ERICA POV
Kasabay ng pagbukas ng pinto ng simbahan ay ang pag angat ng mukha ko. Bumungad rin sa akin ang magandang tugtugin. Agad na dumako ang tingin mo sa dulo ng altar kung saan, nakangiting nag hihintay ang isang makisig na lalaki. Nakakaakit ang itsura nito, nakapamulsa ito habang hindi nawawala ang mga titig nito na nanonoot sa kaibuturan ko. Nakita ko rin ang paglaglag ng mga luha nito at ang pagpahid nito roon.
Nginitian ko ito ng pinakamatamis kong ngiti. Saka ako humakbang, nang makailang hakbang na ako ay humarang si Daddy sa dinadaanan ko. Dumeretso na ako sa kanya saka umabresyete. Saka naglakad na kami. Bawat hakbang na ginagawa ko ay ang pabilis ng pabilis na tibok ng puso ko. At ang pangingilid ng luha ko. Noong naglakad ako sa aisle, ay purong inis ang nararamdaman ko sa lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng aisle, ngayon naman purong pagmamahal at kagalakan ang nararamdaman ko habang papalapit sa taong naghihintay sa akin sa dulo ng aisle.
Tuluyan ng nalaglag ang luha ko ng maalala ko si mommy, dati dalawa sila ni daddy nung hinatid ako sa harap ng altar, ngayon si daddy na lang. Na miss ko si Mommy. Sa loob ng mahigit limang taon ang daming nangyari, ang daming nawala, may pumalit naman. Nawala na ang inis at galit ko kay Axel dati at napalitan na ng saya at pagmamahal. Nawala si mommy napalitan naman ng tatlong bata, ika apat ang nasa sinapupunan ko na magtatatlong buwan na. Sa kabila ng lahat nagpapasalamat ako sa panginoon dahil naging masaya pa rin ako."Mommy." Napalingon ako sa kaliwang bahagi ko ng narinig kong sabay sabay na tawag sa akin ng tatlo.
"Hi my babies." Bati ko sa kanila ng tumigil ako sa paglalakad.
Nakita ko naman ang pag baba ng mga ito sa upuan at lumapit sa akin. Nakita ko na rin ang pagtayo nina Nanay Celia, Tatay Arman at Edward at tumungo sa amin."Hatid kana namin sis baka madapa ka." Himig nagbibirong saad ni Edward.
Natawa naman ako sa pinag gagawa ng mga ito. Actually tapos na silang rumampa kanina, anong trip ng mga ito.At yun nga nasunod ang gusto ng bruhang bakla at hinatid ako sa altar. Imbis na mag momoment ako, natatawa na lang ako sa ginagawa nila.
"Ouh, Ayan kuya Axel, ingatan mo ang kapatid ko huh, kapag yan sinaktan mo kahit mahal na mahal ka niyan, bubugbugin talaga kita sa harap niya." Anito sa barakong barako na boses.
Nagtawanan kami sa sinabi nito, tumawa na rin ang mga bisitang naroon.
"I will bro. I will promise you that." Anang Axel na hindi kay Edward ang titig kundi sa akin.
Bumalik na rin sa pagkakaupo ang mga ito. Humalik na rin ako kay dad bago pa nito ibigay ang kamay ko kay Axel.
"Take care of her, Iho." Narinig kung tugon ni Dad saka tumalikod na at pumunta sa upuan.
Nagkatitigan pa kami ni Axel. Saka iginiya na ako sa harap ng altar.
"Thank you for taking good care of yourself, salamat dahil hindi ka sumuko sa buhay noong nawala ako." Gumaralgal na ang boses ko while saying my vow," and now you're here, alive and kicking. I am here now, sa harap mo sa harap ng dios sa harap ng maraming tao,na may masayang puso, unlike before, galit at inis ang nararamdaman ko, natupad na ang gusto mo, na ikasal tayo dahil mahal natin ang isa't isa hindi dahil pinagkasundo tayo. Nandito ako masaya nagdiriwang ang puso ko at hindi nagluluksa." Tuluyan ng bumagsak ang masaganang luha mula sa mata ko. "I am here now, crying not because I'm mourning, but because I am in love with you. I am crying because of joy. Mahal na mahal kita. Kung may hihigit pa sa salitang mahal kita baka yun na yun. I will love you forever and always, in sickness and in health, in poorer and in richer, 'till death do us part." Pinahid ko ang luha kong walang humpay sa pagtulo.
Saka isinoot ang singsing sa daliri nito.He stretch his arms, patungo sa mukha ko. Ipinasok nito sa belo ang kamay nito ay pinahid ang luha ko.
"Wala akong ibang sasabihin, hahayaan kong ang puso ko ang magsalita mahal ko. Mahal na mahal kita I can now imprint in my mind that we got married because we love each other, that I'm in love with you, I will be forever yours,in sickness and in health, in poorer and in richer, 'till death do us part." Anito saka isinoot sa akin ang singsing.
Tinanggal nito ang belo at ginawaran ako ng matamis na halik sa labi. Saka nagyakapan kaming dalawa.Masigabong palakpakan naman ng mga tao ang pumailanlang sa loob ng simbahan.
Ang saya lang ,hindi ako magsasawang ulit ulitin ang salitang masaya dahil nagawa akong mahalin ng isang Sexy nga pero beast naman.
Ang dami na naming nadaanang pagsubok na dalawa, una ay iyong ikinasal kami dahil, pinagkasundo kami, pangalawa kay harold, pangatlo na accidente kami. Pero sa huli , nagkita parin kami, nagkasama parin kami, sandayang mabait sa amin ang tadhana kahit minsan harsh siya pero kasiyahan naman ang kapalit. Ipinagdarasal ko na sana sa bawat mabibigat na pagsubok na madadaanan ng aming pamilya ay kayanin namin, sana manatili kaming matatag at buo hanggang sa kahuli hulihang hininga ng aming buhay.
Hanggang dito na lang ang kwento ko.
I Erica Dhana Hermés-Hill is now signing off.
Maraming salamat sa inyo.Scroll for the special chapter.
BINABASA MO ANG
SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hell
RomanceHatred, sacrifices , family's love and hell. Yun ang naging definition ni erica Dhana Hermés sa buhay niya. Matapos syang ipakasal ng magulang niya sa lalaking kinaiinisan niya . Noon pamn isa na itong bully , na mayabang na antipatiko na walan...