CHAPTER 5

7 1 0
                                    

Sa gitna ng masukal na gubat ay muling umalingaw-ngaw ang putok ng baril, isang malakas na sigaw ang sunod nilang narinig. Na talagang nagpagimbal sakanilang kaibuturan, dahilan upang matigil sa paglantak nang pagkain ang magkakaibigan.

Samatalang si Morana ay hindi maatim ang nasasaksihang karumal-dumal na ginagawa ng mga kaibigan, ang pagkain sa walang buhay na katawan ni Ludwig.

"Hindi ko kayo maintindihan!"Galit na saad ni Morana at iniwan ang mga kaibigan na masayang kumakain, na tila sakanila lang umiikot ang mundo. Naguguluhan na sya sa mga nangyayari sa mga kaibigan, tila isa na ang mga itong hayup na gutom na gutom.

Nilisan nya ang lugar na kaninang pinangyarihan ng krimen, hindi nya kayang makita na unti-unting nagbabago ang mga kaibigan. Habang tumatagal ay mas lalo silang nahihirapan na makatas sa lugar na ito, sa gubat na sila mismo ang pinaglalaruan.

Dalawang araw palang ang nakalipas, pero pakiramdam nila ay napaka tagal na nilang nakakulong sa lugar na ito. Kung saan madami ang namamatay at hindi nila maintindihan ang nangyayari.

"Hoo! grabe nakaka busog, pakiramdam ko kaya kong makipag patayan!" Natatwang saaad ni Enjay at ngiti-ngiting tumingin sa mga kasama nito. Nagtaas naman kilay si Faye at hinila ang buhok ni Morana, upang sana ay bumulong. Ngunit hindi nagpatinag sa haltak ni Faye, na ikinabigla ni Faye sa naging reaksiyon ni Morana.

"Ang ingay mo, pero ang sarap talaga kumain. It is kinda feel vague, but surely worth it!" Nakangiting saad naman ngayon ni Ryan, na para bang pangkaraniwang pagkain lamang ang pinag uusapan nila.

"Ikaw Faye, bakit hindi ka kumain?"Takang tanong ni Enjay, na hindi binigyang pansin ni Faye at nakatingin parin kay Morana na ngayon ay lumalayo sakanya. Hindi pinansin ni Enjay ang pag walang imik sakanya ni Faye at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

Masaya at ganado sila sa paglalakad, hindi man nila alam kung saan sila tu-tungo. Wala ni isa sakanila ang muling nagsalita at nag patuloy sila sa paglalakad, na pinangunahan ni Morana.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"Tanong ni Ryan na wala na ngayon sa mood, nanlilisik ang mga mata nito at nakakatakot kung titignan. Lumapit naman bahagya si Enjay at sinabing, "Malay ko, basta sinusundan ko lang kayo." Natwa naman si Faye sa sagot ni Enjay t ginaya ang sinab ni Enjay.

"Sinusundan ko lang din kayo."Saad naman ngayon ni Morana, habang pinupulot ang mga putol na kahoy sa daan. Madilim na at batid nya na maabutan sila sa ng gabi sa gitna ng gubat. Ka-kailanganin nila ito upang maka likha ng apoy,ngunit iba ang naging dating nito sa kanyang mga kasama.

"Naghahanda kana ba, para lutuin kami mamaya?"Sarkastikong saad ni Faye na hindi binigyang pansin ni Morana at sumagot agad.

"Oo sana, kasi maabutan tayo ng gabi mamaya."Nakangiting saad nito, nag umpisa nanaman mabaliw si Enjay at nagawa pa n'yang makipag usap sa bato.

"Mamamatay na ako bato, paki sabi kay Angelika na sakanya nalang ang tatlong ruler ko." Nakaupo ngayon si Enjay at hawaka ang bato, kinakausap nya ito at kung ano-anong pang payo ang binibigay. Na tila maiintindihan sya ng inosenteng bato. Pinapatayo sya ni Faye, ngunit tila hindi sya naririnig nito.

"Ano bang ginagawa mo?!"Galit na saad ni Ryan kay Enjay at naka ngiti namang tumingin sa Enjay sakanya, na may nagbabadyang luha sa mata.

"Ryan, katapusan na natin. Ano pabang hindi mo naiitindihan?" Ngayon a lumuluha na si Enjay na pinunasan ang mata at deretsong tumayo. Hindi maintindihan ni Ryan ang ginagawang kilos ni Enjay at nalulungkot sya sa nangyayari sa kaibigan.

"Nababaliw na sya, hindi na ito maganda." Saad ni Morana at sinundan si Enjay sa paglalakad. Ngunit nuong lumapit sya at lumayo si Enjay at sabay sabing, "Lumayo ka, wala na akong pinagkakatiwalaan sainyo."

"Kaibigan mo ako Enjay, wala kabang tiwala saakin?" Tila nadudurog ang puso ni Morana sa naririnig, hindi sya makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan. Hindi nya maatim na nawala ang tiwala ni Enjay sakanilang lahat.

Ang kaibigan n'ya na masayahin, ay naging isang batang malungkot na wala ng tiwala sa lahat, sakanila.

"Wala na Morana, mukang hindi na kayo ang mga kaibigan ko dati. Lahat kayo nakikitaan ko ng kamalian, na pwedeng maging sanhi ng pagbubuwala natin. Pasensya na, napapagod din ako."Pagkatapos ni Enjay bigkasin ito ay may isang putol na ulo ang nalaglag sa kung saan.

Maraming dugo ang lumalabas dito at hindi nila nagugustuhan ang nakikita.

"Ahh!!!" Bigla sa kung saan ay may sumigaw, dahilan upang sila ay sumibat na at lisanin ang lugar. Dumidilim na ang paligid at nag uumpisa nang magliparan ang paniki sa paligid. Lalo silang natatakot sa kaganapan, tila nasa loob sila ng isang laro.

Patuloy parin sila sa pagtakbo, hindi iniinda ang pagod. Alam nilang maari silang maabutan ng kung sino, kung ta-tangkain nilang magpahinga.

Sa gitna nang pagtakbo ay natalisod si Faye na ikinatigil nila, nakatingin sila kay Faye at hininty ang pag tayo nito. Ngunit kahit anong subok ni Faye ay bigo s'yang maka tayo. Na sprain ang kanyang paa, at kailangan nya na may tumulong sakanya.

Agad nag prisinta si Ryan at unti-unting inangat ang braso ni Faye, upang tuluyan na maitayo, habang si Morana naman ang umakay sa kabila nitong braso. Muli ay tumakbo sila at hindi alintana ang pagod na nararamdaman.

Mabilis ang mga pangyayari, ramdam na nilang pagod na pagod na din sila sa pagtakbo. Muli ay nag pahinga sila para maibsan ang pagod na nararamdaman, sa hindi kalayuan ay natanawan ni Ryan ang kweba.

"Maari tayong tumuloy duon!"Sigaw ni Ryan at agad namang tumayo muli ang mga kasama,upang tunguhin ang kweba na tinuturo ni Ryan. Batid nilang malayo ang kanila muling lalakbayin, ngunit hindi nila ito ininda dahil pagod na sila upang magreklamo pa.

Madilim na ang paligid, tanging kanilang dala lamang ay ang kanilang sarili. Wala na silang dahilan pa upang tumigil sa paglalakad. Ni isa sakanila ay walang umimik, hanggang nakarating sila sa pusod ng bundok.

Hindi pa man nakakarating sa kweba ay hingal at pagod na sila, wala silang nagawa kundi ang magpahinga. Masakit na ang kanilang talampakan at ang kundisyon ng katawan nila ay hindi na din maganda.

5 Days In Hell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon