Chapter 8

2 0 0
                                    

Humahangos na dumating si Eos sa kweba, na talagang ikinagulat nilang lahat. Hindi naman napigilan ni Enjay na mapatakbo sa tuwa, at agad na yakapin si Eos.

"Irog ko!"Sigaw nito na naging dahilan, upang matawa ng bahagya si Faye. Talagang walang pinagbago si Enjay.

"Tumakbo na kayo, paparating na sila!"Sigaw ni Eos na mabilis namang sinunod nila Morana. Sa gitna ng gubat, at sa kalagitnaan ng gabi sila ay tumatakbo sa hindi mawaring direksiyon. Ang tangi nilang gusto ay makatakas sa lugar.

"Dito tayo!"Sigaw ni Faye at mabilis na sinuno naman nila Enjay, habang si Ryan ay naiwan sa puno. Nasabit kasi sa tangkay nito ang lay-layan ng kanyang short, hindi ito mahaba dahil short ang suot nya.
"Ano pang hinihintay mo Ryan, tara na!"Galit na sigaw ni Eos at malakas na hinila si Ryan sa braso. Agad naman nagpadala si Ryan sa haltak ni Eos,hindi pa nito mapigiling mapakagat labi sa sakit na nadara nuong makita ang sugat sa kanyang paa.

"Bilis, pasok!"Sigaw naman ngayon ni Faye at agad pinatuloy ang mgait sa abandonadong bahay.
"Saglit,nanggaling na ka dito! dito namin na kita si Ludwig!"Sigaw ni Morana at mabilis na isinuyod ang tingin sa paligid. Ang mga gamit ay naroon muli sa dati nitong lugar, ang mga tunog ay unti-unting naglitawan.

"Si Ludwig iyon! sya ang kumakatok!"Sigaw ni Enjay ay dahan-dahang kumatok muli sa Pader.

"Wag nyo susubuking sirain ang pader, darating ulit sya."Saad ni Ange, na ngayon ay nasa kanilang likuran.

"Mauulit lang ang mga bagay,hanggang sa kayo na mismo ang mapapagod."Saad naman ni Faye at nilagpasan na sila. Na upo ito sa upuan at pinagkatitigan ang pinto.

"Paano kung katulad natin ay naliligaw lang sila?!"Sigaw ni Enjay at bigla naman natigil sa bagay na nakumpirma.
"Ayan din ang sinabi mo, nuong napunta tayo dito."Saad ni Ryan na may halong gulat sa kanayang muka, hindi makapniwala sa mga nangyayari.

"Omaygosh!"Sigaw ni Morana, nuong bumukas ang pinto at iniluwa nito ang buhay na buhay na si Inday, ang ina ni Ludwig.
"Walang kikilos, bulag sya at walang naririnig. Tanging pakiramdam nya lang ang ginagamit nya, kung gusto niyong galawin nya. Pwes pinagbibigyan ko kayo na ipahamak ang sarili nyo."Saad ni Ange sa mga magkakaibigan. Hindi nila kilala si Ange at mas lalong hindi nila alam kung saan ito posibleng nagmula.

Ang dating bundok na puno ng kulay ay nagbago, nuong maraming namatay sa lugar na ito. Hindi matukoy kung sino ang nasa likod nito, dahil ang mga taong tangkang pasukin ang bundok ay hindi na nakalabas.

Dahil lahat sila ay namatay, sa walang awang kamay. walang natira ni isa sakanila at, ang nasa likod ay batid nila na isang demonyo na nagkatawang tao.

Mayroong nagbalak na isang Researcher nuong taon 2002, mga ilang linggo ang nakalipas ay natagpuan na patay sa kanto ang kinikilalang Researcher. Wala ni bahid ng finger print ang makikita, o tanging direksiyon upang matukoy ang salarin nito.

Wakwak ang katawan at wala ng mata ang kanyang labi. Nakatahi narin ang bibig at sarado ang tenga. Ang katawan nito ay lasog-lasog na at mistulang pinagpyestahan ng mga hayop sa gubat. Wala na itong pag-asa na mabuhay.

Nuon ay sinubok ng mga koeperatiba na iligtas ang kanyang labi, ngunit bigo silang magawa ito dahil narin sa kawalan nitong laman loob.
Ang puso na tanging pa-asa nila ay wala na.

"Hindi tao ang gumawa nito!"Sigaw ng isa sa mga rescuer, dahil sa kalunos-lunos na pangyaayr ay naging usapan ito sa iba't-ibang bayan.
Tanging buto at balat na lamang ang natira sa labi ng Researcher, na ang tanging gusto ay malaman ang nasa likod ng patayan sa loob ng bundok.

Pinag lamayan ng tatlong araw at kalaunan ang katawan ay nawala. Maraming nagtataka sa hindi kapani-paniwalang trahedya, maraming sumubok na tahakin ang bundok at mas maraming sinubok na alamin ang sikreto nito.

5 Days In Hell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon