stain. And, mas naaalala niya pa yung period ko kaysa sa akin! Siya na yung period tracker ko. Charot.
BINABASA MO ANG
Love, Poison of Wisdom
Romance#3: "She was really a goddess. A goddess that made me realize what can I do in the name of love, for her. She caught me, and I can't escape. Even if I can, I won't."