KABANATA 8: A DAY IN MY LIFE

90 5 0
                                    


Erica POV**

NAGLALAKAD ako dito sa may likuran ng mansion. Nakikita ko ang mga nagtataasang puno ng mangga. Hitik na sa bongga ang mga iyon at ilang linggo na lang ay marahil aanihin na ang mga iyon.

Maaga akong nagising, dahil namamahay ako. Paggising ko mas maaga pa nagising si Axel dahil wala na ito sa hinigaan niya.
"Hai po Señorita Erica," bati sa akin ng ilang mga tauhan sa farm.

"Hello po,"ganting bati ko rin sa kanila.

Kada may madadaanan akong mga trabahante ay bumabati sa akin, they are all hospitable.

"Hello po," bati ko sa isang 'di katandaang lalaki mga tasa early 40s na ito. Nakaupo ito habang abala sa pagtupi ng mga diaryong papel na hinati hati na.

"Kayo po pala señorita, ako po pala si Lito." Pakilala nito ng makatayo saka yumuko.

"Nice meeting you po. Para saan po 'yang papel?" tanong ko sa ka umupo sa harap nito. May mesa sa ilalim ng manggahan at may pang apatang upuan.

"Ah ito? Pambabalot ito ng mangga Señorita," sagot naman nito at tinoy na ang ginagawa.

"Ilang linggo ba aabutin ng pagha harvest po nitong mangga?" tanong ko, habang nakatitig lang sa papel na pinagpatuloy na tupiin at pagdikitin ni manong lito.

"Dalawang linggo po maam, pinakamatagal po tatlong linggo hanggang isang buwan," anito habang abala pa rin sa ginagawa.
"Talaga po? Eh, ang lawak nito ahh. At saka parang walang hangganan ang mga pananim na mangga." Manghang sabi ko. Tantiya ko nasa 20 mahigit katao lang ang mga naroroon matatapos nila 'yon ng gano'n ka aga?

"Kumukuha lang po kami ng mga tao. Nasa 300-500 ka tao po ang nagha harvest ng mangga Señorita, kasi hindi kaya pag kami lang nasa 10,000-15 000 po ang puno ng mangga na nahaharvest tuwing season. Sa totoo nga niyan po nasa 30,000 ang punong mangga na nakatirik sa lupaing ito, pero mga bata pa nagsisimula pa lang ang iba." Mahabang paliwanag nito

Nagpatango tango na lang ako sa information na binigay nito, dahil sa hanga. No wonder mas lalong yumayaman si Axel dahil hindi lang city business ang ginagawa nito kun'di may manggahan at pinyahan rin, malaki ang kita ng manggahan, napag alaman ko rin na ang manggahang ito ang nag susuply sa ibang bansa. Pati pinyahan sila rin.
Nagpaalam na ako kay Mang lito, para hindi ko siya ma estorbo at pag iikot ikot pa ako.

If we're talking money, hindi nga nagkamali sila mommy ng mapili bilang mapapangasawa ko, wala kaming ganito.

Ang business ng magulang ko ay schools, hospitals, malls, factories all over the globe, kaya hindi ako maka relate sa manggahan.
May sasakyan rin doon na pang farm. Ginagamit iyon ng mga trabahante sa pag e spray ng manggahan at pag survey.
Napalingon ako sa pinanggalingan ko. Malawak naman ang dinaanan ko, in between sa manggahan at pinyahang mga nasa 50 meters ang distansya ng mangga at pinya. I saw the mansion, ang layo na pala ng nilakad ko. Muli binalik ko ang attention sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwadra ng mga kabayo. Meron rin palang ganito si Axel?

Namangha ako I like riding horses, riding horses sometimes is my pastime. Pumunta ako sa harapan ng kwadra. I saw a young guy na pinapakain ang mga kabayo. Nang marahil ay maramdaman ang presenya ko ay napalingon ito sa direksyon ko.

"Kayo po pala señorita," nakangiting turan ng binata na pakamot kamot pa sa ulo.

Kahapon pa lang ako dumating pero kilala na ako ng lahat. Perhaps the helpers were gossiping that I had arrived yesterday.

"Hi, ikaw ba ang nag aalaga sa kanila?" I'm referring to the horses.
"Minsan lang po 'pag busy ang, Itay, tinutulungan ko po siya lalo na pag walang pasok," paliwanag nito.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon