CHAPTER 1

59 3 7
                                    

Warning that this story can triggered you, be aware that it has alot of not suitable for young readers. Parental is advice.

"Wala naman dito yung sinasabi n'yong bar, puro kayo kalokohan!" Inis na saad ni Ryan habang sinisipa ang damong daraan nila, dahilan upang tumama ang kanyang paa sa bato na nag dulot kirot sa kanyang paa.

"Saan ba talaga tayo tu-tungo?!" Inis na saad din ni Eos at nilagpasan ang lahat. Kanina pa sila paikot-ikot ngunit walang bar silang nakikita kahit saan.

"Sinong tanga ba kasi maniniwala na may bar sa gitna ng kagubatan,mga inutil!" Inis na saad naman ni Faye at kumapit nang mahigpit sa Braso ni Morana.

"Tayo?" Sagot ni Morana, dahilan upang ikataas kilay ni Enjay. Wala na silang choice kundi ang bumalik sa pinagmulan nila kanina, dahil ano pa na ang gagawin nila upang ipagpatuloy ang paglalakbay?

Napapagod at nagugutom na din sila, gusto nalang nila ay makauwi at magpahinga. Sapat na ang isang ora's upang makarating sila sa pinanggalingan nila,ngunit nakalimutan nila na mag iwan marka upang matandaan nila kung saan sila dumaan.

"Puro kayo katangahan, naliligaw na tayo!" Galit na saad ni Eos at naunang naglakad sa lahat. Hndi pa man nakaka kalahati ay tumigil si Eos at tanging huni ng ibon ang naririnig sa paligid, mga kaluskos na hindi maintindihan ang nangibabaw.

"Naririnig nyo ba ang naririnig ko?"Kakaibang tono ang ginawan ni Eos, dahilan upang kilabutan ang mga kasama at magtakutan.

"What?! T*ngina pa mysterious ka naman!" Sigaw ni Enjay at bahagyang tinulak si Eos. Ganun din ang ginawa ng iba at ang iba ay tumawa naman, napuno ng tawanan ang paligid.

"Magtatakutan paba tayo dito? Hello, nagugutom na ako at gusto kuna umuwi!" Sigaw naman ni Faye, maraming sumangayon sakanya. Nagpatuloy na sila sa paglalakad at muling tumigil si Eos sa paglalakad, inulit nanaman nya ang kanyang ginawa at nagtatanong nanaman sa naririnig.

"P*tangina!" Biglang sigaw nito at makahulugan na tumingin sa mga kasama. Bigla nadin nag mura sila Faye at humawak sa buhok, tila hindi maintindihan ang nangyayari.

"Naliligaw tayo." Kalmado saad ni Ryan at ngumiti nang nakakaloko kay Morana. Hinampas naman ni Morana si Enjay at nagtawanan sila, paulit-ulit lang ang nangyayari at wala ng bago. Naglalakad at nagtatakutan lang sila.

"Mamamatay na tayo, hahaha!"Biruan nilang Lima, napatigil sila sa kakaibang kaluskos sa hindi kalayuan. Habang nagtataka ay may kakaibang nilalang na nasa likod ng malaking damo, gumagalaw Ito at naglilikha ng kakaibang tunog.

"P*ta!"Sigaw ni Faye at mahigpit na kumapit sa Braso ni Morana, habang nanginginig naman sa takot si Enjay at nagtakip nang mata.

"Tabi, ako na. Easy lang ito."Mayabang na saad ni Ryan at pinangunahan sya ng yabang, biglang tumalon ang nilalang at naglabas ito ng kakaibang likido sa bunganga.

"Yuck palaka!"Sigaw ni Enjay at nagtawanan nanaman silang muli. Nagpatuloy sila sa paglalakad at habang nagkwe-kwentuhan ay tumigil saglit si Morana sa paglalakad.

"How many times we did saw this sign? Hindi ba paikot-ikot nalang tayo?" Tumango-tango naman ang kanyang kasama at nagtakutan, umihip ng malakas ang hangin at bahagyang nililad pa ang sumbrelo ni Eos.

"Saglit,kunin kulang!"Sigaw nya sa mga kasama at naglakad papuntang likod Puno, nakakatakot kung tignan ang puno at hindi maintindihan ang pagkakatayo nito.

"Antagal mo Eos, kinain kana ba ng Puno?"Pabirong saad ni Enjay at walang sumagot pabalik sakanya. Hindi sya nakaramdam kahit kaba dahil alam nilang loko-loko si Eos at maaaring nagloloko nanaman ito.

"Eos bilisan muna!"Sigaw ni Ryan at iritadong sumunod sa kinaroroonan ni Eos, muli ay hindi na bumalik si Ryan.

"Puro kayo kagag*han no?!"Sigaw ni Faye at sinundan ang kinaroroonan nila Eos. Pinigilan ni Enjay si Faye, dahil Baka hindi nadin ito bumalik. Tumawa naman si Faye at sinabing kaya nya ang sarili na.

5 Days In Hell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon