Chapter 19

2 1 0
                                    

Gamit ang hindi maipaliwanag na bagay ay mabilis itong tumama sa Braso ni Ange, habang si Enjay ay tahimik na nagtatago sa loob ng closet.

"Lumabas ka diyan! Hindi ngayon ang tamang oras para mag pakaduwag!" Sigaw ni Eos, habang malakas ang pwersa na
tinutulak ang mga nilalang.

Hindi nila alam ang tawag sa mga nilalang na ito, lalong hindi nila alam kung saan ito nang galing.

"Natatakot ako!" Sigaw ni Enjay, kaya lalong nainis si Eos at pwersahang itunulak ang mga nilalang bago harapin si Enjay na ang iinarte.

"Inisin mo lalo si Eos, epektib. Lumalakas pwersa, dsurb mo mainis Eos." Saad ni ANge na naghaharang sa pintuan, kung saan sila naroon.
Hindi naman sya pinansin ni Eos at patuloy parin sa paglalakad, papunta sa direksyon ni Enjay.

"Tatayo ka diyan o tatayo ka?" Saad ni Eos habang galit na nakatingin kay Enjay. Walang kibo naman si Enjay at patuloy parin ang pagmu-mukmok sa aparador na pinagta-taguan.

"Sabagay, si Ryan lang naman ang susundin mo. Sino ba naman ako diba, isa lang naman akong hamak na Kaibigan lang." Saad ni Eos at tinalikuran na si Enjay, Iling-iling lang naman ang tanging nasagot ni Enjay sakanya.

Habang pikit mata si Enjay ay mahina siyang nagsalita. "Ikaw lang, wala ng iba." Ngunit huli na, dahil masyadong malayo na si Eos sakanya upang marinig ang mga salitang binitawan niya.

Sa lakas ng loob ni ANge ay hinaap niya ang mganilalang na ngayon ay nasa malayo, at malakas na sumigaw "Andito ako!" Umalingaw-ngaw ang kaniyang boses sa pasilyo, dahilan upang magkandarapa ang mga nilalang sa pagtakbo.

Mabilis na tumakbo rin si Ange sa pasilyo na iisa lamang ang daan, hindi sya sigurado kung may sasalubong sakanya habang tumakbo. Lalo namang napaisip siya kung okupado naba ng ibang nilalang ang pintuan na nasa dulo ng pasilyo, dahil alam niya na oras na magkamali sya ay kamatayan ang maipapataw sakanya.

Urgh!

Rahh!!!

Grii!!!

Samu't saring tunog ang kaniyang naririnig habang patuloy na tumatakbo, hindi nya sinubukang lingunin ang kaniyang likuran dahil batid niya na hindi lang isa o dalawa ang humahabol sakanya.

Sa dami ng tunog na kaniyang naririnig, alam nya na marami ang ngayon ay nasa kanya ang atensiyon. Hindi niya mainindihan ang kaniyang sarili at basta nalamang siya lumabas at tinamag ang mga nilalang.

Dala nalang rin sugro ng pagkairita sa dalawang kasama.

"Kasalanan talaga nilang dalawa ito eh!" Saad ni Ange sa sarili, na wala paring tigil sa pagtakbo. Palapit ng palapit na siya sa dulo ng pasilyo, ramdam nya na rin na mas nalalapit ang mga nilalang sakanya.

Isang mabilis na lingon ang ginawa sya at biglang nanlambot ang buong katawan niya sa nakita. Wala na sigurong nilalang sa ibang lugar, dahil batid nya na halos lahat ay hinahabol sya. Gusto niya sanang sabihin na ang ganda niya at pati ibang nilalang ay hinahabol siya, ngunit hindi ito ang tamang oras para lokohin ang sarili.

Nakalapit na siya sa pintuan at mabilis na inilock ito, ngunit hindi sapat ang panangga sa pintuan upang hindi makapasok ang mga nilalang. Sa dami kasi nito ay nakakagawa ang mga nilalang ng isang malakas na pwersa, mabuti at may maliit na kahon na butas siyang nakita sa ilalaim ng lamesa at mabilis na pumasok dito.

