Pagkalapag ng helicopter sa malaking ground ng hospital ay agad na isinugod sa operating room si Jayvee. Madilim na rin ang langit ng dumating kami. Si Lara ang surgeon ni Jayve. Pati narin si Sunday na pinsan daw ni Axel yung doctor ni Jayve. Marami pa akong nakitang doctor at nurse sa loob ng OR. Nandito kami sa isang kwarto kung saan makikita ang surgery na ginagawa ng mga doctor, nasa Ibaba ng kwartong ito ang OR. At nakikita namin sila mula dito sa itaas. May nakaharang naman na glass wall. May intercom rin sa gilid na bahagi ng kwartong ito. Ito ang magbibigay daan para makausap ang nasa loob ng Operating Room.Sabi ni Axel bawal daw ang ibang tao rito pero since pag aari nila ang ospital ay allowed kami. Talagang napakayaman pala ni Axel. Nandito din ang mommy at daddy ni Axel at ang Chairman ng Ospital.
Private ang Hospital na ito. Mula kanina sa labas ay makikita ang laki ng ospital na hindi ko ma tantiya kung ilang floor ang meron. Eleganti tingnan ang Hospital halos lahat ng dingding gawa sa glass.
Napatayo kaming lahat ng makita namin sa monitor na naroon sa loob ng room nakatutok ang camera sa Holter monitor kung saan makikita ang vital signs ng pasyente. Humihina hanggang sa nawala ang heartbeat ng pasyente. Dios ko si Jayvee.
"A-axel, Si.Jayve." Umiiyak kong sabi habang pinagsalikop ko ang dalawang palad ko at inilagay sa bibig ko.
Nagdarasal ako na sana, sana ililigtas ng Dios si Jayve.
"What happen." Narinig kong sabi ng Chairman mula sa intercom. Nakita ko naman ang isang doctor na nakahawak sa intercom na naroon sa O.R.
"His heartbeat stop sir but where trying to revive him." Narinig kong sabi ng kabilang linya.
Napayakap na ako kay Axel. Hindi ko kayang manood. Humagulhol na ako. Wala na akong pakialam sa mga taong nandoon. Basta gusto ko na lang umiyak. Dahil sa tingin ko 'yun lang ang kaya kung gawin sa mga sandaling ito.
"Bumalik siya Honey, tingnan mo normal na ulit ang heartbeat niya." Maya maya ay narinig kong sabi ni Axel.
Kumalas ako rito saka lumakad ako papunta sa glass wall. At nilapat ko ang dalawang palad ko roon. Pinagmamasdan ko si Jayvee, may tubo na nakabaon sa bibig nito habang nakapikit ang mata. Nakikita ko rin ang naka bukas na dibdib nito. Umatras ako para tingnan ang monitor na nasa room na iyon. Nakatoon ito sa pumipitik na heart nito. May mga naka gloves rin na kamay ang nakikita ko at iba't ibang klase ng tools na hindi ko mapangalanan. Kawawa naman si Jayve sa murang edad naranasan niya ang ganito. Narasan nitong literal na binuksan ang puso nito.
Halos 30 minutes na ang lumipas ng matapos ang operasyon. Nakahinga narin ako ng maluwag ng naging idiklarang successful ang operasyon ni Jayvee. Under monitoring pa siya for 8-10 Days.
Pumasok kami sa private room nito habang nakasuot ng PPE at surgical Head cover. Bawal muna naming hawakan ang pasyente kaya nag kasya na lang akong titigan ito habang hilam parin ng luha ang namumugto kong mata. Naroon pa rin si Axel kasama ko. He never left me.
"Anak, this is the end of your suffering. Magpagaling ka. Eric and Alexa are waiting for you." Sabi ko dito. Kahit tulog ito.
Ang kambal pala ay kasama ng mommy at daddy ni Axel nasa mansion daw ng mga ito. Maya't maya naman ang tawag ko dahil baka hinahanap ako. Pero sabi ng katulong na nakausap ko ay nakatulog na ang mga anak ko.
"Honey, let's go home, you need to rest. " Anang Axel.
"Hindi walang magbabantay kay Jayve, baka hanapin niya ako." Sabi ko rito habang hindi pa rin na aalis ang tingin ko sa anak ko.
"May tinawagan na akong magbabantay kay Jayve, saka babalik tayo bukas. Sabi naman ng doctor na 24 hours pang matutulog si Jayve."
Doon ko na nilingon si Axel. Namumungay na ang mga mata nito. Marahil pagod at inaantok na ito. Sumulyap muna ako kay Jayve.
BINABASA MO ANG
SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hell
RomansaHatred, sacrifices , family's love and hell. Yun ang naging definition ni erica Dhana Hermés sa buhay niya. Matapos syang ipakasal ng magulang niya sa lalaking kinaiinisan niya . Noon pamn isa na itong bully , na mayabang na antipatiko na walan...