Athena's Sentiment
______________________________________________
Hindi pa rin ako makapaniwala. He is now my boyfriend. Fuck, it feels so surreal.
"Magpalit ka na ng damit, baby. Ayokong magkasakit ka." masuyo niyang bulong sa akin.
Tumingin ako sakaniya na kakapasok lang dito sa kwarto niya. Galing siya sa study room para ibalik yung mga librong ginamit niya sa pagr-review. Nakangiti ako at hinila ako papunta sa harap ng pintuan ng banyo.
"Ako na ang kukuha ng damit mo." he said.
Tumango ako. Suot ko ngayon yung damit niya na nasa kubo, may sugat siya sa daliri dahil daw namali siya ng hawak sa bolo kaya may dugo. Gosh, ang oa ko kanina. Naabutan raw siya sa ulan kaya sumilong muna siya kanina sa isang puno. Tumakbo raw kaagad siya nang marinig niya yung mga sigaw ko.
He said na nakita niya raw talaga yung post kaso hindi naman daw siya nagalit dahil in-explain ni Tori yung nangyari habang papunta ako roon. Nalowbat daw agad phone niya after ng paguusap nila kaya hindi ko siya matawagan. See, sobrang kompleto ng explanation niya kaya wala akong mahanap na pagdududahan.
He planted a kiss on my forehead, making me smile.
"Kung panaginip man ang nangyayari ngayong araw na 'to, wag mo akong sasampalin. Ayoko ng magising." he said.
Natawa ako at kinurot siya sa braso. "Aray!"
"This is real. I'm your girlfriend and you are my boyfriend now." I rolled my eyes.
Ngumiti ito at nahulog nanaman ako sa kagwapuhan niya. Topless pa rin siya ngayon pero duh, gusto ko na wala siyang shirt ngayon. Hindi ko alam kung anong kayang gawin ng mga patay na patay sakaniya para makita siya ng ganito pero sa akin libre pa. Char.
"Hindi pa rin ako makapaniwala. Basta, akin ka na ha? Akin lang." he said and kissed my lips.
It was just a peck, but it brought million bolts of electricity to my body, making me feel that tingling sensation again.
"Akin ka lang din." I said, possesively.
"Sayo lang ako." he assured me.
I closed my eyes when he planted a long soft kiss on my forehead. Ramdam na ramdam ko ang init na lumalabas sa katawan niya dahil yakap yakap niya ako.
"I love you." he whispered while hugging me.
I smiled. "I love you."
Nagpaalam na siya at lumabas na para pumunta sa kwarto ko at kumuha ng pajama ko. I trust him, hindi pa siya pumalya sa paghahanda ng mga gamit ko. Kilalang kilala niya talaga ako. Pakiramdam ko, hindi ako makakapagsinungaling sakaniya.
Wala naman akong planong magsinungaling sa boyfriend ko.
I smiled at that thought. Boyfriend. Ang ganda gandang pakinggan at sabihin. Parang tanga tuloy ako na kinikilig habang nagsasabon sa katawan. Nilagay ko sa laundry basket na nasa pinakagilid ng banyo niya. Napangiti ako dahil ang ayos ayos ng pagkakaayos ng mga gamit niya kahit sa banyo lang, sobrang linis pa. Nakakahiya ngang tumae sa bowl e, joke.
BINABASA MO ANG
Love, Poison of Wisdom
Romance#3: "She was really a goddess. A goddess that made me realize what can I do in the name of love, for her. She caught me, and I can't escape. Even if I can, I won't."