Sakto sakaniyang pagpasok ay nagiba ang pintuan at iniluwa ang mga yaw* na nilalang. Hindi niya lubos maisip ang kaniyang sasapitin kung hindi niya agad nakita ang butas at nanatili pa ng mas matagal sa labas. ngayon ay hindi niya na lam ang susunod na gagawin, hindi siya pwedeng gumawa ng kahit anong tunog dahil delikado.

Kahit yaa pag utot ay delikado, kaya ang kaninang nauutot ay nawala. Ngayon ay hindi nya alam ang kaniyang pupuntahan, dahil narin sa patalikod siyang gumapang. Hindi naman kasi pwedeng sabihin sa mga nilalang na 'Time out muna, baliktad kasi akong nakapasok sa loob. Babaliktad lang ako saglit tapos isipin nyo na hindi nyo ako nakita.' Dahil alam niyang imposibleng mangyari iyon.

Dahan-dahan siyang umaatras at yumuyuko naman siya maya-maya upang tinggnan kung may butas ba siyang makikita o tama paba ang nadadaanan niya.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pag atras ay natigil siya, hindi dahil sa tinatamad na siyang gumapang at gusto nalang ay mamatay. Kaya sya huminto sa pag atras ay dahil sa tatlong daan ang kaniyang pagpi-pilian.

Alam niya na agad na dalawa lamang ang pagpi-pilian niya, dahila ng isang butas ay myroong nakasilip na nilalang habang nakangisi nang malaki sakaniya. Pikit mata niyang sinubok ang isang daan na ngayon ay nasa kanan, batid niya na tama na ang dinadaanan niya.

Ngunit sa hindi makapaniwalang dahilan, may kamay na humawak sa kaniyang likuran na naging dahilan upang mabilis siyang gumapang pabalik.

"Ange..."Isang mahinang boses ang kaniyang narinig at hindi makapinawala siyang lumingon dito. Si Faye ang nagsalita.

"P-Paanong...bakit ka nadito, patay kana d-diba?" Kabadong saad ni Ange, habang dahan-dahang umaatras kay Faye.

"Grah!!!" Sigaw ni Fayt nagbago ng anyo, naging isang nilalang ito na may abong mata at mnaglalabas ng mga berdeng likido sa bunga-nga. Kaya ay biglang naalala ni Ange na maaring mang-gaya ng anyo ang mga nilalang.

Nakalimutan niya na siya pala mismo ang gumawa ng mga ito, kasama si Faye nuon. Ngunit hindi niya maintindihan ang nangyayari, dahil dapat ay sinasamba siya ng mga ito.

Mabilis siyang umatras at tinungo na lamang ang gitnang daan. Nalala nya na mayroo silang kaibigan na nurse, si Harley.

[Flashback...]

"So ano daw ganap at nagpatawag ng meeting si Harley? Feeling maganda nanaan HAHAHHA" Magiliw na saad ni Faye, habang hawak ang slurpee na iniinom nya galing pa sa convenience store.

"Malay ko ba duon." Saad naman ni Ange at patuloy na sa paglalakad. Sa hindi kalayuan ay natanaw nila si Harley na mugto ang mata at nakakuyom ang kamao.

"Gaganti ako, gaganti ako, gaganti ako, gaganti ako," Paulit-ulit na sambit nito, habang nakatingin sa kawalan. Hindi naman nila maintindihan si Harley at kalaunan ay natagpuan na lamang nila ang kanilang sarili na tumutulong sa plano si Harley.

"Tama ba itong ginagawa natin?" Naguguluhang saad ni Faye at akmang aalis na,nang higitin siya ni Harley at masamang pinagkatitigan. Kaya walang nagawa si Faye kung hindi ay sumama na lamang.

"Dr, Guavani,diba head iyan? Bakit mo pagtatangkaan?"
Nagu-guluhang saad naman ngayon ni Ange.

"Pwede ba maahimik nalang kayo?! Masyado kayong pakielamera!" Galit na saad ni Harley at pinagpatuloy ang ginagawa.

5 Days In Hell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon