Page 19

16 2 0
                                    

Athena's Sentiment


____________________________________________





I woke up because of someone's kiss on my lips. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang gwapo niyang mukha. Nakatungkod ang kanyang isang kamay sa tabi ng ulo ko at tinititigan niya ako.





"Sorry. Gusto ko lang mag-goodnight." he slowly said.





Mas nauna kasi akong natulog since napagod ako sa party ni Reyven. May pinuntahan pala sila Selena kaya hindi na sila nakapunta. Si Kairo, may tinapos na plates raw kaya sabi niya, mauna na akong matulog para makapagpahinga. I looked at the clock sa may bedside table and 11 pm na. I am wearing my pajamas habang siya at nakapang bahay na rin.





I rolled my eyes. Napuno ng pagtataka ang mga mata niya dahil sa pagtataray ko.





"Bakit? May kasalanan ba ako?" he asked.






"Meron."






"Huh? Ano?"






"I had a dream, may kahalikan kang babae." sabi ko at tinulak siya.






Pinigilan ko ang matawa dahil sa sinasabi ko. Pero I tried to maintain my masamang tingin sakaniya. Nakakatawa kasi yung mukha niya na hindi makapaniwala sa sinabi ko.






"Hindi ko magagawang mambabae, kahit sa panaginip pa, baby." he explained.






Hinarap ko siya. "So, are you saying na mali ako?"






"Oo---Hindi--Oo--- Ahh. Mali yung panaginip mo, pero tama ka." puno ng frustration na sabi niya, ginulo pa yung buhok.






Tinaas ko yung kilay ko. "Ako yung nanaginip."






He looked at me, ang cute niya habang nakanguso at naguguluhan na nakatingin sa akin.






"Sino ba yung babae sa panaginip mo?" he asked.






"Ako." I grinned.






Umawang ang labi nito, at malalaki ang matang nakatingin sa akin. Pagkatapos ay nagpakawala ito ng mabigat na buntong hininga, para siyang nabunutan ng napakalaking tinik sa lalamunan. He looked at me with eyes na hindi ko alam kung nalilito ba o seryoso.






"Baby naman." he said and showed a small smile.







Umirap ako. "Oh, bakit?"







"Hindi ko kasi kayang magloko sayo. Buti nalang at nakarating pa sa panaginip mo 'yon." he laughed and pulled me for a hug.






I giggled and hugged him back. "Basta, may kasalanan ka."






"Oo na, meron na. Sorry na, sana mapatawad mo ako." pakikisakay niya sa kabaliwan ko.






"Kapag hindi mo ako pinatawad, tatalon ako sa third floor ng isang building."






Tumawa ako. "Pilay lang makukuha mo don."






"Ay ganon ba? Sige, taasan natin." umakto siyang nag iisip. "3.5th floor."






"Huh? May ganon ba?"






Love, Poison of Wisdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon