Hayumi P.O.V
Ang bilis nilang magbago. Parang kahapon lang buto palang sila, ngayon isa na silang masayahing munggo!
"Adik kaba?" Nandito sa tabi ko si Faye, paepal nanaman. Kahit bonding namin ng mga alaga ko, istorbo sya. Dati na siyang bida-bida sa room nila? Pangit naman ng pagkaka reincarnate sakanya.
"Maghanap ka ng sariling buto na kakausapin Faye, wag ang buto ko." Saad ko at tinarayan siya. Nakita ko naman siyang ngumiti at nilagpasan na ako.
"For your information, galing sa halaman ko iyang buto na iyan! Kapal nito!" Saad ni Faye sa pagmumuka ko, nakalimutan ko bigla yun ah. Akala ko naman nakalimutan nya, memorize nya pa pala. Phew, sayang naman.
"Oh ano?!" Galit na saad saakin ni Faye. Minsan para siyang beast--madalas pala. Akala mo pinagsakluban ng langit at lupa araw-araw, minsan naman ganun din walang bago.
"Ihh..." Sagot ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam isasagot sakanya. Alanganamang sayawan ko sya bigla, o kaya mag twerk ako dito. Ayokong dungisan ang pagka inosente ng mga munggo kong kaibigan. They are my very bestfriend, no one can stop me.
Lumisan naman na si Faye at muli kon ibinalik ang attention ko sa aking mga kaibigan. Ang liliit nila, pero napaka galing kung gumiling. Ewan, pero pakiramdam ko naiintindihan ko ang mga halaman.
Siguro pwede na akong tawaging 'Plantits' Oo! kasi nag aalaga ako ng halaman. Pero...pakiramdam ko may mali, o pakiramdam kulang iyon.
"Hayst, ano kaba naman self. Bukod sa kinakausap mo ang munggo, kinakausap mo narin sarili mo!"
Napagdesisyonan ko nalang na tumayo at bumalik sa room, kaso...
"Ilang baygon pinapak mo?" Sa pintuan ng garden ay nakatayo ang isang makisig na binata, si Kenneth. Ayokong kiligin, pero alam yata ng sarili ko na burikat ang katawang tao ko.
"A-Ano lang...wala!" Namumula ako ngayon, kaya bahagya akong yumuko at itinago ang kamay sa likod. Ang hirap mag paliwanag, pinangungunahan ako ng kaba. Kaya napagdesisyonan ko nalang na tumakbo.
Bakit kasi wrong timing yung kilig ko, pwede naman kasing mamaya na sya sisingit.
Tumigil ako sa pagtakbo nuong nakapasok na ako sa classroom. Sumandal pa ako sa pintuan at bahagyang napauo sa sahig.
"Ano nangyari sayo? Hayumi okay kalang?" Si Kate ang aking classmate ay hinawakan ang aking braso at iniyugyog ako. Hindi ko alam kung nakakagsing iyung ginawa nya, o nakakahilo.
"W-Wala ito. Tara na."Saad ko at mabilis na tumayo sa pagkakaupo. tinungo ko ang akng silay at dahan-dahang naupo.
Maingay ay paligid, may nag aasara at nag tatawanan. Habang ako ay kinakausap ang sarili dito sa upuan.
"Hobby mo iyan no?" Habang seryoso kong binabatukan ang sarili ko ay may nagsalita salikuran ko. Ayokong magulat, pero nagulat ako.
"Ay palaka!" Sigaw ko rito. Nakita ko namang kumunot ang noo nya at hinayaan ko itong lumapit saakin. Sabi kasi ng isip ko na always grab the opportunity.
"So hobby mo talaga makipag usap sa sarili mo, o naka drugs kana< hmm, hayumi?" P.U.T.A a big word. Hindi ko alam ang gagawin, masyado siyang pogi para saakin. Hindi sya pwedeng ganito, binabaliw nya ako.
"Alam na alam mo talaga kung paano ako baliwin no?" Nakita ko naman siyang nagulat sa sinabi ko, kahit ako ay nagulat din sa sinabi ko. Letchugas!
"Ahm..is that for me o kausap mo nanaman sarili mo? Tanong nito saakin, habang may ngiting nakakubli sa kaniyang muka.Hindi ako pwedeng magkamali ng sagot, i would be dead.
Kung sasabihin ko na para sakanya iyon ay katapusan kuna, kung sasabihin ko naman na kausap ko ang sarili ko ay aasarin nya ako. Wag nalang kaya ako magsalita.
"Hayumi? hmmm sge, i will think nalang na patay na patay ka sakin. Urgh my damn body." Mayabang na saad ni Kenneth. Isa din itong dahilan kung bakit ayokong umamin, makapal kasi muka. Mahangi na pogi, makapal muka, na pogi.
BINABASA MO ANG
5 Days In Hell [Completed]
Horror[WARNING R-18+ STORY, THIS MIGHT TRIGGERED YOUR SOUL SO BE READY, IT'S A GAME TO REMEMBER. TO DIE.] How can you be so sure that your friend is really your friend? Let's dive in to this story entitled," 5 Days in Hell." Where they found out that some...