Chapter 18

1 0 0
                                    

Magkakasama silang naglalakad sa hindi nila mawaring lugar, hindi na nila alam ang gagawin ngayon. Lalo na ngayon na iilan na lamang silang natira.

Si Morana na namatay, si Faye na niloloko sila at si Eos na nagawa silang i set up.

Mas lalo silang hindi makapaniwala sa nagawa ni Ryan, ang pinaka tahimik sa lahat na batid nilang nasa loob ang kulo. At ito na nga ang kulng hindi nila inasahan na mangga-galing kay Ryan.

Pagod at puyat na si Enjay, habang takot parin na tinatanaw si Eos at si Ange. Natatakot sya na mag tiwala dito, kay Eos na niloko sya at kay Ange na ngayon nya lamang nakita.

"Ano pang ginagawa mo diyan?" Saad ni ANge at nilapitan sya, hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa lugar na kanilang pinaghintuan.

"P-Papasok tayo diyan? Parang nakakatakot naman."Saad ni Enjay at nag a-alangang naglakad. Hindi naman sakanya sumunod si Ange, bagkus ay tumigil ito sa paglalakad at tumingala.

"Hindi parang, nakakatakot talaga." Saad ni Ange at nagpatuloy na sa paglalakad. Habang si Eos  may hawak na flashlight at kung saan-saan ito tinututok.

"Dahan-dahan sa pag tutok, maka buuntis ka niyan." Saad ni Ange na nag pagaan sa pakiramdam nila, masyado kasing tensiyon ang paligid. Lalo at madilim, kung may ilaw man ay malabo o kaya ay patay sindi.

May maliliit na tunog at batid nila na mga bugwit iyon, pero alam natin na mapaglaro ang isipan ng tao at kaya nitong gumawa ng mga nakakatakot na scenario.

5 Days In Hell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon