Athena's Sentiment
_____________________________________________
"May pasa ka nanaman?" I asked Kairo pagkasalubong ko sakaniya sa pintuan.
He smiled and gave me a forehead kiss. "Napaaway sa site, mahal." he said.
"Are you lying to me?" deretsya kong tanong sakaniya.
Napatigil siya don. He stared at me, ang mga mata niya ay makulit, punong puno ng kaba at hindi alam kung titingin pa ba sa akin o hindi. I raised my brows, waiting for his answer.
"N-No." utal na sabi niya.
I sighed. Simula nung gabing umuwi siya ng may pasa, hindi na siya nakakaiwas sa away. Si Kaiden naman ang gumaganti para sakaniya. Ngayon, umuwi siya for lunch and later ay aalis na siya ulit for work. Gusto ko sana siyang pigilan sa pagpunta at baka mamaya ay mapilay na siya pero I know he needs to work to study.
Kagaya ng dapat mangyari, we ate lunch together, si Kaiden ay may pinuntahan. Pagkatapos kumain ay nagpalit lang ng damit si Kairo before leaving, syempre palagi siyang sweet magpaalam. I just smiled at him as I watch him go. Nasasanay na rin ako sa palaging nakaparada na black na van sa may tapat ng bahay namin sa kabilang kalsada, I heard na bagong kapitbahay raw.
Nagagalit na ako. Palubha na ng palubha yung mga pasa ni Kairo. Walang araw na hindi siya umuwi ng walang pasa hanggang sa mag December, palagi nalang! Gusto ko na siyang pigilan talaga na pumunta sa work pero nakikita ko yung mga ipon niya at ayoko siyang pigilan don.
"Kaiden." tawag ko sa kapatid niya na nakahiga sa may duyan.
He looked at me. "Bakit ate?"
"Talaga bang may nakakaaway ang kuya mo? Bakit parang palagi naman yata siyang napupuruan?" I asked, hindi na maganda ang nararamdaman.
Tumagal ang tingin sa akin ni Kaiden bago dahan dahang tumango. "Yung mga girlfriend raw kasi ng mga kaaway ni kuya, sinasabi na nilalandi sila ni Kairo, kaya ayon."
"Huh?! Kailan naman lumandi si Kairo sa iba?! He will never do that!" I exclaimed.
Napahawak si Kaiden sa dibdib niya dahil sa gulat. "Kaya nga. Dahil mga takot sa mga boyfriend nila, binabaliktad nila si kuya." he said and avoided my gaze.
Kumulo ang dugo ko dahil sa narinig. "Hay nako! I will really kill them all. Anong mga pangalan--"
Kaiden stood in front of me, napatigil tuloy ako dahil don. Kaiden is tall but his older brother is taller, kaya nakakapagtaka tuloy kung bakit hindi makalaban si Kairo sa mga nakakaaway niya when he is much taller and stronger than them, I am sure about that naman.
"Ayaw ni kuya Kairo na nadadamay ka ate. Ang masaktan ka ang pinakaayaw niyang mangyari sa mundo." he said, before putting his hands in the pockets of his shorts. He smiled at me before walking away, hindi man lang ako pinasagot.
Pumasok nalang ulit ako sa bahay to sleep sana. I left the door open para pumasok yung hangin, since malamig naman ang hangin ngayon. I walked towards the kitchen to drink some water. I was drinking when I heard the loud banging of the door, nabitawan ko yung glass causing it to break.
BINABASA MO ANG
Love, Poison of Wisdom
Romance#3: "She was really a goddess. A goddess that made me realize what can I do in the name of love, for her. She caught me, and I can't escape. Even if I can, I won't."