"Ate, ang mommy?" tanong ko sa katulong namin na siyang naabutan ko na kasalukuyang naglilinis sa living area ng mansion.
"Ah, nasa music room po niya, Seniorita," sagot ng katulong.
Tatlong araw na rin ang nagdaan simula no'ng ibinalita sa akin ni mommy ang about sa engagement party. After that day hindi na namin 'yon napag uusapan. At uungkatin ko iyon ngayon.
Nasa ground floor ng mansion ang music room ni mommy kaya bumaba na ako at gumawa ako ng tatlong katok bago ko pinihit ang siradora. At binuksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang malamyos na musika na nagmumula sa piano na nilalaro ng kamay ni mommy. Napangiti ako matapos sumandal sa doorjam ng pinto, saka humalukipkip.
Walang kupas!
She's really a great pianist no wonder.
Untill now, ang galing pa rin niya sa piano.
Isa si mommy sa pinakatanyag na pianist sa buong mundo. Puno ng mga tropes, plaques at naka-frame na certificates ang music room ni mommy. Patunay ng kanyang angking galing sa larangan ng musika. 'Di magpapahuli ang boses nitong mala-Celine Dion din.
Pero masalimoot rin ang kasaysayan nito noon. Totol ang mga parents ni mommy sa kahiligan niya sa piano. Gusto lang kasi nina lola at lolo na sa business naka-fucos si mommy. Pero gustong gusto ni mommy ang kanyang ginagawa. Mahal niya ang musika. Hanggang sa mapagod ang lolo at lola sa kasasaway kay mommy kaya hinayaan na lamang siya ng mga ito. Ngunit may kalakip na kondisyon ang pagsupporta ng mga ito.
Ayon sa kwento ni mommy, na oras na makahanap sila ng lalaking maaring pakasalan ni mommy ay titigil na siya sa pag pa-piano. Labag sa kalooban niya iyon, ngunit wala siyang nagawa kun'di tanggapin ang kondisyon ng mga ito. Alang-alang sa pangarap nito. Kaya minabuti niyang sulitin ang kunting panahong iyon. Hanggang sa malayo na nga ang narating niya.
Masaya siya sa career niya. Hanggang sa binawi ang sayang iyon sa kanya ng pagkakataon. Dumating na ang araw, ikakasal siya hingil sa kagustuhan ng kanyang magulang .
ARRANGED MARRIAGE, iyon na yata ang tradisyon ng mga nasa business industry. Nang mga business elite. In order to expand thier business and influence, arrange marriage for thier co-investor's son and daughter is the key. Love? It's just a bunos for them. A pinch of salt. Wala sa vocabulary nila ang pag ibig. It's all about money, influence and honor.
Naging succesful naman ang pagsasanib ng dalawang lahi.
Kaya marahil nasa rank 2 ang Hermés Clan sa MOST RICHEST PEOPLE IN Asia. Nasa Rank 3 naman kami sa TOP 10 MOST RICHEST PEOPLE IN THE WORLD.
Isa rin ako sa top 2 YOUNGEST BILLIONAIRE in Asia.
Successful ang pagsasanib ng WALTON-HERMÉS Clan. Hindi rin naman pinagsisihan ng mom and dad na ikinasal silang dalawa through arrange marriage.
Kasi bukod sa nagpayaman ito lalo sa kanila, ay mahal naman nila ang isa't isa. Before everything happen kasi, may relasyon na pala silang dalawa. Hindi alam iyon ng mga elder both sides.
And the story goes like this:
***
THIRD PERSON POV
Tatlong taon ng tinatago nila Yza(mommy ni Erica) and Paul (dad)
ang kanilang relasyon sa kanilang mga magulang baka paghiwalayin sila. Super strict ng mga elders dati. At hindi rin nila alam na sila pala ang ipagkakasundo ng mga elders before the wedding.
Nang pinag-usapan na nila ang arrange marriage at ang gaganaping engagement party ay nagdisisyon silang magtanan. Lingid sa kanilang kaalaman na sila rin pala talaga ang nakatakdang ikasal.
Nang sumapit na ang gabi para tumakas ay nahuli si Yza ni Don Rafael, kaya naman ikinulong siya ng mga ito, nag desisyon silang ipakasal siya sa lalong madaling panahon. Kaya naman wala ng engagement party na naganap. At deretso na sila sa simbahan.
Mangiyak ngiyak si Yza nang maglakad siya sa aisle ng simbahan escort siya ni Don Rafael Walton at Donya Maria Walton- ang magulang niya .
She can't imagine how her life goes with the man she didn't love. And she's worried to thier loveness with her man. Na nabalitaan rin niyang, ikakasal rin pala sa iba.
Kasabay ng mga hakbang ni Yza patungong altar ay ang unti-unting pagtanggap ng masalimoot na kapalarang itinakda para sa kanya ng pagkakataon .
Ngunit napatigil siya sa paglalakad ng mapunta ang kanyang hilam na mata sa lalaking nakatayo sa harap ng altar habang gulat ang mga matang nakakatitig sa kanya. Nagulat rin siya ng pamilyar ang mukha ng guwapong lalaking nag-aantay sa kanya sa dulo ng aisle.
"Mama, Papa..." aniya habang titig na titig sa lalaking nasa altar. Nagsimula na rin itong mangiyak.
Nagtaka naman ang magulang sa ikinikilos ng anak.
"Ano na namang problema, Allyza?" inis na tanong ng ama.
Itinuro ni allyza ang lalaking makisig at guwapong-gwapo na lalaking nakatayo sa unahan ng simbahan.
"Siya ba? A-ang lalaking..." sunod sunod na tumulong muli ang mga luha ni Allyza . At this time, tears of joy na ito. "A-ang lalaking napili n'yong pakasalan ko? " Hindi na niya mapigilang mapahikbi. "Si Paul Mathew Hermés?" Nakangiti niyang tugon sa pagitan ng pag-iyak.
Humarap siya sa magulang gusto lang niyang kompermahin na hindi lang siya namamalikmata o di kaya'y nananaginip.
Narinig na rin niya ang bulong-bulungan ng mga taong dumalo sa nasabing kasal.
"Anak umayos ka, nakakahiya ano bang nangyayari sayo," anang ina na nagtataka sa inakto ng anak.
"Please, just answer me," pagsusumamo niya .
"Yza, nag-usap na tayo and you have nothing to do about it," bulong ng ama.
"Pa, I know and I just want to confirm from the both of you. It's just a simple yes or no for my question."
Sabay tumango ang dalawa.
Napangiti si Yza saka ibinaling ang tingin sa mapapangasawa. Hinarap niya ulit ang magulang at niyakap ang mga ito.
Wala pa rin silang idea sa nangyari.
Matapos kumalas sa pagkakayap ay walang lingon-likod na tinakbo niya ang altar kung nasaan ang lalaking pinaka-iibig. Wala na siyang pakialam kung mahaba ang heal niya o mahaba ang traje de buda niya o kung madapa man siya. Isa lang ang nararamdaman niya- ang ibayong saya.
Agad naman siyang sinalubong ni Paul at mahigpit na niyakap at ginawaran ng halik sa labi .
And the rest is history.
***
Erica POV
Kaso hindi magiging gano'n ang kwento ko. Magpapakasal ako sa taong hindi ko kilala. Pero tatanggapin ko na lng kung ito ang naka tadhana para sa akin.
Kung yo'n na talaga ang nakatadhana sa akin, hindi ko na iyon mababago. And besides puwede naman makipag-divorce, maybe a year after kung hindi talaga kami o-obra sa isa't isa.
Nang marinig kong natapos na ang tugtugin ay pumalakpak ako. At do'n lang ako napansin ni mommy, na halatang kinagulat niya.
"Ouh!" bulalas niya. "Kanina kapa? Come here sweety," nakangiting bawi niya saka inilahad ang dalawang braso nito.
Lumapit ako at humalik sa kanya.
"You're still awesome, Mom." Puri ko kay mommy after. "Nothing can bit you."
Tumayo si mommy at iginiya niya ako sa mahabang sofa na naroroon.
Umupo kami.
"Thank you for that sweet compliment, my princess, " aniya saka hinaplos ang buhok ko at inipit niya ang kunting hibla sa likod ng aking tainga.
"Ahm, Mom, " simula ko. "About the man whom soon to be my husband..."
"What about it, huh?" malambing niyang turan.
"Is he kind or Guwapo?" nakangiti kong tanong, medyo nahihiya rin ako. I'm not used to it, asking about a guy.
Napangiti si mommy.
"Ahm, I meet him before once, mabait naman siya as I have observed, he's magalang, guwapo rin. To be honest lamang pa siya sa daddy mo ng isang paligo."
Natawa ako sa huli niyang sinabi.
"Really?" kunway interesado kong tanong.
"Uh-ha, actually anak he's almost perfect."
"Do you think, matututunan ko siyang mahalin?"
Tumango ng walang pag-aalinlangan si mommy. Ang lakas siguro ng amor ng lalaking yo'n kay mommy. Kumpiyansang kumpiyansa sa sarili si mommy.
"As I have said, he's almost perfect, matalino ,mabait , guwapo, magalang , mayaman. Alam mo ba he is in the rank 1 young billionaire in asia," she said with a smile.
I raised my one brow, na-shock ako sa revelation na 'yon ah. So, ang mapapangasawa ko pala ay ang karibal ko sa ranking.
"Siya?" halos hindi makapaniwalang saad ko. Dati gustong-gusto ko na makilala ang nangunguna sa ranking. Hindi ko talaga kasi siya mahabol-habol. Ang alam ko Hill ang apelyedo niya. Pero dahil sa ka-busy-han ko sa career ko . Nakalimutan ko ng i-stalk siya. And now, siya pala ang mapapangasawa ko.
Napapatitig ako kay mommy saka nag pout.
"Binibinta niyo naman po ako, Mommy eh," kunway nagtatampo kong sabi.
"Naku, Erica kung ano-ano na naman 'yang pumapasok sa kukuti mo. "
"What if, Mom saktan niya ako physically? What if nagkamali lang kayo sa ugali niya. May lihim pala siyang kasakiman, alam niyo yo'ng gano'n?"
"Eh 'di pareho lang kayo," nakangiting tukso ni mommy sa akin.
"Mom!" pagdadabog ko. I know, I look stupid for acting like a kid.
Bumungis-ngis pa si mommy.
"Anak hindi mangyayari 'yang iniisip mo. No one can ever hurt you," anang mommy saka hinawakan ang kamay ko.
"How are you so sure, Mom?"
"Because you are a Hermés."
"Ano ba naman po ang laban ng apelyedo ko kung nakatira na kami sa iisang bobong. He can do whatever he wants to do," I rose my one brows as I said those words
"Trust me iha, malaki ang respeto nila sa atin kahit lage silang first sa mga rankings about billionaire. At saka Family friends natin sila," malumanay na wika ni mommy.
BINABASA MO ANG
SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hell
RomanceHatred, sacrifices , family's love and hell. Yun ang naging definition ni erica Dhana Hermés sa buhay niya. Matapos syang ipakasal ng magulang niya sa lalaking kinaiinisan niya . Noon pamn isa na itong bully , na mayabang na antipatiko na walan...